Shiro's POV
"Heneral, ipinapatawag daw po kayo ng mahal na Prinsesa!" pag uulat ng kawal na nagbabantay sa labas ng kastilyo
Napatingala ako sa malaking orasan ng tower 1, ang pinakamataas na tore sa buong palasyo.
Agad naman akong nagtungo dahil hindi ko na siya maaaring paghintayin ngayon dahil may karapatan na siyang magalit. Hayss...
Hindi ako sanay.
Dalawang buwan na kaming magkasintahan ni Gracia pero wala namang pagbabago ang nagaganap sa aming relasyon. Ang "magkasintahan" na tingin sa amin ng ibang tao ay tila ba hindi ko ramdam at alam kong ganun din ang nararamdaman niya.
Siguro nga hanggang ngayon naninibago parin kami.
"Ipinatawag mo daw ako mahal na Prinsesa..." sabi ko
"Pwede bang 'mahal ko' nalang ang tawagan natin sa isa't-isa?"
"Kung iyan ang gusto mo"
Nasa salas kami ng kastilyo. Nakaupo siya sa malaking sofa at umiinom ng chaa. Habang nakatayo naman ako sa gilid niya
"Sa tingin mo ba, matututunan talaga nating mahalin ang isa't isa?" sabi niya at saka pinagkrus ang kaniyang mga hita (cross legs)
Naupo naman ako sa upuan sa harap niya
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
Tinignan niya lang ako sa mata at tila ba ayaw niya sa ugali kong nagkukunwaring inosente
"Depende naman iyon, naniniwala akong natuturuan ang puso" sabi ko
"Gaano katagal para maturuan ang pusong umibig sa iba? Ayokong magtaksil sayo Shiro, at mas lalong ayokong magtaksil sa Endrecia" sabi niya. Binabagabag nanaman siya ni Lucas, alam kong si Lucas ang una niyang pag-ibig minsan ay nakukwento niya saakin ang lalaking iyon pero...
"Ngunit, hindi mo ba naisip na baka ako ang magtaksil sa iyo?" sabi ko, tila ba parang may kumurot sa puso ko.
"Kung ganoon... Pareho tayong magtataksil" sabi niya at saka hinigop ang kaniyang chaa
"Bigyan natin ng panahon ang ating mga sarili Prinsesa, hangad ko rin ang kapayapaan ng relasyon nating dalawa. Dadating din ang araw na kusang titibok ang puso natin para sa isa't isa" wika ko
Makalipas ang 2 taon
"Kaya mo yan mahal ko" Sabi ko sakanya.
Labing walong taong gulang na ang Prinsesa at oras na para ipakilala siya sa madla. Hay sa wakas! Maaari na siyang makalabas ng palasyo.
Nandito kami ngayon sa arena upang saksihan ang magaganap na labanan, gusto siyang ipakilala ng Hari't Reyna sa ganitong paraan para maipakita sa mga tao na kahit babae siya, kaya niyang tuparin ang propesiya.
"Kaya ko talaga to" sabi niya at saka ako tinapik sa balikat "panoorin mong mabuti..." sabi niya at saka hinugot ang isang natural na espada.
"Right. Get your real sword" sabi ko sakanya dahil ang kaniyang espada o ang espada na nililok talaga para sa isang maharlika ay kakaiba at may halong mahika. Kung tutuusin, ang pinaka magandang espada ng buong Doran (world) ay ang espada ng Hari ng Endrecia. Makakamit niya lang ang kaniyang espada sa oras na ipakilala na siya ng kaniyang mga magulang sa madla.
"I will" sabi niya at saka hinanda ang sarili sa magaganap na labanan
"Goodluck" sabi ko at saka umalis sa kaniyang tabi at pinuntahan ang upuan ng aking pamilya.
Sobrang daming tao dito at ramdam mo ang tensyon na mula sa mga tao. Balita ko sobrang hirap daw talunin ng mga makakalaban ng Prinsesa at nagpatawag ng limang makapangyarihan na salamangkero sa ibat ibang panig ng Doran upang tumulong sa pagbuo ng seremonyang ito.
BINABASA MO ANG
Diverse
عاطفيةAnong gagawin mo kapag magkaaway ang inyong mga kaharian, itutuloy niyo paba ang pag iibigan o magiging masunuring anak nalang? Hanggang saan ang kaya nilang isugal para sa pag ibig? Tunghayan ang storya ng dalawang tao na itinakda para patayin ang...