Kabanata 14

229 14 0
                                    

“Babe, mag-date tayo.”

Awtomatikong napabaling ako sa kinaroroonan ng tinig na iyon. Sa kabilang bench ay namataan ko ang isang babae at lalaki. Magkatabi silang nakaupo doon habang nakadantay pa ang ulo ni babae kay lalaki.

“Saan naman babe?” napa-ayos na nang upo ang babae at hinarap ang lalaki. Nagkakatigan na sila sa sandaling iyon.

“Kahit saan lang, ang importante lang naman ay yung kasama kita.” sagot naman lalaki. At dahil doon ay napangiti ang babae tanda na ito’y kinikilig sa sinagot ng kasintahan. Ilang saglit pa ay mabilis niyang hinalikan ito. 

Sa kinauupuan ko ay napangiwi nalang ako. Bigla ay gusto kong pumulot ng bato at itapon iyon sa gawi nila nang sa ganoon ay itigil na nila ang ginagawang pag-PDA. Pero sa huli ay mas nangibabaw ang pagiging mabait ko kaya hinayaan ko nalang sila. Ako nalang ang mag-aadjust para sa kanila.

Inalis ko na ang tingin sa mag-jowa at inilibot nalang iyon sa buong filed ng Abrille College. At doon ay nakikita ko ang ibang mga estudyanteng naglalakad papunta sa kanya-kanyang destinasyon. Sa ibat-ibang bahagi rin nito ay may mga estudyanteng nakaupo. Tila doon muna tumatambay habang nag-aantay para sa susunod na klase nila.

Dumako ang tingin ko sa mga benches na nasa gilid nito. Hindi ko na iwasan ang ang pagkakitang muli sa mag-jowa na nandoon. Napangiwi ulit ako dahil doon. Bigla ay parang gusto ko nalang ituloy ang kaninang balak. Inilipat ko nalang ang tingin sa isa pang bench at doon ay napasimangot naman ako.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo na ako. Pinagpagpag ko ang pang-upong bahagi ng aking katawan pati narin ang bag na iniligay ko rin doon. Inaayos ang sarili at sinimulan na ang paghakbang paalis.

Pagkalabas ko ng gate ay agad na sumalubong sa akin ang alikabok na galing sa hindi sementadong kalsada. Sa tapat niyon ay ang nakahilerang mga traysikel kasama ang mga drayber nito. Doon yata ang pwesto nila rooon kung saan pwedi sila mag-aabang ng pasaherong sasakay.

Sa gilid ng naman ng kinatatayuan ko ay doon nakapwesto ng nagtitinda ng mga streetfoods. Maraming mga estudyante ang naroon, bumibili at kumakain. Bigla ay natakam ako nang makita ang grupo ng lalaking kumakain ng kwek-kwek. Nang sandaling dudukot na sana ako ng pera sa aking bulsa ay may biglang tumabi sa akin dahilan para magtigil ako sa aking ginagawa at mapatingin sa kabuan nito.

Suot niya ang polong uniporme ngunit nakabukas ang mga butones nito. At dahil doon ay nakabalandra ang puting panloob niyang puting sando. Nakatayo ito sa aking tabi ngunit ang tingin ay nasa direksyon kung saan din ako nakatingin kanina. Sa isang kamay rin nito ay may hawak siyang makapal na notebook.

“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa lalaki nang matapos na ako sa panunuri. Doon ay napatingin siya sa akin. Kagaya noong mga nakaraang pagkikita ay ganoon parin ang mga tingin nito, blangko. At nang makasalubong ng aking mata ang kanya ay para bang nahipnotismo ako. Wala na akong gustong gawin kundi ang titigan ang kanyang mga mata. Ilang saglit pa ay siya ang unang bumitiw sa titigan na nangyari. Iniwan niya ako at tumungo sa kinaroroonan ng tindahan ng mga streetfoods.

Alam ko sandaling iyon ay nakakunot na ang aking noo habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Hindi kaya nito narinig ang tinanong ko kaya wala siyang sagot sa tanong ko? Sa huli ay hindi ko na inabala pa ang sarili sa pag-intindi ng inakto nito at tinuloy ko na ang pagkuha ng pera sa king bulsa. Nang sa ganoon ay makakain na ako ng kwek-kwek na kanina lang ay takam na takam ako.

Tumungo ako sa pwesto kung saan nandoon ang pagkain kinakatakaman ko. Saktong pagkadating ko ay inihain na ng tindera mula sa kumukulong mantika ang kwek-kwek. At dahil doon ay mukhang gusto ng tumulo ng laway ko sa sobrang katakaman.

“Isa nga po nito. Magkano po?” bungad ko sa tindera. 

“Kinse pesos ineng.” Sanalaman ay awtomatikong napakunot ang noo at kalaunan ay napatass narin ang kilay ko. Sa pagkakatanda ko ay sampung pesos lang iyon noong huli akong bumili sa siyudad. Anong mayroon ng kwek-kwek nila kumpara doon at kay mahal naman yata?

Ang kamahalan nito ay hindi naging hadlang para isantabi ko ang paglalaway ko rito. Kaya naman muli ay dumukot ako ng pera sa bulsa para dagdagan ang kaninang naihanda.

“Pabili po.”

Natigil ako sa ginagawa nang marinig ko ang tinig na iyon. Sumulyap ako sa kinaroroonan niyon at bigla’y napairap nalang. Itinuloy ang pagkuha ng pera sa aking bulsa.

“Neng, sa’yo ‘to.” Nang bumaling ako sa tindera ay nakalahad na sa aking harapan ang kwek-kwek na nasa lalagyan na nito. Kaagad din naman akong kumilis para kuhain iyon. 

“Salamat. Bayad ko po.” Ang libreng kamay na may hawak ng perang pambayad ay inalapit ko sa kanya. Ngunit hindi iyon kinuha ng tindera mula sa akin na pinagtaka ko. 

“Nabayaran na iyan.” Sa sandaling iyon ay mas lalo akong nagtaka. Hindi pa naman kasi ako nakapagbayad. Hawak ko parin sa kamay ang dapat sanang pambayad para sa kwek-kwek na hawak ko na ngayon.

“Po?” ang tanging nasabi ko sa kabila ng pagtataka.

“Binayaran na ‘yan ng lalaking ‘yon.” Kasabay ng pagtugon ng tindera ay pagturo nito sa kung sino man. Sinundan ko ang itinuro niyang direksyon. Doon ay nalaman kong ito pala ay ang lalaking kanina lang ay narito sa aking tabi.

Kasalukuyan na siyang naroon sa isa pang tindahan na sa tingin ko ay ang binibenta ay fishballs naman. Sa kamay ay may hawak itong isang stick habang swabeng nginunguya ang pagkain nasa loob ng bibig nito. Nang matapos na siyang ngumuya ay muli siyang tumusok ng apat pa na fishballs.

Bumagsak ang tingin ko sa hawak na kwek-kwek. Sa puntong iyon ay nagdadalawang isip ako kung kakainin ko ba ito. Sa huli ay mas nangibabaw muli ang pagkatakam ko rito. Pero bago ko kainin iyon ay magpapasalamat muna siguro ako sa lalaking nagbigay nito.

Humakbang ako patungo sa kinaaroroonan ng lalaki. Sa kalagitnaan niyon ay nakaramdam ako ng hiya. Huminto ako at napaisip kung itutuloy ko pa ba. Sa huli ay bumuntong hininga muna ako at nagdesisyong ituloy ang pagpapasalamat sa nagbigay ng kwek-kwek sa akin.

Nang makalapit ay naabutan ko siyang tutusok muli ng fishballs. Napasarap yata ang pagkain niya niyon dahil naparami na ang pagkain niya. Isinawsaw na niya ang natusok na fishballs sa sawsawan nito at pagkatapos ay idineritso na niya ito sa kanyang bibig.

“U-uh. Excuse me” Panimula ko. Napatigil siya dahil doon at napatingin sa aking gawi.

“Magpapasalamat lang sana ako para rito. Pero alam mo hindi mo naman kailangan na gawin iyon dahil may pera naman akong pambili.” Dagdag na litanya ko. Itinaas ko ng bahagya ang hawak na kwek-kwek nang sa ganoon ay makita niya ang tinutukoy ko.

Hindi ito kumibo at mataman lang itong nakatingin sa akin. Ilang sandali pa ay napansin ko ang biglaang pagtaas ng medyo makapal nitong kilay. At hindi rin nagtagal ay bumalik muli siya sa naudlot niyang pagkain.

“M-miss ako yung n-nagbayad niyan para sa’yo.” Pagsingit ng lalaki na ngayon ay nasa aking harapan. Nakahawak ito sa kanyang batok at hindi makatingin sa akin ng diretso.

Bigla ay parang gusto ko nalang maglaho sa kinatatayuan ko ngayon.
 

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon