Kabanata 33

109 8 0
                                    

Habang naglalakad ay isang braso ang pumukaw ng atensyon ko. Walang pag-alinlangang idinantay iyon sa aking balikat.

At sino namang mapanggahas na
talipandas na 'to, aber?

Marahas kong tinanggal iyon at binigyan ng masamang tingin ang
walang hiyang may-ari. Ngunit ang
nakakainis ay parang wala lang ito sa kanya dahil nagawa pa nitong ngumiti ng abot tenga. Bumalandra tuloy ang dimple nito sa kanyang
pisngi.

"Good na good morning sa'yo, baby lo--- Aray! Ano ba?!?" napadaing siya nang batukan ng kaibigang si Jojo. Pinandilatan din siya nito.
"Nakakalimutan mo na ba?"

"Ha? Ang alin?" litong tugon nito.

Nasapo ni Jojo ang kanyang noo.

"Hay naku! Kung batukan nalang kaya kita ulit? Napaka-slow mong punyemas ka!"

"Aba't!"

Nagpatuloy sa pagbabangayan ang dalawa na parang mga bata. Walang gustong magpatalo. Kung sabagay, mga isip bata naman din kasi ang mga 'to.

Minabuti kong maupo na lamang kaysa tunghayan pa ang eksenang ginagawa ng dalawa.

"Pagpasensyahan mo nalang, ha."

Nilingon ko ang nagsalita. Si Andoy iyon na ngayo'y nakaupo na sa katabing upuan. Pinipigilan ko man ay napasulyap din ako sa katabi nito.
Akala ko ay kagaya lang din ang mapapasin ko sa kanya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay mataman akong tinititigan ni Popoy. At dahil do'n, uminit bigla ang pisngi ko.

"Ano 'yan?"

Napabalik ako sa katinuan dahil sa tanong na iyon ni Andoy. Nginuso nito ang maliit na papel na hawak.

Kanina ay may nadaanan akong nag-aabot ng mga flyers malapit sa field. Nang may mag-abot sa akin ay tinanggap ko naman iyon.

Binasa ni Andoy ang papel na hawak nang itinapat ko iyon sa kanyang harap.

"Ah, College Night Out." saad nito pagkatapos.

"Pupunta ka ba, Shane?" singit ni Tisoy na ngayon ay nasa amin na ang atensyon. Ganoon na rin si Jojo.

Nagkibit-balikat ako.

"Hindi ko nga alam kung ano 'yan, eh." tugon ko.

"As far as I know, ginaganap ito every year. Tuwing sasapit na ang founding anniversary ng Abrille College. Bale, opening cerenomy narin daw 'yon." pagbibigay ng impormasyon ni Tisoy.

Taray! May ganoong kaartehan ang eskwelahan na 'to?

"At siyempre kung may. opening, may closing. At iyon naman ang College End Party. Pero madalas boring na raw 'yon, eh kaya wala na masyadong nag-aatend do'n." sabat ni Jojo.

Napatango ako.

"So, pupunta ka?" si Andoy naman ngayon ang nagtanong.

Muli ay nagkibit-balikat ako. Hindi ako intersado.

"Hindi ko alam."

"Pumunta ka." kapagkuwan ay deklara ni Popoy dahilan para makuha niya ang buong atensyon namin.

Gusto niya na pumunta ako? Bakit?

Pakiramdam ko'y nag-init ulit ang pisngi ko. Shucks!

Pinasadahan ko ng tingin ang aking
sarili sa harap ng malaking salamin na nandito sa silid ko. Matapos masiyahan ay nagpasya na akong
bumababa.

Ang simpleng puting off-shoulder dress na hanggang tuhod ay ternohan ko ng puti ring pares ng sandals. Tama lang ang kataasan ng takong nito kaya komportable parin ako habang suot iyon. Nilugay ko lang ang buhok kong straight at inipitan ng nauusong hairclip ngayon sa bandang gilid. Simpleng make-up lang din ang nilagay ko nang sa ganoon ay bumagay sa kabuuang ayos.

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon