Kabanata 8

249 28 3
                                    


"Magsisimula na ang klase sa Abrille College sa susunod na linggo. Mag-enroll kana Shane." pahayag ni Papa.

Ang katahimikan namin sa pagkain ay nabasag nang magsalita si Papa. Kanina ay  ingay lang na gawa sa paglapat ng kurbyertos sa pinggan ang tanging maririnig sa hapag-kainan. Doon ay kompletong kumakain ang mga taong nakatira sa bahay ni Lola. Ang lahat ay nasa pagkain ang konsentrasyon, siguro’y gutom din.

Napahinto ako sa pagsubo ng kanin at binalingan si Papa. Doon ay namataan ko itong seryoso ang mukha habang kumakain. So, ibig sabihin ay pinal na ang desisyon na iyon?

“A-ano? Pa, Akala ko ba panandalian lang tayo sa lugar na ito? Bakit ako mag-aaral dito?”

“Gusto kong ipagpatuloy mo parin ang pag-aaral mo kahit na ganito ang nangyari sa atin. Atsaka, hindi ko pa alam kung hanggang kailan tayo dito.” tugon nito.

Nang sabihin niya iyon ay saglit siyang tumingin sa akin. Kalaunan ay ibinalik narin nito ang atensyon sa pagkain. At ako naman sa sandaling iyon ay tutol sa ideyang mag-aaral sa lugar na ito.

“Ayoko po.” pagmamatigas ko.

Hinding-hindi ako mag-aaral dito!

"Iha, Huwag kang mag-alala magagaling ang mga guro sa eskwelahan na iyon. Paniguradong marami kang matutunan sa pag-aaral mo doon." pagsingit ni Lola sa usapan. 

“Pero Lola hindi naman---“

Hindi ko na natapos ang tangkang pagpapaliwanag nang sumingit narin sa usapan si Mama na noo’y tapos na kumain. At sa itsura nito ngayon ay lantad na ang inis na nararamdaman.

“Shane! Sundin mo nalang kami, pwedi?! Huwag ka nang dumagdag sa problema!” pagsuway niya sa akin.

Pagkatapos niyon ay hindi na ako nagsalita pa at tinuon ko nalang ang atensyon sa pagkain. Nang matapos ay diretso ang punta ko sa kwarto at doon muna tumambay. Baka kasi pag doon sa baba ay mapag-uusapan na naman ang naudlot na usapin tungkol sa pag-aaral ko sa dito.   

“Ma’am Shane? Bumaba na raw ho kayo sabi ng Mama mo.” pagtawag ni Bibit sa akin mula sa labas ng pinto nitong kwarto.

Nang mga oras na iyon ay nagmumuni na ako sa loob. Pagkarinig ko kay Bibit ay pinagbukasan ko na siya ng pinto para makapasok.

“Bakit?” bungad ko.

“Magpapa-enroll na daw po kayo.”

Napabuntong-hininga ako. Kasabay niyon ang pagtalikod ko kay Bibit at tumungo muli sa kama. Humiga ako doon at tinakluban ang mukha ng unan.

“Bakit po ba ayaw niyong mag-aral sa Abrille College? Eh halos lahat ng mga taga-rito pangarap makapag-aral do’n. Maganda naman po do’n. ”

Ayaw ko man ay nagpasya narin ako sa huli na magpa-enrol sa sinasabing Community College dito sa probinsiyang ito. Kanina ay napagisip-isip ko na sa sitwasyon namin ngayon ay mukhang matatagalan pa na muli kaming makakabalik sa dating naming buhay. At kung hihintayin ko pa na mangyari iyon para ipagpatuloy ang pag-aaral ko ay matatagalan din bago ako maka-graduate. Atsaka wala rin naman sigurong mawawala sa pagkatao ko kung mag-aaral ako sa ganoong klase na paaralan diba? Wala nga ba? Napabuntong-hininga na lamang ako.   

Mag-isa akong nagtungo sa Abrille College kahit na ipinilit ni Lola na ipasama si Bibit. Pinag-aalala niya na baka raw maligaw ako sa kakahanap dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot ng probinsyang ito. Sumuko rin naman ito kalaunan nang sabihin kong kaya ko naman na mag-isa lang.

Dala ang mga kinakailangan papeles para sa pagpapa-enrol ay lumabas na ako ng bahay ni Lola. Pero bago iyon nagpaalam muna ako sa mga taong nadatnan ko doon. Pumara ako ng traysikel. Tiyempo naman na walang pasahero ang naparahan ko. Sinabi ko sa drayber niyon kung saan ako ihahatid at mukhang alam naman niya kung nasaan iyon dahil pumayag naman kaagad ito. Ang pag-upo ko sa loob nitong traysikel niya ang naging hudyat para umandar na ito.

Saglit lang ang naging biyahe dahil hindi naman kalayuan ang kinaroroonan niyon mula sa bahay. Kung tutuusin ay kaya naman itong lakarin pero dahil hindi ko pa kabisado ang mga dadaanan ay sumukay ako. Ibinigay ko sa drayber ang baryang pambayad ko sa paghatid niya sa akin.

Mula sa pinagbabaan sa akin ng traysikel ay kapansin-pansin kaagad ang isang karatula. Nakapwesto iyon sa itaas ng gate ng paaralan at doon ay makikita mo ang pangalan nito na nakasulat sa malaking letra. ABRILLE COLLEGE

Napasimangot ako bigla. Naninibago sa itsura na mayroon ang bago kong papasukan na paaralan. Maliit kasi ito kumpara sa dating Unibersidad kung saan ako nag-aral. Napairap nalang din habang nakasimangot parin ako.

Pagpasok ay awtomatikong nagsitinginan sa gawi ko ang sa tingin kong mga estudyante rin. Katulad ko rin na magpapa-enrol din sa araw na ito. Nakatambay ang mga ito sa field na sasalubong kaagad pagkapasok. Naka-upo ang ilan sa kanila sa damuhan na naroroon habang ang iba naman ay sa mga bench na nakapwesto sa gilid niyon.

Ang nakikita kong mga tingin na pinupukol ay pagtataka at paghanga. Pagtataka para sa mga babae at paghanga para sa mga kalalakihan. Bigla ay nailang ako dahil do’n. Hahakbang na sana ako para makaalis na roon at makapagtanong kung ano ang mga proseso sa pagpapa-enrol rito. Ngunit dahil sa boses na tumawag sa akin ay hindi ko na natuloy iyon.

"Ateng maganda!"

Isang lalaking may malambot na boses ang namataan ko nang lingunin ko ito. Patakbo siyang pumunta sa kinaroroonan ko. Pagkalapit ay hinihingal siya habang sinuyod ng kanyang mga mata ang kabuan ko. Kung hindi ko lang halata ang pagkabinabae nito ay mapagkakamalan ko itong manyak.

"Bago ka lang dito 'no? Ngayon ko lang kasi nakita 'yang kagandahan mo ateng!" sabi niya.

Sa pagkakataong iyon ay gamit na niya ang tonong pang-binabae. Muli ay dumako ang tingin niya sa aking mukha. 

"Ano ba ang pangalan mo ateng?" tanong niya.

"Shane, Shane Altamera." tugon ko.

“Ako naman si Jona.”

Napataas ang kilay ko dahil sa pangalang binanggit. Binigyan ko narin siya ng tingin na tila pinapaamin sa totoo nitong pangalan. Habang ang dalawang kong kamay ay nasa bewang, nakapameywang sa harapan niya.

"Ito naman! Ako si Marjun Magsaysay. Jun-jun ang palayaw! Okay na ba iyon sa'yo?!" pag-amin niya.

Umirap pa ito sa huli na tila ayaw sa pag-amin ng totoo niyang pangalan. At dahil do’n ay napangisi ako. Nagawa ko siyang paaminin!

"Alam mo ateng girl, pansin ko may pagkamataray ka ha. Pero okay lang kasi maganda ka naman. 'O sya! Uuwi na ako tapos na akong makapag-enroll 'eh. Bye! Sana magkita tayo sa unang araw ng klase." matapos sabihin iyon ay umalis na nga siya.

------

Hello! May nagbabasa ba? 😂😂😂

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon