6

8 0 0
                                    

"Maaari mo bang sabihin kung ano ang nangyayari, hindi ko maintindihan mahal ko." sabi ko kay Fiera, kailangan ko ng mga kasagutan ayokong tumunganga nalang dahil alam kong may mali talaga sa mga nangyayari

"Nakatakas ang pinakamagaling na salamangkero ng Doran..." wika niya

"Hindi ba nakakulong siya sa inyong selda?" tanong ko

"Nais niyang mangyari na ang propesiya at patayin ang Prinsesa ng East. Nang mabasa iyon ng aking kuya ay agad kaming dumeretso dito upang pigilan siya" Agad akong napasandal sa aming kinauupuan, nakita ko na noon ang kakayahan ng salamangkerong iyon. Hindi ito maganda.

"Ng-ngunit paano niyo siya mapipigilan?" wika ko

"Ikaw ang magiging gabay namin upang malaman ang kakayahan ng Prinsesa at pag dumating ang panahon na kakaiba na ang lakas ng mga kalaban, makikipagkomunikasyon si kuya sa Prinsesa at gagabayan niya ito. Samantalang babasahin ko naman ang isipan ng salamangkero at saka ito sasabihin kay kuya para masabi kay Gracia kung ano ang susunod at mga abilidad ng kaniyang makakalaban"

Tumango lang ako pero hindi pa iyon sapat!

"Alam naming hindi namin maaaring pakielaman ang laban ng Prinsesa, maaari siyang pagdudahan ng mga tao" sabi pa niya.

"Ngunit... Alam naming dadating ang oras na uubusin ng salamangkero ang kaniyang lakas upang makagawa ng isang pambihirang nilalang. Sa oras na dumating iyon, kailangan hindi pa nagagamit ng Prinsesa ang kaniyang kapangyarihan. Malamang ay naririto na ang babae"

"Sinong babae?" tanong ko

"Ang babaeng may kakayahang makakita ng hinaharap" sabi niya "Makatutulong siya para malaman ang pag atake ng pinakamalakas na kalaban at kung sakaling hindi magtagumpay ang aming plano, nasa kamay mo na ang lahat mahal ko."

Ang susunod na kalaban ng Prinsesa ay anim na goblin. Mga nilalang na gawa sa bato na kasing taas ng dalawang tao.

Kaya pa yan ni Gracia...

Nagtatakbo siya sa mapa at saka nagtago. Hingal na hingal na siya at kita sa kaniyang mukha na pagod na pagod na siya.

Napatingin saakin si Lucas...

"Kaya niya pa yan" sabi ko

Dahil nirereserba nila ang kanilang lakas, lalo na ni Lucas, hindi nila magawang gumamit ng kahit kaunting kapangyarihan.

Hinahanap na ngayon si Gracia ng mga goblin nang may mahikang lumabas sa mapa sa hindi kalayuan, ito ay nakasabit sa isang puno pero bago pa man makarating sa punong iyon ay makakatunggali niya ang apat na goblin.

Lubos na makakatulong ang mahikang ito dahil nakakapagbalik ito ng lakas.

Kailangan ito ng Prinsesa!

Nakita ko ang mabilis niyang pagdesisyon at saka walang takot na hinarap ang apat na goblin. Halos mawalan na siya ng lakas nang matalo ito, agad siyang umakyat ng puno at saka nilaklak ang majika. Saglit siyang nagpahinga at mula doon ay nakikita niya ang dalawa pang goblin na naghahanap sakaniya.

Lalo pa siyang umakyat ng puno hanggang sa makarating sa tuktok nito, pinag aralan niyang mabuti kung ano hitsura ng buong mapa.

Napangiti ako, gamitin mo rin ang iyong utak Prinsesa.

Hanggang sa napagdesisyunan na niyang bumaba ng puno at mabilis na tinapos ang dalawang goblin

Muli nanamang naghiyawan ang mga tao.

Nakita ko rin ang simpleng pag ngiti ni Lucas samantalang manghang mangha naman si Fiera.

"Kailan mo huling nakitang ginamit ng Prinsesa ang kaniyang kapangyarihan?" tanong ni Lucas saakin

DiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon