Kabanata 12

219 14 1
                                    

Nang makadating sa pintuan ng room kung saan ang klase ko ay pilit kong hinahabol ang aking hininga. Hingal na hingal ako gawa nang paglakad ng mabilis at sandaling pagtakbo. Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko at ginamit iyon pamunas ng tagaktak kong pawis. Inayos ko narin ang sarili ko para sa pagpasok ko roon. Tinignan ko ulit ang relong nasa palapulsuhan ko. Napangiwi ako. Papapasukin pa kaya ako ng Prof. kung sobrang late na ako sa klase niya? 

Bumuntong-hininga ako kasabay niyon ang desisyon kong huwag nalang pumasok. Diretso ang lakad ko pabalik sa daan na kung saan ko dinaanan. Pagkalabas ko ng building ay dinala ako ng aking mga paa sa bench na naroon sa gilid ng field. Kasabay ng pag-upo ay ang pagkuha ko ng papel na naglalaman ng mga schedules ng klase ko. Nakita ko doon ang sunod kong kong klase at saan ang room niyon. Tumayo na ako at napagdesisyunang hanapin na iyon nang sa ganu'n ay hindi na maulit ang nangyari sa unang klase.

Pumasok ako sa loob ng room pagkatapos kong mahanap iyon. Naghanap agad ako ng mauupuan at ang napili ay ang pwestong nasa harap. Inilibot ko ang tingin doon dahilan para mapangiwi ulit ako. May namataan kasi akong daga na nakatambay sa isang sulok na tila kay saya nito doon habang may nginangat-ngat. Nang may makitang isang eraser na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ay ibinato ko iyon sa gawi nito. At dahil doon ay dali-dali itong tumakbo dala parin ang pagkaing nginangat-ngat. Ilang sandali pa ay may bigla akong napagtanto. Pasensiya na daga na istorbo ko ang masaya mong pagkain, nandidiri kasi ako sa’yo.

Ang puting bag na kanina pa na nasa aking braso ay inilapag ko na sa arm-chair. Pero kaagad ko ring kinuha nang mapansin ang alikabok na naroroon. Sinuri ko kaagad ito dahilan para mapapikit ako sa inis.

“Bwesit naman oh!” Ang puti kong shoulder bag ay nabahiran na ng alikabok nagyon.   

Pagkatapos kong mapagpagan ang arm-chair ay inupuan ko na ito. Ilang sandali pa ay inilabas ko ang cellphone na dala pero nang mapagtanto na useless din naman ito ay binalik ko na lang sa bulsa. Inabala ko nalang ang sarili sa pakikipagtitigan sa relong nasa pala-pulsuhan. Kalaunan ay ikinabagot ko rin naman kaya sa huli ay itinigil ko nalang. Iniyuko ko ang ulo at ipinatong ito sa arm-rest nitong inuupuan ko. Ilang saglit pa ay unti-unti ko nang nararamdaman ang antok.

Ang ingay sa paligid ay ang nagpagisig sa akin mula sa pagka-idlip. Tinignan ko ang buong paligid at doon ay sumalubong sa aking paningin ang mga kapwa kong estudyante. Halos lahat sila ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Napabuntong-hininga ako kasabay nang pagbalik ng aking paningin sa harapan.

"...hindi tuloy ako nakapasok! Patay na naman ako kay Papa."

Ang pagsulpot ng isang boses ang naging dahilan ng pagtahimik ng paligid. Kasabay din niyon ang ilang mahinang pagsinghap na sa tingin ko’y mula sa mga babae. Dumako ang tingin ko sa kinaroroonan ng taong may-ari niyon at doon ay nakita ko ito ngunit hindi ito nag-iisa. Nakita ko na naman ulit sila, ang apat na lalaking kargador na anak-mayaman naman daw.

"Ikaw kasi Jojo! Ikaw talaga ang may kasalanan! Kung sana pinalagpas mo nalang ang isang 'yon, 'e di sana nakapasok tayo sa unang subject." dagdag pa ng kasamahan nilang may maputing kutis at may dimples, yung Tisoy.

"Asus! Huwag kami oy! Ang totoo naman, ayaw mo talagang pumasok." Ani ng lalaking sa pagkakatanda ko ay Jojo ang pangalan. Bibigyan niya pa sana isang hampas ang kaibigan pero hindi na nayuloy dahil lumayo na ito sa kanya. Nagtago ito sa likuran ng isa pa nilang kasama.

"Hoy! Tama na 'yan. Hanap na tayo ng mauupuan." Pag-awat ng kasamang lalaking may kayumangging kutis. Tinalikuran na niya ang mga kasama at nagsimula nang pumasok na ng tuluyan.

Sumunod naman kaagad ang lalaking noo’y walang kareaksyon-reaksyon sa pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid. Kanina ay nakatayo lang siya doon habang direyso ang tingin sa mga kaibigan. Sa paglalakad niya ngayon ay ganoon parin ang pinapapakita nito, blangko.

"Ang swerte naman natin! Akin si Tisoy ah."

"Sa akin si Dodong! Sana mapansin nila ako."

"Shet! Ang pogi ni Andoy."

"Crush ko talaga si Jojo!" ang narinig kong bulungan mula sa grupo ng mga babaeng kaklase namin. Nasa likuran ko lang kasi sila nakaupo kaya rinig-rinig ko iyon. Nang sandaling iyon may napagtanto ako, may malalandi rin pla sa probinsiya!

"Namumukhaan kita ah. Ikaw yung sa tindahan nila Aling Saling, ang babaeng mataray!" Bigla ay napalikwas ako dahil sa gulat nang magsalita ang lalaking mukhang saiyan.

Pero mas lalo akong nagulat nang makita kong nandoon na ang ang kaninang apat na lalaki sa aking harapan. Gamit ang iba’t-ibang klase ng kanilang mga mata ay pinakatitigan nila ako dahilan para mailang ako.

"'Parang siya din yung magandang babae sa liga noon? Oo tama nga! Ikaw nga 'yon! Kamusta ka na?" ngayon naman ay ang lalaking Tisoy ang nagsalita. Inilapit pa nito ang mukha sa akin na konti nalang ay mahahalikan niya na ako. Pero hindi na umabot sa ganoon iyon dahil itinulak na siya ng isa pa niyang kasama. 

"H-hala!" ilang sandali pa ay naibulalas nito. Napansin ko ang biglaang pagpula ng kanyang pisngi at pag-iwas ng tingin sa akin. Inilagay narin niya ang isang kamay sa may batok para kumamot.

Malakas na pagtikhim ang umagaw ng atensyon ko. Dumako ang tingin ko sa pinanggalingan niyon at sumalubong sa aking paningin ang kasama nila. Sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng kakaibang emosyon. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon. Nanatili ang pakikipagtitigan ko sa lalaki hanggang sa ito ang unang sumuko. Ikinakunot ng noo ko ang biglaang ginawa nito na kalaunan ay nauwi ang reaksyon ko sa hindi makapaniwalang inirapan ako nito. Anong problema niya?!

“Malandi!”

“Kibago-bago lumanlandi na!”

“Bakit siya ang napansin? Bakit hindi ako!” ang mahinang pasaring ng mga babaeng nasa likuran ko dahilan para tumaas ang kilay ko. Alam kong ako ang tinutukoy ng mga bruhang ito. Lilingunin ko na sana sila pero hindi ko na nagawa dahil dumating na ang Prof.

“Settle down everyone!” anunsyo ng kakapasok lang na matandang lalaki sa amin.

Pasalamat sila sa pagdating ng Prof kasi kung hindi dahil rito ay baka hindi ko mapigilan ang sarili kong sirain pa ang pagmumukha nila, na sa tingin ko’y matagal ng sira.

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon