Kabanata 23

205 13 0
                                    

Hindi ko maiwasan ang muling mapa-irap dahil sa ginagawa ng mga lalaking abnormal. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung panay na nila akong tinatawag gamit ang naisip nilang tawag sa akin. Kung noong una'y na-aatim ko pa, pero nang tumagal ay nabwe-bwesit na ako.

Gusto ko sanang sitahin ang mga abnormal , ang kaso ay sumasalungat naman sa akin ang konsensya ko. Pilit nitong pinapa-alala na may pagkaka-utang na loob pa ako sa kanila. Kaya sa huli ay napagpasyahan ko na lang na pagbigyan na muna sila ngayon.

Dagdag pa sa pagka-inis ko ang grupo ng mga babaeng ka-klase ko. Kung nakakamatay lang ang mga titig na binibigay ng mga ito ay marahil naka-bulagta na ako rito ngayon. Nai-inggit yata ang mga bruha palibhasa mga humahanga sa mga lalaking abnormal pero hindi naman pinapansin. Nakaka-awa naman. Tsk!Tsk!

Napa-iling na lang ako.

Nang dumating ang prof. ay agad nitong sinimulan ang klase. Nagpunta na sa gitna ang mga kaklaseng naatasan para mag-report sa araw na ito.

Naubos ang oras ng klase sa ginawang pagre-report. Dahil kulang na ang oras, hindi na nakapag-dagdag pa ng kaalaman patungkol sa topic na ini-report ang prof. namin. Nagbilin na lamang siya sa amin na sa susunod na pagkikita ay magpapa-quiz ito.

"Wait lang, baby loves." Matiwasay na sana ako naglalakad palabas ng room.  Ngunit dahil sa pagtawag sa akin ni Tisoy ay pustahan, hindi na naman ako tatan-tanan ng mga abnormal na ito. "Saan ka?"

Akala ko pa naman ay makakalaya na ako sa presensiya ng mga ito pagkatapos ng klase. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Canteen." malamya kong sagot.

"Tamang-tama, baby girl. Do-doon din kasi ang pu-punta namin." Namumula na naman si Andoy habang nagkakandautal-utal sa pagsasalita. Ang palaging nangyayari sa kanya sa tuwing nagsasalita. Normal lang yata iyon sa kanya.

"O? ano pa'ng tinatayo-tayo mo d'yan?" Bumaling ako sa nagsalita. Imbes na sa mukha tumingon ay diretsong tumungo ang paningin ko sa kanyang buhok, napang-saiyan.

Siguro napaka-hassle ang araw-araw na gawin ang ganyang style ng buhok. Mabuti't hindi nale-late itong si saiyan este si Jojo.

"Baby babes, halika na oy!"

Pwedi ba'ng time-out muna ako sa kakarinig ng pang-abnormal nilang tawag sa akin?

Ang mga mata'ng bakas ang pagtataka at panunuri ay nakatuon sa amin. Naninibago yata dahil kasama kong naglalakad ang grupo ng mga abnormal. Feeling ko tuloy kagaya na rin ako ng mga lalaking 'to, abnormal na rin. Sa pangalawang pagkakataon sa araw na ito ay napailing na lang ako. Tsk!

Nang makarating sa loob ng canteen ay walang pinagbago. Ganoon pa rin ang binibigay na tingin ng mga kapwa estudyante sa amin. Sa halip na pagtuonan pa ng pansin ang mga iyon ay bumaling na lang ako sa pagkaing nakikita sa loob ng istante.

"'Wag ka na rito, baby loves." Naagaw niyon ang atensyon ko. Nakaharap na sa akin si Tisoy na mayroong ngiti sa  labi nito. At dahil do'n ay natunghayan ko naman ang pagtakas ng malalalim na dimples nito sa magkabilang pisngi. "Ano ba'ng gusto mong kainin? Kami na ang bahala." Kapagkuwa'y tanong niya.

"Gusto ko ng burger." Tugon ko.

"Ano? 'Yon lang kakainin mo? Paano ka mabubusog n'on?" Pagsabat ni Jojo sa usapan. Dumiretso na naman ang tingin ko sa buhok nito. Hindi ko alam kung bakit pero iyon talaga agad ang napapansin ko sa kanya. Naalala ko kasi talaga sa buhok na meron siya, 'yong mga karakter na saiyan sa isang anime noon.

"Ang payat-payat mo, kumain ka ng tamang pagkain nang magkalaman ka naman, baby babes." Dagdag pa niya

Daig pa nito si Papa sa pangangaral sa akin.

"Eh?"

"Ih, Oh, Uh! Sige na, hanap ka na lang ng mapwe-pwestuhan natin." Tila may bahid ng pagka-inis ang tono ng kanyang boses. Kasabay din niyon ang pag-muwestra ng isang kamay nito na tinataboy na ako.

Kung maka-taboy naman ang lalaking saiyan na 'to, wagas! Sa klase ng pagtataboy nito sa akin ay para akong isang langaw sa palengke na gustong dumapo sa paninda niya, bilang siya ang tindera.

Takte! Bakit sa lahat ng pwedi kung pagkumparahan ng sarili ay langaw pa?

Bago pa umabot sa kung saan-saan ang mga naiisip ko ay inilabas ko na ang wallet mula sa aking shoulder bag.
Kinuha ko roon ang sing-kwenta pesos para pam-bayad sa pagkaing gustong bilhin.

"Heto 'o," Bilang nag-presenta naman na sila, na sila na ang bibili ng pagkain ko ay sa kanila ko na ibinigay ang perang pam-bayad ko n'on.

Sa halip na abutin ay tinignan lang nila iyon. Baka kaya ganoon kasi hindi nila ma-gets kung para saan ito?

"Pam-bayad ko, para sa bibilhin niyong burger para sa'kin."

"Naku! 'Wag na... Ba-by... Girl. Li-libre ka na namin." Wika ni Andoy na nauutal na naman.

"Hanap na."

Ang pagsulpot ng malamig na boses na iyon, ang naging dahilan para hindi ko na maituloy ang pagtutol ko sana sa panlilibre nila sa akin.

Dumako ang tingin ko sa lalaking nagmamay-ari niyon. Kagaya noon ay halos malunod na naman ako sa klase ng paninitig nito.

Pansin ko lang sa Popoy na ito, kung kakausapin ako ay palaging nang-uutos. Tapos, himala na ang tatlong salitang nailalabas ng kanyang bibig.

Kaysa makipagtalo pa ay sinunod ko na lang ang kagustuhan nilang maghanap ng mapwe-pwestohan.

Bahala na sila d'yan!

"Nasaan ang burger ko?" Bungad ko sa mga lalaki nang mapansin na wala sa mga pagkaing inilapag sa mesa ang gusto ko.

"Hindi kami bumili ng burger, baby loves 'eh." Si Tisoy ang sumagot. Naka-upo ito kaharap ko. Sa tabi nito ay nando'n si Andoy. Samantala, ang natitirang dalawa, Jojo at Popoy ay nasa tabi ko naman napiling umupo.

"Ito na lang ang kainin mo." Inilapit nito sa akin ang platong may lamang kanin at isang prinitong manok.

"Ayoko niyan." Habang sinasabi 'yon ay hindi ko mapigilan ang mapa-simangot.

"Huwag ng maarte baby babes, mas masarap 'yan atsaka nakakabusog kaysa do'n sa pagkaing gusto mo." Sa pagkakataong ito ay si Jojo na na ang nagsalita.

Inis na napabuntong-hininga na lang ako. Sa ginawa ay napa-baling ang apat sa akin. At base sa nakikita ko sa kanilang mga itsura, alam ko na ang gusto nilang ipahiwatig.

"Oo na! Kakain na po." Pagsuko ko sa mga abnormal na 'to.

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon