"Bye, Tita! Uuwi na lang ako sa probinsya maybe this christmas." Nakipag-beso at niyakap ko ang Tita ko bago ko sila ihatid sa gate ng apartment.
Kasama ni Tita yung dalawang pinsan ko, si Aldrick na 15 years old pa lang at si Alfred na halos ka-edad ko. Lamang lang yata siya ng iilang buwan.
"Sige, 'tol!" Matawa-tawang sabi ni Alfred habang nakikipag-apir sa akin.
Pumasok na ako sa apartment ko at nag-lock ng pinto. Hay nako, yung Tita ko talaga. Actually, kaya niya ako binabalik-balikan diyo, dahil gusto niya akong ampunin.
Wala kasi silang babaeng anak, si Alfred at Aldrick lang. Nasabi nga ni Mama na nung bata daw ako lagi akong nakila Tita. E, ayoko naman na magpaampon.
Bakit naman ako magpapaampon? Samantalang kaya ko naman mabuhay magisa. Nasa tamang edad na ako at kahit anong oras, pwede akong humanap ng mapapangasawa ko kaso hindi pa ngayon.
Maybe after three months, pagkatapos ng contract ko kay Joachim.
Kagabi pa ako nandito sa apartment. Pinagluto ko muna si Joachim ng makakain then umalis na 'ko. Kagabi pa lang kasi ay busy na ako kakahanda ng mga ipapakain ko kila Tita.
Ang totoo niya, nadagdagan pa ang utang ko kay Joachim ng 5,000 pesos. Nag-grocery kasi ako bago umuwi para nga makapagluto.
Naisip ko, magt-trabaho rin ako kay Joachim kaya malamang ay hindi na niya iyon singilin kaysa naman gastusin ko ang savings ko, 'di ba? Yes, that's life. Utakan lang, utakan.
Naligo na muna ako at nag-ayos pagkatapos ko magligpit. Nung nakaayos na ako, tumulak na ako pabalik sa condo ni Joachim. Nagdala na rin ako ng extra na damit para kahit hindi ako umuwi ng ilang araw, ayos lang.
Bitbit ang backpack at cellphone ko, naghanap ako ng masasakyan sa labas. Kinailangan ko pang lumabas ng subdivision para makapag-abang ng taxi.
Nung nakahanap na ako ng sasakyan, ibinigay ko na kaagad ang address ng building ng condo niya. Narating namin iyon, I think, more or less twenty minutes.
Nagbayad na ako sa driver at diretsong pumasok sa building. Bago pa lang ako pumasok sa elevator, kinuha ko na yung susi ng unit niya.
Isinaksak ko na kaagad ang susi sa doorknob nang marating ko ang tapat ng kwarto niya. Pagpihit ko at pagbukas nito, isang babaeng nakapula na dress, nakapula na nguso, at nakapulang heels at si Joachim ang bumungad sa akin.
Sa akin nakaharap ang babae kaya marahil ay papaalis na siya. Nakatayo naman si Joachim sa likod niya at laking gulat ko nang makitang naka-boxers lang siya.
Umiwas na lang ako sa babae nang lumakad siya papalabas sabay sabi kay Joachim ng katagang "see you later."
Lumakad na ako papasok, iniwan ko lang si Joachim doon. Ipinagpaubaya ko na rin sa kanya ang pagsara at paglock ng pinto. Sa kwarto ako dumiretso at ibinalibag ang backpack ko sa gilid ng kama.
"So, sino 'yon?" Tanong ko sa kanya na nakaaunod sa akin saka ko siya tinaasan ng kilay ko kahit upod na suko na sa kakaahit. "Bago mo?"
"She's my ex."
Mabilis akong nagisip ng maitatanong sa kanya dahil alam ko na ako na naman ang talo dito kapag naubusan ako ng sasabihin. "Ex? Ex mo bago maging tayo o ex mo just this week?"
Lumakad siya papalapit saka niya ako tinabihan sa kama niya. Tahimik siyang nahiga doon at tumitig sa kisame.
What's this? Ano't hindi siya makasagot. Tatanungin ko na sana siya ulit nang bigla siyang magsalita. "She's my ex about three years ago. Nagpunta siya sa ibang bansa after namin maghiwalay."
![](https://img.wattpad.com/cover/126736217-288-k392243.jpg)
BINABASA MO ANG
Slavery In His Condo (COMPLETED)
Ficción General[RATED SPG] Reese Evie Mercado lost everything after her Mom's death. Mag-isa na lang siya dahil sanggol pa lang siya nang iwan sila ng ama niya. What's worse? Her boyfriend, Joachim Villamor, broke up with her kaya patong-patong na luha, lungkot, s...