Mainit ang pakiramdam ko nang magising ako. May mga sinag na rin ng araw na nakatakas mula sa bintana kaya alam kong tanghali na.
Wala naman akong gagawin na kahit ano kaya hindi ako kaagad bumangon. Umahon na lamang ako mula sa kama nang makarinig ako mga malalakas at magkakasunod na katok sa pinto ng kwarto ko.
"Evie," sabi ng boses ng isang lalaki sa kabila ng mga dingding ng kwarto. Kilala ko ang boses na iyon at hinding-hindi ako magkakamali sa narinig ko. Alam kong boses iyon ni Joachim.
"Evie, lumabas ka r'yan, kausapin mo ako," dagdag pa niya.
Ilang sandali akong natulala sa kawalan at walang kamalay-malay na naiyak. Oo, masaya ako na nandito ulit si Joachim pero hindi pa rin nawawala 'yung sakit na nararamdaman ko nang iniwan niya ako. Hanggang ngayon, masakit pa rin.
Para ngang gusto kong tumawa habang paulit-ulit kong naalala yung sinabi niya na "kausapin mo ako", eh. Nakakatawa lang. Sa kanya na kasi mismo nanggaling na wala na kaming dapat pag-usapan noong gabing iniwan niya ako sa bar isang linggo na ang nakalilipas.
F L A S H B A C K
"Evie, halika na, umuwi na tayo. Nand'yan na 'yong binilinan ni Daddy sunduin tayo," anyaya ng isa sa mga kaibigan ko na kasama ko sa bar, si Lana.
Actually, ayaw talaga ng mga kaibigan ko na tumungo doon sa bar noong gabing 'yon. Pumayag lang sila dahil alam nila at naiintindihan nila kung bakit gusto kong maglasing---they know how broken I was that night. And that night, wala akong ibang ninais kundi maglunod sa alak at makalimot.
Ni hindi ko nga alam kung ano 'yung mga alak na ibinibigay sa akin ng bartender, e. Tanggap lang ako nang tanggap at inom lang din ako nang inom. Ang alam ko lang, vodka ang una kong hiningi na inumin pero hindi ko na rin namalayan kung ano 'yung mga nainom ko pa matapos akong tamaan.
"No, Lana, I'm fine. Iwan niyo na lang ako rito," pautal-utal ko pang saad.
I was so broken. Ang aking ina na lang ang natitirang kasama ko sa buhay (aside for my boyfriend, Joachim) kaya ganito ang pagkawasak ko noong namatay siya.
Wala akong kausap pero salita ako nang salita roon.
Hindi ko na alam kung saan nanggagaling 'yung mga salita na pinakawalan ko noong gabing 'yon. Ang tanging naaalala ko lang ay kung paano ko hinanap si Joachim to atleast comfort me pero wala siya. Pinabayaan niya ako mag-isa. Mabuti na lang at may mga kaibigan akong nand'yan kaso aalis na din sila at iiwan na rin ako.
"Lana, tara na!" Narinig kong sigaw noong lalaki na sumusundo sa amin, family driver siguro nila Lana. Nasa main entrance siya ng bar at nakatanaw sa amin. "Kung ayaw umuwi n'yan, iwan niyo na lang d'yan!"
Hindi ko na alam kung ano pa ang sakit na dapat kong maramdaman. Bakit ba kasi lahat na lang ng tao, ayaw sa akin? Lahat sila, isinusuka ako.
"Sige na, Lana. Sumama na kayo at umuwi na. Malalim na ang gabi. Iwan niyo na lang ako." Sabi ko sabay bigay kay Lana ng isang wala-namang-nagmamahal-sa'kin look. "Salamat sa pagsama sa akin."
Yumuko na lang ako sa counter at napailing sa mga nangyayari. Ano na nga ba kasi ang nangyayari? Ano na'ng nangyayari sa akin?
"Evie?" Hindi siguradong tanong ng boses ng lalaki na palapit sa akin. I tried to open my eyes but my sight was spinning. I couldn't recognize anyone. Dancing lights, smokes and a legion of people were all I could see.
Nawala na ako sa sarili ko nang marinig ko 'yong boses na 'yon. Hindi ko na nakilala ang boses at hindi ko na rin makita nang malinaw kung sino iyon pero nakakasiguro akong si Joachim 'yon, sa paraan pa lang ng paghawak niya sa baywang ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/126736217-288-k392243.jpg)
BINABASA MO ANG
Slavery In His Condo (COMPLETED)
General Fiction[RATED SPG] Reese Evie Mercado lost everything after her Mom's death. Mag-isa na lang siya dahil sanggol pa lang siya nang iwan sila ng ama niya. What's worse? Her boyfriend, Joachim Villamor, broke up with her kaya patong-patong na luha, lungkot, s...