MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
3 YEARS. After I married Pamela, a terrible news came to me. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Kaya naman napalipad ako pabalik sa Pilipinas. Private jet ang ginamit ko dahil sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na kayang magpa-book pa.
Still lucky to have an understanding wife. Pamela allowed me to leave even though we were on a family vacation.
Dumeretso ako sa isang private hospital here in Laguna. Pag-akyat ko ng second floor ay sinalubong ako ng mga unipormadong lalaki. "Let me in," utos ko sa kanila.
"You're not allowed to go inside, Sir."
The youngest billionaire was behind this. I was sure that he was in here.
"I need to talk to him."
"Let him in." Isang maliit na boses ang nagsalita. Nang marinig nila ang boses nito ay nagsitabi sila.
"This way," sabi sa akin ng batang lalaki na nagmamay-ari ng maliit at medyo bulol na boses.
Who was this kid? Para siyang hindi bata kung magsalita. I looked at the kid. Maputi, naka tux at may yakap na laruang truck. Sa tantiya ko ay nasa anim na taon. But he acted like he was not. He was familiar.
"Are you a Foresteir?" I asked him.
Humarap siya sa akin at tumingala. "Yes. I am Lion Foresteir."
Napaatras ako. I think siya na iyong sinasabi sa akin noon ni Pearl na isa niya pang anak na iniwan niya sa Italy noon.
"This way plish." Sabi niya matapos ituro ang isang room.
Binuksan ko iyon. Nadatnan ko doon ang hinahanahanap ko. The youngest billionaire -Panther Foresteir - in all black. Armani suit.
Nakatungo ang batang lalaki. Nakasandal ang kanyang ulo sa isang babaeng wala ng buhay. She was dead because she took her own life. Hindi ko na alam kung sa paanong paraan.
Why the hell did Pearl commit suicide? Hindi niya na inalala ang dalawang anak niya! Hindi na niya iniisip ang mga maiiwan niya! Akala ko pa man din ay nagbago na siya. But still, she was a selfish bitch!
Malamig na bangkay na nakahiga sa nakabukas na glass coffin. Parang kailan lang, nag-email pa siya sa akin, telling me that she was tired of living. That she wanted to end everything. She didn't even think about her children.
Marahan akong lumapit kay Panther. "Hey, buddy."
Nilingon ko si Lion. Inosenteng nakatingin lang ito sa amin. Mayamaya ay maliit na ngumiti at tumalikod na para iwan kami ng kuya niya. Such a nice boy.
Nang kami na lang ni Panther ay hinawakan ko sa balikat ang batang lalaki. "Panther, I'm here—"
"I don't need you." Pabulong pero mariin ang kanyang pagbigkas.
"I'm sorry about your mom..."
Tumayo siya. Nang humarap siya sa akin ay tigmak ng luha ang mga mata niya. "She killed herself because you abandoned her. You abandoned us." Mahinahon lang ang boses niya.
Ang kulay abo niyang mga mata ay biglang nahaluan ng apoy, ngunit ang maamong mukha ng bata ay nanatiling kalmante.
This kid was really hard to tell. Kahit kailan ay hindi ko nabasa ang isip niya. He was a genius at his age. He spoke like he knew everything, always. He was one of a kind. Para siyang isang uri ng bata na isinisilang lang isang beses sa loob ng milyong taon.
"Son..."
"Shut up! You're not my fucking dad."
"Panther, listen to me. I didn't abandon you. For me, you're my son-"
"Kaya palagi mong kinakampihan si Rogue... because I am nothing to you. And Macey? You chose her over me." Halos pabulong na sabi niya. "Mas importante sila sa'yo..."
"Hindi 'yan totoo. Pantay ang tingin ko sa inyo ni Rogue. And about Macey, I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo. Macey is my daughter..."
Tumango-tango siya. At sinalubong ang mga mata ko.
Kinikilabutan ako sa klase ng titig ni Panther. "You will always be my son. You can still stay with me and-"
"You know what? I have a better plan. I will destroy you."
"Huh?"
"All of you." Humakbang siya at ngumisi na para bang hindi siya mag-a-anim na taong gulang pa lamang.
"What the hell are you saying?"
"Maybe not today... not tomorrow... but I will destroy you. All of you..."
Napalunok ako. Sa klase ng ngisi niya, parang wala ng makakabale sa kung ano mang plano ang nabuo niya.
"'You hear me, Sandoval. I'm gonna destroy all of you." Pagkatapos ay tinalikuran niya na ako.
--------------------------------------------------END OF BOS 1------