J O A C H I M
Maaga akong gumising nung araw na iyon. Pinilit ko talaga na gumising nang mas maaga hangga't maaari dahil pupuntahan ko si Evie. It has been two weeks already at sa tingin ko ay wala na talaga siyang balak na kausapin ako at mag-sorry man lang sa nakita ko.
I recieved no calls and messages from her these past few days. Nakakatawa kasi ako na nga yung ginago niya tapos ako yata ang gusto niyang sumuyo sa kanya. Kaya na niya talaga akong tiisin na hindi makausap nang ganoong katagal ngayon samantalang dati ay hindi kami tumatagal ng ilang araw na hindi nagkakausap.
Endless wonders filled my days. It took me so many nights and days to understand what's happening, because I can’t really believe what just happened. Masaya naman kami before tapos bigla na lang naging ganoon.
Wala naman akong maisip na dahilan para gawin sa akin ni Evie 'yon dahil alam kong galit na galit siya sa mga manloloko.
Medyo sikat na ang araw nang makarating ako sa apartment ni Evie. Nang pihitin ko ang doorknob ng bahay niya ay naka-lock iyon kaya kinailangan kong balikan sa sasakyan ko yung spare key na nasa akin. Suwerte naman ako at nandoon pa iyon.
Pagkapasok ko ay napansin ko kaagad ang mga kalat sa bahay niya. Hindi siya makalat sa mga gamit kaya nakakapagtakang magulo ang bahay niya. Nang matapos kong libutin ng paningin ang kanyang silid-tanggapan ay dumiretso na ako sa kwarto niya. Naka-lock din iyon at wala akong susi no'n kaya kinailangan kong kumatok.
"Evie," tawag ko sa kanya habang kumakatok. "Evie, lumabas ka d'yan. Kausapin mo ako!" Padabog ko pang sabi.
Hindi siya agad lumabas pero sigurado akong gising na siya dahil sa sobrang lakas na paghampas ko sa pinto niya. Habang hinihintay ko siyang lumabas ay tumungo muna ako sa sala at naupo sa kanyang sofa habang nakasalo ang aking mga kamay sa aking noo.
"What brings you here?" Narinig kong sabi niya kaya iniangat ko kaagad ang aking ulo mula sa pagkakayuko. "Sa pagkakatanda ko, sinabi mo na wala na tayong dapat pag-usa-" pinutol ko ang sasabihin niya.
"It's not about us," sabi ko.
Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata niya. Siguro ay nag-iisip pa rin siya kung ano nga ba ang pag-uusapan namin.
"What are we going to talk about , then?" Tanong niya. Naupo siya sa isa pang upuan na katapat ko. Sa gitna naman namin ay isang lamesita.
"I lost my job at wala pa akong naitatabing pera para sa sarili ko," sabi ko na ikinatawa niya naman. What the fuck? Bakit siya tumatawa? Hindi ba kapani-paniwala yung ginawa kong kuwento?
Totoo naman na wala na talaga akong trabaho dahil nag-resign ako pagkatapos nung araw na naghiwalay kami.
"It's none of my business, I think? Sa tingin mo ba ay matutulungan ka ng isang katulad ko na wala ring pera?" Natatawa niyang tanong pabalik.
Tinawanan ko rin siya. "And you think hihingi ako ng tulong sa 'yo?" Sarkastiko kong tanong. "Natatandaan mo ba yung 350,000 pesos na ibinigay ko sa 'yo para sa hospital bills ng Mama mo? Iyon ang kailangan ko."
Hindi na siya nagsalita kaya in-open ko agad sa kanya kung ano ang pakay ko kung bakit naparoon ako. Nang sinabi kong may io-offer ako sa kanyang trabaho ay hindi naman siya nag-react masyado. "Of course, I'll accept the job. Saan naman kukuha ng ganoong kalaking pera?" was her only reply.
Seryoso kaming nagtitigan doon sa loob ilang minuto. Nabasag na lamang ang katahimikan nang bigla siyang nagtanong. "What is the job?" Maikli niyang tanong.
Hindi ako kaagad sumagot dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin kaya ilang sandali akong natulala at tila ba naligaw na sa mga mata niya. Mayamaya pa, sa gitna ng aking katahimikan ay bigla niya akong kinurot sa aking tagiliran.

BINABASA MO ANG
Slavery In His Condo (COMPLETED)
Ficção Geral[RATED SPG] Reese Evie Mercado lost everything after her Mom's death. Mag-isa na lang siya dahil sanggol pa lang siya nang iwan sila ng ama niya. What's worse? Her boyfriend, Joachim Villamor, broke up with her kaya patong-patong na luha, lungkot, s...