"Babae ang iyong anak"
nang marinig iyon ni ina ay sunod sunod na tumulo ang kaniyang luha at nakatitig lamang si ama sa aking maliit na katawan.
"Nilinlang tayo ng matandang iyon!" Hindi napigilan ni ama ang labis na pagkainis at agad siyang pumunta sa maliit na bahay ng sinasabing matanda kasama ang kaniyang pinaka pinagkakatiwalaang mga kawal
Pinaluhod ang matanda na kilala bilang isa sa pinakamagaling at may kakayahang gumamit ng majika
"BINIGYAN MOKO NG BABAENG ANAK!?"
"Ngunit... Sinunod ko lamang po ang inyong inutos kamahalan, isang anak na magaling sa pakikipaglaban, may busilak na puso na magtatanggol sa ating kaharian"
Sinuntok siya ni ama dahilan para ito'y mapahalik sa lupa
"Isang anak. ISANG ANAK! Isa lang ang maaaring maging anak ng isang maharlika at alam mo iyon!! Sa limang henerasyon, ngayon lamang magkakaroon ng isang anak na babae ang isang maharlika!" Sigaw ni ama sa matanda
"LUMAPIT AKO SAYO UPANG MAGKAROON AKO NG ISANG ANAK! Isinumpa ako noong ako'y bata pa at saksi ka sa gamutang ginawa saakin. Sa kadahilanang yon, ako'y hindi mabiyayaan ng anak!" Nagsimula ng tumulo ang luha ni ama at napaluhod sa lupa
"Hindi ko rin maaaring ipapatay ang aking babaeng anak dahil... ako'y pinagbigyan na magkaroon ng kahit isa lang... na magtutuloy sa propesiya sa tulong ng iyong majika"
-----
Nakita ko ang ala-ala na iyon sa isa sa mga bote ni ina, ang ala-alang iyon ay kaniyang itinabi upang maintindihan ko daw ang lahat at kung bakit hindi ako makalabas ng aming palasyo.
Hanggang ngayon hindi parin ako kilala ng mga tao, patuloy nilang itinatago ang aking tunay na pagkatao. Ang akala ng buong kaharian ay isang Prinsipe ang magtutuloy ng propesiya ngunit nagkakamali sila. Hindi pantay ang tingin sa mga babae't lalaki, ang katungkulan lamang ng mga kababaihan ay bigyang supling ang kanilang asawa at pangalagaan ang kanilang pamilya dahil lubos silang mahina sa pakikipaglaban ngunit naiiba ako sakanila.
"Nais kong masaksihan ang pag eensayo ng aking anak, lubos niyang napahanga ang aking matalik na kaibigan"
narinig kong wika ni ama kay Serfen ang aking guro sa pamamana (archery) dalawang buwan palang niya akong sinasanay pero sadyang madali lang matutunan ang kaniyang aralin. Bago niya ako turuan, ipinagmalaki niya pa saakin na sampung taon daw siya nagsanay para maituring na isa sa pinakamagaling gumamit ng pana. Naaalala ko pa yung tono ng pananalita niyang lubos na minamaliit ang aking kakayahan.
Hindi ko mapigilang ngumiti ng mapang asar sakanya ngayong napatunayan kong mas magaling na ako sakanya.
Inimbita ni ama ang kaniyang matalik na kaibigan na si Paredes Lufuigo nabibilang siya sa isa mga pinakamayayamang pamilya sa aming kaharian.
Nakahelera na ang sampung tudlaan (target) at namimili na ako ng aking gagamiting pana.
"Prinsesa! Galingan mo!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan. Inirapan ko siya at di siya pinansin. Hindi ko mapigilan ang pag ngisi ko nang malamang manonood pala si Shiro, kung sabagay anak siya ni Paredes hindi maaaring hindi siya sasama dito.
"IBIG SABIHIN BA NG NGITING YAN AY BATI NA TAYO?" sigaw niya pa kaya binatukan na siya ng kaniyang ama na nakaupo lang sa kaniyang gilid.
"Ganyan ba ang tamang pag-aasal sa isang prinsesa?" Sabi sakaniya ng kaniyang ama na si Paredes
"Pasensya na ama" tumahimik na lang si Shiro at seryosong nanood saakin
Nakapili na ako ng aking gagamiting pana at ibinigay na ng tagapagsilbi ang mga bagong hasang palaso. Sa pagkakataong ito mayroon akong taong kailangang sibakin sa pwesto.
"Maaari ko bang imbitahan ang aking guro na si Serfen? Nais kong kami ay magtunggali" sabi ko at hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang aking hamon kumuha rin siya ng kaniyang pana. Agad din siyang pinaghanda ng sampung tudlaan (target).
"Kung sino ang may pinakamabalis na kamay ay siyang mananalo" wika ko.
Magkatalikod kami ngayon at pareho ang agwat ng aming mga tudlaan na halos may pitong metro rin ang layo at may guhit na naghihiwalay saamin dito.
"Ang palasong wala sa gitna ng tudlaan ay hindi maaaring bilangin bilang puntos" pag aanunsyo ko
"Anong gusto mong patunayan prinsesa?" Bulong saakin ng mapagmaliit kong guro
"Gusto kong patunayan na mas magaling na ako sayo" Sabi ko at kasabay nun ay ang pagtunog ng gong na nagsisilbing panimula ng aming labanan.
Sunod sunod kong ipinatama ang mga palaso sa gitna ng mga bilog, walang kahirap hirap. Napalingon ako sa matandang guro na abala sa pag aasinta sa ika limang tudlaan samantalang ako ay nasa ika pito na. Hinintay ko siya, tsk! Napakadali naman ng labanang ito. Nang makarating siya sa ikawalong tudlaan, hinanda ko na ang tatlong palaso at inayos ito. Pahiga ko inayos ang aking pana at pinuwesto ang mga daliri ko upang maging pagitan ng mga palaso.
Pagdating niya sa ikasampung tudlaan ay inunahan ko ng pakawalan ang aking tatlong palaso sa iisang pana.
Nang matapos ang labanan, agad na binilang ang aming puntos.
"Walo para kay Gurong Serfen!" sigaw ng kawal matapos bilangin ang puntos ng aking guro
"Sampu para sa Prinsesa!" Sigaw ng kawal na nagbilang ng aking puntos.
Binigyan ko siya ng mapang asar kong ngisi.
"Paanong... Hindi maaari..." bulong ng aking guro
Nakita kong nakangiti at nagpapalakpakan naman ang mga manonood na sila Ama, Shiro, at Paredes.
"Magaling Prinsesa!" sabi ni Paredes, hahawakan niya sana ang aking ulo subalit napahinto siya nang maalalang isa nga pala akong maharlika.
"Pagpasensyahan mo na Prinsesa, ikaw ang kauna unahang prinsesa sa dugong maharlika at hindi na namin masyadong nabibigyang pansin ang mga ipinagbabawal"
Oo maraming bawal...
Una sa lahat, bawal mo hawakan sa ulo ang isang babaeng may dugong maharlika, ang pwede lamang humawak sayo sa iyong ulo ay kapwa maharlika din. Ngunit kung ito'y mamamayan lamang, naghahatid ito ng mensaheng 'ayoko sayo'.
Pangalawa, hindi maaaring maghalikan ang isang lalaki at isang babae dahil kusang iilaw ang kanilang mga burda sa kamay na nagsasabing kayo ay itinakda para sa isa't isa. Ang sino mang lumabag sa kasunduan ng tadhana ay nagiging miserable ang buhay. Kaya halos lahat ng unang halik ay sa kasalan nagaganap.
Pangatlo, ang paghawak sa kamay ng isang maharlika ay kailangan ng pahintulot mula dito dahil ito ay may kaukulang parusa, ang pagkakakulong.
Pang apat, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitig ng matagal sa Prinsesa. Ang sino mang mahuli na nakatitig ay hahatulan ng limang taong pagkakakulong.
At panglima, bawal magbigay ng kahit anong kagalangan ang isang Prinsesa. Kaya hindi ko matawag na Ginoong Paredes si Paredes dahil ito ay nangangahulugan ng pagbaba ng prinsipyo, puri at dignidad.
Oo nga pala, ako si Prinsesa Gracia Endreciades, labintatlong taong gulang. Ako ay isang maharlika sa East at ang lugar namin ay tinatawag na Endrecia. Ang aking mga magulang ay sila Daser Endreciades at Alfonso Endreciades.
Hi guys! 1st story ko pala ito sa wattpad haha kaya wag muna mag expect ng super duper high pero pipilitin ko talaga na maging maganda tong story na to kase ilang taon na rin siya tumatakbo sa isip ko at naisipang isulat na ito. Maraming salamat! Keep supporting haha promise ko na mag uupdate ako lagi. Enjoy!
BINABASA MO ANG
Diverse
RomanceAnong gagawin mo kapag magkaaway ang inyong mga kaharian, itutuloy niyo paba ang pag iibigan o magiging masunuring anak nalang? Hanggang saan ang kaya nilang isugal para sa pag ibig? Tunghayan ang storya ng dalawang tao na itinakda para patayin ang...