4

10 0 0
                                    

Sa pagdating ng asul na buwan, ang propesiya ay hindi na mapipigilan.

Dalawang kaharian ang maglalaban para sa pinakamataas na kapangyarihan.

Isang pinuno lamang ang maaaring magtagumpay.

Silangan, ang Endrecia na siyang may pinakamalalakas na mandirigma at may pinaka magagandang armas...

Kanluran, ang Vicen na siyang may pinakamatatalinong hukbo at kasapi ang mga maalamat na nilalang na may kakaibang lakas...

Anim na maharlika, anim na kapangyarihan

Ang kakayahang magmanipula...

Ang kakayahang makita ang gagawin ng kalaban...

Ang kakayahang kumausap ng hayop...

Ang kakayahang magbura ng ala-ala...

Ang kakayahang kumontrol sa kahit anong sandata...

At ang kakayahang magbasa ng isipan ng iba...

Isa lamang sa anak ng maharlika ang maaaring magtagumpay, siya ang itatanghal na mamumuno sa dalawang kaharian.

Sundin ang isipan,
Huwag magpapalinlang
Sa pusong makasalanan...

Dati rati ko pang binabasa ang propesiya ngunit hindi ko alam kung bakit muli kong naaalala ang huling parte nito habang nakatitig ako sa babaeng ito.

"Sundin mo ang iyong puso Prinsesa..." muli niyang sinabi saakin at saka tumayo at pumasok sa loob ng kanilang barong barong, kasabay nito ay ang paglabas din ni Lucas at nagpaalam na ito.

Tumingin ako sa papalubog na araw...

Oo nga pala! Sabi ni ina ay dapat bumalik ako ng palasyo bago magdilim!

"Tara na binibining Gracia" sabi niya at muling hiningi ang aking kamay dahil tatawid na ulit kami ng tulay.

Aba napapadalas ang paghawak niya sa aking kamay ah.

Napatingin ako sa babae at saka niya iwinagayway ang kaniyang kamay upang mamaalam, tumango nalang ako at saka nauna sa pagtawid sa tulay. Hindi ko muna pinagbigyan ang Ginoo na hingin ang aking kamay... Kaya ko naman ang sarili ko.

"Dahan dahan..." sabi niya dahil maalog talaga ang tulay, pero mukhang siya talaga ang takot at hindi ako.

Inilahad ko ang aking kamay sakanya hahaha. Sa tingin ko ay siya nga talaga ang takot sa aming dalawa

"Buti at napagpasyahan mo na gabayan kita binibini" sabi niya, nakita ko naman ang ginhawa sa kaniyang mukha nang hawakan niya ang aking kamay.

Napatawa naman ako nang kaunti "Sa tingin ko nga Ginoo, ikaw ang aking gagabayan sa pagtawid" at saka ulit ako tumawa

Bumitaw siya sa kamay ko at saka umiwas ng tingin "Hindi ko kailangan ng iyong paggabay, ikaw nanga ang inaalukan ko ng tulong..." sabi niya na parang nagtatampo. Lalo akong natawa sakanya.

Bahagya akong lumundag sa tulay at tinignan siya

"Huwag binibini..." sabi niya

"Oh diba, ikaw nga ang takot sa atin. Ayos lang iyan, lahat naman siguro tayo may kinakatakutan" sabi ko at saka kinuha ang kaniyang kamay. Nais ko sanang makita ang burda sa kaniyang kanang kamay ngunit may benda ito kung kayat hindi ko ito makita.

Hindi naman na siya nakipagtalo saakin.

Sa putikan, ginawa ko ang lahat upang maging mabilis ang pagtawid ko dito. Kakaunting liwanag nalang ang natitira, kailangan ko nang makabalik ng palasyo.

DiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon