Kabanata 18

213 10 0
                                    

Napahinto ako sa pagtapak sa huling baitang ng hagdanan nang makarinig ng ingay. Iyak iyon ng isang babae mula sa sa loob ng silid na nandoon malapit sa kinaroroonan ko ngayon. Nang mapagtanto kong kwarto ng mga magulang ko iyon ay dali-dali akong tumungo roon. Kasabay din niyon ay ang pag-usbong ng kabang nararamdaman. May problema na naman kaya?

“Pagod na ako! Pagod na pagod na ako sa kakaintindi ng bisyo mong ‘yan! Nawala na nga ang bahay natin dahil diyan sa kakasugal mo tapos ngayon heto ka na naman. Hindi ka pa ba talaga nadadala ha?! Bwesit!” Sa kalagitnaan nang aking pagtungo sa silid nila ay narinig ko ang pagsalita ni Mama. Batid ko sa tono niya ang galit sa kung sino man ang kausap nito.

Nasa akto na akong kakatok sa kanilang pinto nang iniluwa na nito si Mama. Sumalubong sa akin ang mugto nitong mga mata habang may dumadaloy pa rin na luha roon. Bigla ay parang may kumirot sa bandang dibdib ko dahil doon.

Umiwas si Mama ng tingin sa akin at pagkatapos ay pinahiran na ang mga luha na nasa pisngi nito. Bumuntong-hininga muna ito bago nagpasyang talikuran ako.

“Ma?” tawag ko.

“Kanina ka pa ba nandiyan?" Walang buhay na tanong nito sa akin. Sa pagkakataong iyon ay hinarap na niya ako. Umiling ako bilang sagot sa kanyang katanungan. Mas minabuti ko na lang na huwag nang ungkatin pa ang mga pangyayari.

“Magpapa-alam lang sana. Papasok na po kasi ako.” pagpapalusot ko.

“Sige! Mag-iingat ka.” sinabayan niya pa iyon nang pag-ngiti.  Pilit man itago sa pamamagitan niyon ay mababatid mo pa rin ang  lungkot na matatanaw sa kanyang mga mata.

Tinalikuran ko si Mama. Bago humakbang para makaalis ay napabuntong-hininga muna ako. Hay! Panibagong problema na naman!

Pagkalabas ng gate ay ganoon na lamang ang pagtaas ng isang kilay ko nang makarinig ng impit na mga tilian. At nang malaman ko kung saan nagmumula iyon ay napangiwi na ako ng bonggang-bongga sa aking kinatatayuan ngayon.

Sa tapat ay nandoon ang mga nakasalamuha kong mga Aleng tsismosa noong nagdaang mga araw. Ang kanilang atensyon ay nasa isang direksyon.

"Ang po-pogi talaga ng mga batang 'yan 'no."

"Atsaka mayayaman pa!" Ang narinig ko mula sa kanila. At dahil doon ay nabuhay ang pagka-usisera ko. Dumako ang tingin ko sa gawi kung nasaan ang atensyon ng mga tsismosang Ale. Kumunot ang noo ko sa namataan doon.

Anong ginagawa ng mga 'to rito?

Sa 'di kalayuan ay may grupo ng mga kalalakihan. Ang nakaparadang traysikel ay ginawa nilang sandalan habang nakatayo roon. Kahit na ang suot ay unipormeng pang-lalaki ng Abrille College ay parang mga modelo silang nandoon.

"Ano kayang trip nila?" bulong ko sa sarili.

Humarap sa aking gawi ang isa sa kanila. Nang magtama ang aming paningin ay dali-dali nitong sinuot ang hood ng kanyang jacket at tumalikod. Sa pagkakatanda ko ay iyon yung lalaking nagdedeliver sa amin ng maiinom na tubig, si Andoy.

Kinuha nito ang atensyon ng mga kasama at ilang saglit pa ay sabay-sabay na ang mga itong lumingon sa kinaroroonan ko ngayon.

Ang kasamahang nakasuot ng sumbrerong pang-porma ay yung Tisoy. Kahit na malayo ay nakikita ko pa rin ang mga mapuputi nitong ngipin dahil sa pagkapaskil ng ngiti sa kanyang mukha. Bigla ay parang gusto kong tanungin siya kung anong brand ng toothpaste ang ginagamit nito dahil doon. Umiling na lang ako dahil sa naiisip.

Dahil sa suot na face mask na kulay itim ay kalahati lang ng mukha ang nakikita ko sa isa pang lalaki na nandoon. Ngunit kahit na ganoon ay nakikilala ko pa rin ito dahil sa mga matang taglay nito.

Ang panghuli ay ang lalaking may suot na shades ngayon ay ang lalaking nandito rin kahapon. Ang dalawang kamay nito ay nakapaloob sa bulsa ng kanyang pantalon na suot. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang bahagyang pag-ngisi nito bigla.

Napangiwi ako sa aking kinatatayuan na naging simangot din kalaunan. Hinigpitan ko ang hawak sa shoulder bag na nakawit sa aking balikat. Hindi rin nagtagal ay nagdesisyon na akong humakbang paalis doon.

Nang maramdaman ang presensyang sumusunod sa akin ay napahinto ako sa paglalakad. Kahit na hindi lingunin ay alam kong sinu-sino ang mga iyon. Dahil sa ginagawa nito ngayon ay may konklusyong nabuo sa aking isipan.

Hindi kaya'y Ini-istalk ako ng mga 'to?

Wala sa sariling napa-irap na lang ako sa ere dahil doon. Baka naman ay mapahiya na naman ako kung sakaling kukumprontahin ko ang mga lalaking ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may dumaan na traysikel ay agad akong pumara. Huminto iyon at tinanong ako ng drayber kung saan ako magpapahatid na kaagad ko rin namang sinagot.

Pagkapasok sa loob niyon at maka-upo na ay nilingon ko ang apat na lalaki. Nadatnan ko silang kinakaway ng mabilis ang isa nilang kamay kapag may dumaraan na traysikel. Nang umandar na ang sinasakyan ay ibinalik ko na ang tingin sa harapan.

Ang hawak na barya ay agad kong ibinayad sa drayber nang matiwasay ako nitong naihatid sa Abrille College. Pagkababa ko ay agad kong napansin ang siya ring pagbaba ng kaninang mga lalaki. At dahil doon ay nakumpirma ko na, ini-iistalk nga ako ng mga 'to!

"Hoy!" tawag ko. "Sinusundan niyo ba ako?!" agad kong singhal sa kanila nang sabay nila akong binalingan. At dahil sa ginawa ay nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa.

Segundo ang lumipas bago may nagboluntaryong magsalita sa kanila. Ang lalaking morenong Andoy ang pangalan ay napakamot muna sa kanyang batok bago ibinuka ang bibig.

"H-hindi ah. Pa-pasok na rin kami sa klase namin. Diba mga tol?" Sabay tinignan nito ang mga kasamang kaibigan. Tumango sila bilang pagsang-ayon sa kanya. At pagkatapos niyon ay umuna na ito sa paghakbang papasok sa gate ng paaralan.

Akmang susunod na rin sa paghakbang yung Tisoy pero natigilan bigla. Humarap siya sa akin at ibinalandra na naman ang ngiti nitongpang-commercial model ng tooth paste. Ikinalabas din niyon ang malalalim nitong biloy sa gilid ng kanyang labi.

"Good morning. Sana maging kasing ganda mo ang araw ko ngayon." turan nito at kapagkuwa'y itinuloy na nito ang pagsunod sa kaibigang nauna na loob.

Inilipat ko ang tingin sa naiwan at doo'y nadatnan ko silang nakatingin sa akin. Ang lalaking may face mask sa mukha ay mataman akong pinakatitigan. Samantala, yung isa naman ay may ngisi na naman sa kanyang mukha.

"Assumera." ang lumabas mula sa bibig ng lalaking naka-mask.

"Tsk! Tsk! Tsk!" segunda naman ng isa at pagkatapos ay tuluyan na nilang akong iniwan doon na pahiyang-pahiya sa nangyari.

"Mga bwesit!" naibulalas ko na lang.

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon