2

15 0 0
                                    

"SHIRO!"

"AKHIRO! Nasaan ka!?"

Paikot ikot na ako at hindi ko alam kung saan ako titingin, sobrang naguguluhan ako. Andaming nagsasayawan, nagtatawanan at ako naman ay naghahanap ng taong nawawala. Nasaan ba kasi si Akhiro? Akala ko banaman mabilis ko siyang mahahanap sa lugar na ito yun pala--

"SHIRO!"

nakita ko ang kaniyang ulo sa paligid ng maraming babae sa bandang dulo. Mukhang pinagkakaguluhan parin siya...

Pupuntahan ko na sana siya kaso biglang may humawak sa braso ko na hindi ko kilala at amoy alak na siya. Isang malaking tao na walang buhok at mukhang mayaman pero hindi ko siya kilala

"Maaari mo ba akong saluhan magandang binibini?" tanong niya.

Kinapa kapa ko ang tagiliran ko at hindi ko nadatnan ang aking balisong. Sinabi ng aking ama na sa lahat ng oras ay dapat palagi kong dalhin iyon kaso nagpalit nga pala ako damit kanina. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot dahil ngayon lang nangyari ito

"Bitawan moko kung ayaw mong masaktan" sabi ko sakanya

Tumawa naman siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit saakin.

Naghanap ako ng maaari kong gawing sandata dahil una sa lahat, hindi ko kakayanin kung gagamitin ko lang ang aking katawan sa pakikipaglaban. Anong laban ng isang labing tatlong taong gulang na babae sa isang malaki at matabang katulad niya? Kailangan ko ng armas...

"Ano namang magagawa mo ha? HAHAHAHA anlakas ng loob mo sabihan ako ng ganyan! Kahit mukha kang anak ng mayaman, kayang kaya kita gawing parausan!" nangilabot ako sa pinagsasasabi niya, gusto ko na siya gilitan ang leeg.

"Alam mo nawawalan nako ng pasensya sayo, sinong makakatiis sa baboy na katulad mo?" mapang asar kong tanong sakanya

"ANO!? ANONG SABI MO HA?" Akmang sasampalin niya ako pero biglang may humarang sa kamay niya napatingin ako sa lalaking humarang at mukhang... Hindi siya taga rito.

"Wala kang galang sa babae!" sabi pa nito

Binilisan ko ang pag kakilala ko sa lalaking nagtanggol saakin, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang kasing edad ko lang siya, mukhang mayaman, at may espada siya ibig sabihin ba nito ay sinasanay na siya sa pakikidigma? Ito na ang tamang oras para ipagtanggol ko ang aking sarili, ipapakita ko sakanya kung anong hinahanap niya...

Agad akong nagpumiglas sa pagkakahawak ng baboy nayun at saka hinugot ang espada ng lalaking nagtanggol saakin. Isang mababang uri lang ito ng espada. Mandirigma nga ba talaga siya? Nakakapagtaka dahil kahit kailan ay hindi nagbigay ang aming kaharian ng ganito kababang uri ng sandata sa aming mga mandirigma kahit pa sabihin na siya ay nagsisimula palang.

Itinutok ko ang espada sa baboy at naglayuan ang mga tao sa paligid namin. Nagtinginan silang lahat at saka nagsimulang magbulong bulungan.

"Binibini, delikado ang iyong gagawin" sabi ng lalaking nagligtas saakin. Sa unang pagkakataon, nasilayan ko ng mabuti ang kaniyang mukha at tila ba biglang bumilis ang tibok ang puso ko, parang kailangan ko yatang magpakitang gilas ngayon.

Nginitian ko lang siya at saka hinarap ang baboy na katapat namin.

Dinikit ko ang espada sa leeg ng baboy at hindi man lang ito dumugo tsk! Mababang uri nanga ng espada, hindi pa matalim!

Natigil saglit ang kalaban at bigla kong nahinuha ang kaniyang susunod na gagawin, itinulak ko agad ang lalaking nagtanggol saakin dahil muntik na siyang saksakin! May espada siya at sa likod nakatago, kaya pala hindi ko nakita tsk!

DiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon