Kabanata 35

128 8 1
                                    

Napapikit ako nang mariin. Hindi ko na mabilang kong ilang beses ko nang ginagawa iyon. Ngunit tila hindi sapat iyon para tumigil sa pag-rewind ng lesteng alaala.

Napahawak ako sa labi ko. Kasabay niyon ay ang pag-init ng aking pisngi. Gusto ko nang sabunutan ang sarili dahil sa kabwesitan ng nararamdaman.

"Okay ka lang ba, Shane?Ano'ng nangyayari sa'yo diyan?"

Naituon ko ang atensyon kay Mama nang magsalita ito. Kasama nito si BiBit na naghahanda ng pagkain para sa almusal namin. Lumapit ako at umupong nakapahalumbaba sa mesang nandoon sa kusina.

"Opo." kahit na bakas sa mukha na hindi.

Napatikwas ako ng kilay nang mataman akong tinitigan ni Bibit. Habang ginagawa iyon ay unti-unti na rin ang paglapit nito sa akin na siyang ikinaatras ko nang kaunti.

Pinitik ko ang noo nito.

"Anong ginagawa mo? Umayos ka nga!"

Sinunod niya ang sinabi ko. Naupo na rin ito sa kalapit na upuan. Nanatili ang mapanuring tingin nito sa akin. Kapagkuwan ay humalukipkip ito at dumekwatro nang upo.

"Ganito yung sa mga storyang nanabasa ko, eh. Yung aksidenteng nagkahalikan yung bidang babae at bidang lalaki tapos hayun, 'di makalimutan ng babae yung nangyari dahilan para maging tulala siya sa mga sumunod na araw."

Sa narinig ay napasimangot ako. Bwesit na bwesit na talaga ako sa babaeng 'to, hindi ko lang alam kung bakit.

"Ano ma'm Shane, gano'n din ba ang sa'yo, kaya ka nagkakaganyan?" dagdag pa nito.

"Manahimik ka na nga lang, Bibit!" bulyaw ko sa kanya sabay alis.

"Aha!Huli pero 'di kulong!" mapang-asar na habol niya.

Leche!

Sa pagtaas ng kamay sa ere ay siyang pagdating ng traysikel sa aking harapan. Nagdesisyon akong umuwi nang maaga, hindi na pumasok sa huling klase dahil biglang sumama ang pakiramdam ko.

Sumasakit ang ulo ko at kumakalam ang sikmura. Tantiya ko'y dahil iyon sa nalipasan ako ng gutom. Hindi kasi ako nakakain ng almusal at tanghalian kanina dahil sa masyado kong inabala ang sarili.

Walang minutong hindi naging okupado ng ibang bagay ang isip ko. Kailangan ko iyon nang sa ganoon ay hindi ko na naman maalala pa ang kanina pang pilit pinapaalala sa akin.

"Urong ka."

Saktong pagkaupo ay siyang pagsulpot ng lalaking may rason ng mga nangyayari sa akin ngayon. Sa pagkakataon iyon ay nagwawala na ang kung ano sa looban ko.

Tadhana nga naman, mapang-asar!

"T-teka." protesta ko nang pumasok na si Popoy at sapilitan na kong inurong para tuluyan nang makaupo sa tabi ko.

"Saan kayo?" tanong ng drayber.
Sa halip na sumagot ay pinili kong manahimik samantala, ang katabi ay nasa akin ang tingin.

"Kung saan po siya."

Napantig ang tenga ko sa narinig. Ang ibig sabihin ba nito ay makakasama ko siya hanggang sa amin? Bale, parang hinatid na rin niya ako, gano'n? O ako lang ang nag-iisip niyon?

"Oy, anak pala 'to ni mayor." ani ng drayber nang siguro'y namukhaan si Popoy. Tumango naman ang lalaki bilang balik sa kanya.

Itinuon ko na lang ang tingin sa harapan nang magsimulang umandar ang sinasakyan. Kung maari ay ayaw kong sumulyap sa lalaking katabi. Ngunit napakaimposible naman iyon lalo na't ramdam ko ang ginagawang paninitig nito sa akin.

Nawindang ako sa sumunod na nangyari. Bigla na lang kasi nitong nilagay ang kanyang kaliwang palad sa aking noo.Sinundan naman din iyon nang pagpapaharap niya sa akin. At dahil do'n, tuluyan na akong naestatwa sa kinalalagyan.

Nakasisigurado ako na sa mga oras na iyon, habang magkatagpo ang aming mga mata ay bahagyang nanlalaki ang akin. Heto na nga ba ang sinasabi ko, nawawala na ako sa katinuan.

Hindi naman nagtagal ay lumipat ang tingin nito sa labi ko. Wala sa sariling tinakpan ko iyon gamit ang aking kamay na ikinangisi naman ng lalaki.

"H-hoy! A-anong iniisip mo? Ba't ka ngumising bigla d'yan!" sita ko.
Nagkibit-balikat ito.

"Wala, bawal?"

"Oo! Kaya tumigil ka!" mataray na balik ko sa kanya.

Huwag na huwag niya akong mangisi-ngisihan dahil nayayamot lang ako, sa sarili ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!

Pakiramdam ko ay umabot ng isang oras ang naging biyahe. Kahit na hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa Abrille College.

Hindi ko nga alam kung sino ang sisisihin dito, ang sarili ko ba dahil atat na akong makauwi agad o yung drayber dahil feeling ko mabagal siyang magpatakbo?

Hay ewan!

Naging tahimik na sa biyahe si Popoy. Pero hindi naman siguro kataka-taka iyon dahil ganoon naman talaga siya. Kagaya ko ay marahil itunuon na lang din nito ang atensyon sa nadadaanang tanawin.

Ang unang lumabas sa traysikel ay si Popoy nang sa wakas ay makarating. Ako naman ay inihanda muna ang sarili bago bumababa.Ngunit hindi ko naman napaghandaan ang sunod na ginawa ng lalaki.

Nasa aktong hahakbang na ako pababa nang biglang inilahad ni Popoy ang kanyang kamay. Tila nag-aalok nang pag-alalay. Natigilan ako. Napa-isip kong tatanggapin ba iyon o hindi.

"Jowa mo na ba 'yan, iho o nililigawan pa lang?"

Mabilis na bumaling ang ulo ko sa direksyon ng drayber nang matapos magsalita ito. Binigyan ko na rin nang masamang tingin dahil sa ginawang tanong.

Akala ko pa naman mga tsismosa lang ang mayroon rito, pati rin pala mga usisero ay laganap din pala sa lugar na ito. Isa na do'n itong si kuyang drayber!

"Maganda sana kaso mukhang mataray. Huwag na 'yan, magiging under ka lang n'yan."

Tila may pumitik sa aking ulo dahil sa narinig. Dinagdagan pa niyon ang sakit na kanina pa iniinda.

Mataray pala, ah!

Pinagpatuloy ko ang pagbaba, tuluyan nang nawala ang atensyon kay Popoy. Walang kung anu-ano'y tinadyakan ko ang gulong ng kanyang traysikel, medyo umalog ito.

Saglit na nataranta ang drayber, bahagyang nagulat pa nga yata dahil sa ginawa. Ngunit sa huli ay napakamot na lang kanyang batok.

"Sabi ko nga, aalis na ako." anito bago paandarin ang motor nito at umalis.

Buti nga!

"Pasok na."

Nabasag niyon ang pagsunod ko ng tingin sa sasakyang umalis.

"Uminom ka ng gamot, mukhang may sakit ka." dagdag ni Popoy.

May kung ano akong naramdaman. Sa mga oras na iyon, nakapagpasya na ako.

Hindi na pwedi 'to!

"Sandali!" pigil ko. nang akmang aalis na rin ito.

"Parte pa rin ba nang pagpapanggap natin itong mga pinapakita mo ngayon?" tahasan kong tanong sa kanya.

Nang walang makuhang tugon ay nagsalita ulit ako.

"A-ayoko na. Itigil na natin 'to, Nahihirapan na'ko."

Kita ko ang pagkalito sa kanyang mukha na napalitan rin naman kaagad ng kanyang karaniwang ekspresyon, malamig.

"K." ang huling sinabi nito at tuluyan na akong tinalikuran.

Ang desisyon kong 'to ay para rin naman sa akin, sa ikakabuti nang lagay ng puso ko. Ayaw kong umabot sa puntong mahulog pa lalo sa lalaking hindi naman ako siguradong sasaluhin ba ako sa huli.

---

VOTE & COMMENT kayo para ganahan akong mag-update. ;) Thank you! :)

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon