Kinabukasan, hapon pa lang ay nagpunta na ako sa Lues tresvida at hinintay na dumating si Lucas. Tama si Shiro, dapat ay hindi ko pinipigilan ang sarili kong maging malaya. Muli akong umupo sa ilalim ng puno kung saan kami huling nagkausap.
Napansin kong isa pala itong puno ng sakura (cherry blossom) malapit na ang taglamig kaya unti unting nang nalalagas ang mga dahon at bulaklak nito... Sumisimbolo ito sa kagandahan ng buhay. Sinalo ko ang isa sa mga nahulog na bulaklak sa harap ko. Pero kahit na maganda ang buhay, napakaikli parin nito tulad ng mga magagandang bulaklak na kalaunan ay nahuhulog rin sa lupa.
"Kanina ka pa ba nandito Prinsesa?" tanong ng isang pamilyar na boses
Pagtingin ko sakaniya, agad niya akong sinalubong ng kaniyang napakatamis na ngiti. Tumingala siya sa puno ng sakura at saka rin pinagmasdan ang mga nahuhulog na dahon at bulaklak. Hanggang sa mayroon din siyang nasalong bulaklak.
Pareho kaming nakasalo ng bulaklak...
Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang nasalo niyang bulaklak at tila ba bilang bumagal ang paligid, nasa likod niya ang papalubog na araw at hindi ko maialis ang tingin ko sakaniya.
*dug*dug*dug*
"Naaalala kita dito Prinsesa" sabi niya at saka siya natawa
Bumalik ako sa katinuan nang magsalita siya.
Umupo siya sa harap ko at saka ipinakita saakin ang magandang bulaklak na nasalo niya.
"Bakit naman?" tanong ko
"Nang malaman kong nahulog na ang loob ng isang magandang Prinsesa saakin, hindi ko mapigilang saluhin ito..."
Agad akong namula sa kaniyang sinabi.
*dug*dug*dug*
"Paano ka naman nakasisiguro na nahulog na ang damdamin ko sayo?" sabi ko at saka umiwas ng tingin
"secret." nakangiti niyang sinabi at saka inilagay ang bulaklak sa kamay ko kung saan ako nakasalo, ipinagtabi niya ang mga nasalo naming bulaklak sa palad ko.
Pero, bakit alam niya ang lingguah ng ingles? Isa ba siyang taga hilaga o isa siyang maharlika ng west?
"Ang tawag doon ay ingles, ito ang pangalawang lengguahe ng mga maharlika sa kanluranin o west. At may kakaunti lamang ang gumagamit nito sa Hilaga"
Naalala ko noon ang sabi ni ShiroO sadyang inaral niya lang ang lingguaheng iyon?
"You know how to speak in english?" tanong ko sakaniya
Nagulat siya sa sinabi ko at nakatitig lang siya saakin ng hindi nagsasalita
"Prinsipe ng West" narinig kong may bumulong sa aking isipan
Napailing nalang ako, tsk! Ano ba itong naiisip ko. Napatingin ako sa kaniyang kanang kamay kung saan nakatatak ang lahat ng burda ngunit mayroon nanaman itong benda.
"Bakit palagi kang may benda sa iyong kamay?" tanong ko sakaniya
"Wala, naaksidente kasi ako noong bata pa ako at nagkaroon ito ng hindi kanais nais na peklat" pagpapaliwanag niya
"Gusto kong makita" sabi ko
"Ha? Bakit naman?" tanong niya saakin at agad na inilayo ang kaniyang kanang kamay
"Hindi wala, ayos lang naman kung ayaw mo pang ipakita saakin yang bakas ng sugat mo."
"Kamusta pala?" tanong niya
"Tama ka nga, hindi nga namin mahal ang isa't isa..." sabi ko at saka ko ipinakita sakaniya ang mapagpanggap kong ngiti "Pero hindi na mapipigilan ang kasal, napagkasunduan namin iyon. Kailangan naming sumunod sa kagustuhan ng aming mga magulang dahil kung hindi, magbibigay ito ng matinding kahihiyan hindi lang sa aming pamilya kundi sa buong Endrecia" pagpapaliwanag ko sakaniya
BINABASA MO ANG
Diverse
RomanceAnong gagawin mo kapag magkaaway ang inyong mga kaharian, itutuloy niyo paba ang pag iibigan o magiging masunuring anak nalang? Hanggang saan ang kaya nilang isugal para sa pag ibig? Tunghayan ang storya ng dalawang tao na itinakda para patayin ang...