Kabanata 21

222 13 1
                                    

Naninikip ang dibdib ko sa alaalang muntikan nang mangyari sa akin. Kahit pa tapos na at ligtas na ako ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko habang walang tigil pa rin sa pag-iyak.

Kasalukuyang nasa tabi ko ang mga taong nagligtas sa akin mula sa kapahamakan.  Nakayuko man ay ramdam ko ang ng apat.  Sa pagkakataong ito ay malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kung hindi sila dumating  ay marahil napagtagumpayan na ng mga adik na iyon ang kademonyohang balak sa akin.

“Panyo”

Nabasag ang katahimikang namayani sa paligid nang may magpasyang magsalita sa apat na lalaki. Bahagya akong tumingala dahilan upang mamataan ko ang pamilyar na pares ng mata. Ito ‘yung mga matang sa tuwing nagkakasalubong ng akin ay tila nangbibighani. Ngunit sa mga oras na ito ay may bahid iyon nang pag-aalala.

Bumagsak ang tingin ko sa kulay-abong panyong inilahad nito. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin at nagawa kong yakapin siya sa halip na abutin iyon. Kasabay din niyon ay ang  pagalingaw-ngaw ng samu’t saring reaksiyon galing sa mga kasamahan.

"Kung alam ko lang  na yayakapin niya pala ang magbibigay sa kanya ng panyo, eh 'di sana inunahan ko na lang si Popoy. Kainis!"

"May panyo rin ako. Yakapin mo rin ako ‘oh!"

“Ang swerte naman...”

"Hoy! Tama na 'yan!" naramdaman ko ang bahagyang paglayo ng aking katawan mula lalaking kayakap. Nang tuluyang makalas ay hinarap ako ng lalaking may pang-saiyan na buhok sa kanila. “Babaeng mataray, alam mo ba’ng ang pangit mong umiyak? Kaya tumahan ka na oy!” may bahid na iritasyon nitong sabi.

"Salamat." Ang nasabi ko nang sa wakas ay nagawa ko nang maibuka ang bibig. "Maraming salamat talaga sa inyo."

Bumalik ang katahimikan sa paligid. Wala nang nagpasyang magsalitang muli sa amin. Tumigil na rin ang pag-iyak ko. Tanging ingay na lang na gawa nang ilang insekto na naroroon at ang paghingang ginagawa ng bawat isa sa amin ang maririnig.

Maya-maya pa ay napagdesisyunan ko nang tumayo dahilan para makuha niyon ang atensyon ng apat.

“Okay ka na ba? Gusto mo nang umuwi?” ang sunod-sunod na tanong ng lalaking Tisoy sa akin. Sa kanyang boses ay naroon ang pagkamalumanay. At bilang sagot ay tumango ako ng bahagya.

“Ha-hatid ka na namin” pagpresenta ng lalaking kabaliktaran niyong naunang nagsalita. Kinamot nito ang kanyang batok pagkatapos at bahagyang napayuko nang dumako ang tingin ko sa kanya.

Ang pagtanggi ay hindi na nila pinahintulot sa akin. Nagsimula na silang humakbang para maglakad. Ngunit nang mapansin ang hindi ko pagsunod ay itinigil nila iyon.

Nilingon nila ang kinaroroonan ko. Sa kanilang mga mukha ay nandoon ang pagtataka. 

Naglakad muli ang lalaking kaninang naglahad sa akin ng panyo at niyakap ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay pabalik sa kaninang kinatatayuang pwesto na kung saan malapit sa akin.

“Tara na.” Walang kabuhay-buhay na pagyaya nito. Tinignan ko siya nang nakakunot ang aking noo.

Nang hindi na nakatiis sa paghihintay ng tugon ko ay sapilitan na niya akong pinaglakad. Papunta sa kung saan naghihintay ang mga kaibigan nito.

Sinabayan ng mga kasama ang katahimikan ng kalsadang dinadaanan. Tanging maririnig lamang sa kapaligiran ay ang yabag na nililikha ng aming mga paa dahil sa paglalakad. Inisa-isa kong tinignan ang mga lalaki at sumalubong ang seryosong mga itsura nito habang ginagawa ang paghakbang.

Ang akala kong mga lalaking purong estranghero lang sa buhay ko ay magiging mga tagapag-ligtas ko pala isang araw. At dahil do’n ay sa isang iglap ay nawala na ang dating inis na nararamdaman ko para sa kanilang apat.

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon