Pagkatapos ng tatlong araw, naging normal nanaman ang aking buhay sa loob ng palasyo. Bigla akong nagsawa, buong buhay ko nalang ay nanatili ako dito at walang ibang ginawa kundi ang sumunod sa Hari't Reyna.
"Saan ka natutong gumamit ng espada Prinsesa?" Tanong ng aking bagong guro na si Demetre. Huminto siya sa paghawi paabante ng kaniyang espada, at napahinto rin naman ako sa pag depensa ko.
Tsk! Di ko maiwasang mainis, hindi na ako pinayagan ni ama na makalabas ng palasyo pagkatapos ng pangyayaring yon. Naaapektuhan tuloy ang aking pag eensayo.
"Bata pa lamang ako ay ganito na kami maglaro ni ama" sabi ko at saka ibinaon sa lupa ang dulo ng aking espada
"Aba pambihira, kaya naman pala... Nag hahanda pa naman ako sa matagal tagal na pag eensayo natin sa panimula ngunit maaari na pala tayong umusad sa mas mahirap na aralin" sabi niya
Napangiti nalang ako, hindi siya katulad ng nauna kong guro na masyadong mapagmaliit. Nararamdaman kong magiging maganda ang samahan namin nito.
Pagkatapos ng pag eensayo, agad akong pumunta kay ama at sakto ay naabutan ko doon si ina. Kay tagal ko rin siyang hindi nakita, kadarating lang niya galing hilaga. Pero kahit na ganoon, malayo ang loob ko kay ina dahil palagi siyang umaalis sa palasyo sa kadahilanang mas higit na matalino si ina kaysa kay ama kaya siya ang palaging nagrerepresenta ng Endrecia sa iba't ibang lugar. Samantala, si ama naman ang naiwan sa palasyo upang sanayin ako, lalo na sa pakikipaglaban.
"Ina, kamusta napo kayo?" Bati ko at saka siya niyakap
"Mabuti naman ako anak, ang laki mo na... Hindi ka ba masyadong pinapahirapan ng iyong ama?" Hindi na ganoon ka diretso magsalita si ina ng aming wika, tatlong taon siya namalagi sa iba't ibang lugar upang makipagkasundo sa kung ano anong mga bagay.
"Hindi naman ako pinahihirapan ni ama" sabi ko
Sa senaryong ito, bigla akong may naalala na nangyari noong bata pa ako.
"Ano!? Ibinigay mo ang ating suplay ng mahika!? Dalawang buwan na mawawalan ng mahika ang endrecia! Nag iisip kaba ha Alfonso!!?" wika ni ina kay ama
"Pagpasensyahan mo na aking mahal" sabi naman ng aking ama
"Nangyari itong lahat dahil lang sa namiskalkula mo ang ating ipinarating na mga sandata sa South!!" Napahawak si ina sa kaniyang ulo
Hindi naman makasalita si ama, palagi nalang silang nag aaway dahil sa mga kamaliang ginagawa ni ama at nagsisimula ng bumagsak ang aming ekonomiya simula nang umupo si ama bilang hari ng Endrecia.
Hanggang sa isang araw, nakita kong nakabihis si ina at tila ba aalis ng matagal na panahon, suot niya ang napakaganda at magarbong asul na damit.
"Ina, saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya kasabay ng paghila ko sa ibaba ng kaniyang bestida
"May kailangan lang akong ayusin anak, pagpasensyahan mo na ang iyong ama. Isa siyang talunan sa paggamit ng kaniyang utak ngunit siya ay natatangi sa pakikipaglaban" ngumiti si ina saakin at saka tumalikod palabas ng palasyo
Mabuti nalang at ipinanganak si ina na may kakaibang talino at ang totoo niyan si ina rin ang dahilan kung bakit kakaunti lang ang naghihirap sa East. Samantala, si ama naman ay... magaling lang talaga sa pakikipaglaban. Kahit na sabihin na palaging nagbabasa si ama, iisang libro lang naman ang kaniyang binabasa. Napansin kong dalawang buwan na niyang binabasa ang librong iyon at hindi niya titigilan ang pag ulit dito hanggat hindi niya naiintindihan.
"Bakit ka pala naparito anak?" Tanong ni ama
bumitaw na ako sa pagkakayakap kay ina at saka hinarap si ama. Lumuhod ako at saka tumungo, pangatlong beses ko na itong gagawin...
BINABASA MO ANG
Diverse
RomantizmAnong gagawin mo kapag magkaaway ang inyong mga kaharian, itutuloy niyo paba ang pag iibigan o magiging masunuring anak nalang? Hanggang saan ang kaya nilang isugal para sa pag ibig? Tunghayan ang storya ng dalawang tao na itinakda para patayin ang...