Kabanata 18

8.9K 68 2
                                    

Mamayang gabi na ang unang gabi ko sa bar. Waitress lang naman ako pero kinakabahan pa rin ako, malay ko ba kung bakit. Maghapon na rin namin pinagtataluhan 'to ni Joachim pero sinabi ko sa kanya na hindi niya na ako mapipigil.

Alas syete na nang makagayak ako. I was about to leave his unit when he shouted my name. Dahilan ito para mahinto ako sa paglalakad at mapalingon sa gawi niya. Nasa sala siya.

"Anong oras ang uwi?" Tanong niya. I felt relieved. Akala ko pagagalitan na naman ako ni Master Joachim. Seryoso, kinabahan ako do'n.

Medyo galit na medyo pumiyok pa ang tono ng pagtatanong niya kaya matagal kong pinag-isipan kung paano ako sasagot. "Be-Before two." Sabi ko na lang.

I left him there. Napa-isip ako. Imagine me, a girl, pumasok ako sa trabahong hindi ko naman guso para lang mang-asar. That was a serious joke, right? Bakit ko ba ginagawa 'to?

Tumigil ka! Gagawin mo 'to!

So, I am now talking to myself? Ugh! Sa bagay, hindi ko rin naman ginustong maging sex slave niya. This is fine. I'm fine. Nothing's wrong. I think so.

Nakasakay na ako sa taxi. Doon ko na din naisipan na tawagan ang barkada para i-meet sa bar. Pwedeng sa kanila ako mag-serve mamaya for training na din. Tinext ko si Lana.

Ako:
May gagawin ka? Pakisabihan ang barkada. Kita tayo sa bar ni Sir Vin :)

I hope we're okay. After what happened in Camille's birthday party, hindi ko alam kung okay pa kami. Nagrereply nama siya sa mga texts ko nitong mga nakaraang araw saka nagka-usap pa kami. Sana ayos na sa kanya.

Lana:
Sige daw, we'll be there before nine.

That was her reply after, I think, almost ten minutes. Hindi ko na pinansin dahil baka natutulog siya. Tambay lang din kasi ang isang 'yon, parang ako dati.

"So, you're Evie?" Tanong ng isang babae pagpasok ko sa bar. Morena siya at halos magkakulay na kami ng balat pero mas maputi ako ng konting-konti. Tumango ako habang sinusuyod ang katawan niya mula taas hanggang baba.

Napansin ko kaagad sa kanya na magkamukha kami ng uniform. Waitress din kaya siya?

Tinitigan ko pa siya. Magkasingtangkad lang din kami at sa palagay ko'y mapapagkamalan siyang ako kapag nakatalikod. Hmmn, mas maganda ako. Hello? Mas busog lang yung-yung boobs niya.

Wala pang tao sa bar bukod sa isang grupo ng mga kalalakihan. Sila na yata nagbukas nitong bar.

Hindi ko na sila pinansin at sumunod na ako sa babae. Pumunta siya sa kitchen. Busy na sila doon sa pagluluto. Yung ibang waiter naman ay nagpupunas ng mga baso.

Plano rin yata ni Sir Vin na gawing resto bar 'to. Malay ko. 'Yun ang sabi nila, e.

Ilang oras pa nang halos mapuno na ang bar ng mga tao. Walang tao sa maliit na platform na nagsisilbing parang stage. Ang drumset lang ang nandoon. Marami na din ang mga sumasayaw sa dancefloor.

Feeling ko hindi ko kakayanin dahil sa mga ilaw pa lang, tumba na ako. Hindi kinaya ng mata ko. Hindi kasi ako sanay.

Pinilit ko na lang na magdala ng mga pinakukuha nila Lana. Sila na lang muna ang pagsisilbihan ko ngayon dahil nagsasanay pa naman ako.

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Hazel. Umiling ako at ngumiti sa kanila. Anim sila sa lamesa at sa kanila lang ako pabalik-balik na nagdadala ng mga alak, juices, at yung mga pagkain.

"Bakit hindi ka maupo dito sa amin? Tayo ka ng tayo d'yan!" Bulyaw ng isa sa kanila na hindi ko na maaninag ang mukha. It's either Melvin or Benedict dahil sila lang ang lalake na nandito sa lamesa.

Slavery In His Condo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon