Gracia's POV
Naghanda na ako para sa araw na pinakahihintay ko, ang muli naming pagkikita ni Lucas... Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kahit anong pilit kong kalimutan ang nararamdaman ko sakanya, hindi ko magawa.
Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang ginawa niya at kung kanino siya nagpatulong noong araw ng aking laban, basta ang importante ngayon ay magkikita na kaming muli.
Isinuot ko ang isa sa mga pinakamaganda kong kasuotan, ito ay bughaw na bestida na angkop para sa isang prinsesa at nag ayos rin ako ng aking buhok at kaanyuan.
Sa araw na ito, gusto kong palayain na siya sa puso ko. Matagal siyang hinanap ng aking damdamin kaya siguro hindi ko siya makalimutan kaya. Oras na para magpaalam sakaniya...
Lalabas na sana ako sa aming kastilyo ngunit bago ako ipagbukas ng pinto ay kusa na itong bumukas at sa likod non ay si ama, si ina, at ang ilang mga bisita.
"Tamang tama at nakabihis ka anak, biglaang dumating ang ating mga kapares sa industriya... Nais nilang batiin ang bagong Prinsesa ng Endrecia" wika ni ina saakin at saka tinapik ang aking balikat.
"Ng-ngunit ina, may iba po akong pupuntahan..." bulong ko kay ina
"Hindi mo maaaring tanggihan ang mga kaalyado natin sa industriya Gracia... Umakto ka bilang isang prinsesa" bulong saakin ni ina pabalik
Mag gagabi na at hindi pa rin natapos ang pag salo salo nila dito sa palasyo. Hinihintay pa kaya niya ako? Baka umalis na siya, hindi ako mapakali, gusto ko ng matapos ito.
"Ina, hindi ba't sa tingin niyo ay mag gagabi na? Hindi kaya delikado na para sakanila ang mag lakbay sa dis oras ng gabi?" pag putol ko sa kanilang masasayang usapan
"Hija, huwag mo kaming intindihin, marami namang guwardia ang nakabantay saamin" sabi ng babaeng punong puno ng burloloy
"Matanong ko lang noh, may iniibig ka na ba binibini?" tanong ng isang delegades
"Ano bang klaseng tanong iyan! Syempre mayroon, si Ginoong Akhiro Lufuigo ang kaniyang kasintahan!" at saka sila muling nagtawanan, ngumiti nalang ako sakanila.
Hindi ko mahal bilang isang kasintahan si Shiro, mahal ko siya bilang isang kapatid.
Natapos ang kanilang usapan dis oras na ng gabi! Dali dali akong pumunta sa tagpuan namin at saka siya nadatnan na nakaupo sa sahig at mukhang inaantok na. Nakasandal siya sa pader at tila ba anlaki na ng kaniyang pinagbago.
Napatingin siya sa direksyon ko at kaagad na tumayo. Ang tangkad na rin niya! Mas lalo siyang gumwapo, medyo maliit lang ang katawan niya kay Shiro pero ayos lang naman. Sa kaniyang kisig, hindi ko siya mapagkakamalan ngayon na isang mayaman kundi isang maharlika...
Lumapit ako sakaniya at saka pormal na yumuko bilang isang pagbati, at ginawa nanaman niya ang pagbating hindi ko malilimutan, lalo na nang halikan niya ang likod ng palad ko.
*dug*dug*dug*
"Napakaganda mo Prinsesa..." sabi niya kasabay ng kaniyang mga nakakatunaw na ngiti
Agad na uminit ang aking pisngi pero hindi naman ito halata dahil madilim na
"Ahm m-maraming salamat" sabi ko nang hindi makatingin sakaniya ng diretso.
Ano ba Gracia! Bakit ganito nanaman ang nararamdaman mo sakaniya? Mas lalo pa atang lumala ang pagkagusto mo sa binatang ito.
"M-mabuti at nahintay mo ako" sabi ko sakaniya dahil mukhang kanina pa siya naghihintay dito.
Natawa naman siya sa sinabi ko "Handa akong hintayin ka, kahit pa abutin ako ng dekada dito ay hihintayin parin kita" sabi niya
BINABASA MO ANG
Diverse
RomanceAnong gagawin mo kapag magkaaway ang inyong mga kaharian, itutuloy niyo paba ang pag iibigan o magiging masunuring anak nalang? Hanggang saan ang kaya nilang isugal para sa pag ibig? Tunghayan ang storya ng dalawang tao na itinakda para patayin ang...