1

6 0 0
                                    

Pagkatapos ng labanan ay agad kong pinasibak ang mapagmaliit na gurong iyon.

Sa ngayon ay kinuhanan ako ni ama ng sundalong magaling sa paggamit ng espada, siya na ang aking magiging bagong guro ngunit hindi ko pa siya nakikilala.

"Puno ang langit ng bituin
at kailamig pa ng hangin.
Sayong tingin ako'y nababaliw, giliw

Naririnig kong kumakanta nanaman si Shiro. Narito kami ngayon sa isa sa mga tore ng aming kastilyo, paborito namin ang lugar na ganito dahil mataas at nakikita mo halos ang buong kaharian ng Endrecia.

at sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Binubuhos ko ang buong puso ko

Napatingin ako sakanya at nakatingin siya sa madilim na kalangitan. Alam namin na kaming dalawa ay ipagkakasundo na magpakasal balang araw, hindi naman ako nababahala dahil alam kong isang mabuting tao si Shiro.

Sa isang munting harana
Para sayo..."

Napatingin siya sa kinaroroonan ko kaya agad naman akong napaiwas ng tingin sakanya.

Tahimik lang kami, walang may gustong magsalita sa aming dalawa. Umiihip lang ang malamig na hangin at tila lalong umaliwalas ang kalangitan dahilan para masilayan lalo ang mga bituin.

"Gracia..."

Napatingin naman ako sakanya, bihira niya lamang ako tinatawag sa aking pangalan na walang kagalangan. Nararamdaman kong ito ay isang seryosong usapan.

"Labing limang taong gulang ako at labing tatlo ka naman. Limang taon nalang at iaanunsyo na ng ating mga magulang ang napagkasunduan nilang kasal." sabi niya at saka tumingin sa kalangitan

Magkatabi kami ngayon, nakatayo at nakalagay ang aming mga braso sa batong humaharang saamin upang hindi kami mahulog. Malaki ang agwat namin na halos isang espada rin ang haba.

"Ahh... Ayun ba?" Yan nalang ang nasabi ko. Wala naman akong pakielam sa mga ganoong bagay, kahit kanino pa ako ikasal ay sasangayon ako basta't hindi siya mukhang unggoy at hahayaan niya ako sa pagtupad ng aking misyon.

"Hindi ka ba nababahala na ikakasal ka sa akin?" tanong niya at saka dumeretso ang tingin niya saakin.

"Bakit naman ako mababahala, mabait ka naman at mayaman. Pangit nga lang." Sabi ko at saka ngumisi sakanya

"Mas pangit ka Prinsesa... Di ko nga alam kung bakit hindi mo nakuha ang kagandahan ng iyong ina" pang aasar niya pa saakin "Hayy... Ayoko nga magkaroon ng pangit na asawa" Sabi pa niya at saka nagsalumbaba

Nilapitan ko siya at saka siya tinaasan ng kilay

"Mukha kang unggoy" sabi ko

Ang totoo niyan, gwapo si Shiro, palaayos siya sa kaniyang sarili at ayaw na ayaw siyang tinatawag na pangit. Balita ko maraming babae ang nagkakagusto sakanya ngunit tinatanggihan niya ang mga ito dahil paulit ulit niyang sinasabi na may bumihag na ng kaniyang puso.

"Prinsesa ka ng mga palaka" at saka siya tumawa

Nainis naman ako sa pang aasar niya saakin.

"Unggoy, unggoy, unggoy..." sabi ko

"Palaka, palaka, palaka..." sabi niya

"ooo! whoo! ooo! ..." ginagaya ko ang tunog ng unggoy para maasar siya

"Mas bagay pala sayo ang unggoy prinsesa! HAHAHAHA" sabi niya at saka tumawa, nakahawak na siya sa kaniyang tiyan

"Tch! Bahala ka nga diyan! Maiwan ka mag isa!" sabi ko dahil tuluyan na akong napikon sakaniya. Akmang papaalis na ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko

DiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon