Kabanata 10

228 15 0
                                    


"Oh Shane, aalis ka na ba?"

Nasa hambana na ako ng pinto nang makita ako ni Mama. Gamit ang kanang kamay nito ay kinusot niya ang mata na pumipikit pa habang naghihikab. Bagong gising ito at kalalabas lang mula sa silid nila ni Papa. Tumango ako bilang pagtugon sa tanong niya. Napatingin ito sa orasan na nakapaskil malapit at bigla ay kumunot ang noo nito.

"Maaga pa 'ah, nag-almusal ka na ba?"

"Hindi na po ako mag-aalmusal Ma." Sagot ko. At dahil do'n ay biglang napameywang si Mama habang nagkasalubong na ang kilay nito. Tanda iyon na hindi nito nagustuhan ang sagot ko.

"Hindi pwedi 'yan! Paano ka makapag-aral ng mabuti kung walang laman iyang sikmura mo? Atsaka baka himatayin ka sa eskwelahan dahil gutom ka. Dapat talaga may laman palagi ang tiyan. Sumunod ka sa akin sa kusina, ipaghahanda kita." Matapos niyang mag-litanya ay tinalikuran na niya ako at tumungo na sa kusina dahilan para hindi na ako makapag-protesta pa. Bumuntong-hininga nalang ako pagkatapos ay sumunod na sa kanya.

"Shane, heto oh." Sa kalagitnaan nang pag-aalmusal ko ay may inabot si Mama sa akin. Agad ko itong tinanggap nang may abot hanggang tengang ngiti dahilan para mapa-iling siya. Akala ko talaga papasok ako nang walang baon, mabuti nalang!

"Salamat Ma."

Pagkatapos kong kumain ay tinignan ko kaagad ang relong nasa bisig. Kahit pa bagong kain ay napatayo ako bigla nang mapagtanto ang oras. Kailangan ko nang umalis kung ayaw kong ma-late sa unang araw ng klase.

Ngayon ay ang unang araw ko sa pag-aaral sa Abrille College. Kung ano ang kurso ko sa dating eskwelahan ay gano'n din ang kinuha ko rito. At dahil halos naman ng subjects ko ay na-credit kaya hindi na naging hassle ang pagpapa-enroll ko sa paaralan na ito. Ang unang klase ay alas-otso ng umaga ang simula at ngayon ay alas-siyete 'y medya na. Kaya dali-dali na akong umalis ng bahay hindi na nga ako nakapagpaalam pa kay Mama.

Habang nakasakay sa traysikel ay minu-minuto kong tinitignan ang relo ko. Sa bawat tingin ay mas lalo akong kinakabahan na baka ma-late ako. Ako kasi yung klase ng estudyante na ayaw nala-late sa mga klase. Kapag ganoon kasi ay feeling ko kulang yung natutunan kong kaalaman sa araw na iyon. Kaya kung maari ay maaga palang ay nandoon na ako sa klase.

Pagkatapos kong maihatid ni Manong drayber ay dali-dali na akong tumungo sa loob ng campus. Pagkapasok ay agad na sumalubong sa akin ang mga mata ng mga kapwa ko estudyanteng nandoon pa sa field at tumatambay. Hindi pa ba sila papasok?O baka naman hindi talaga papasok ang mga ito sa mga klase nila kasi tatambay lang ang trip nilang gawin rito?

"P're ang ganda."

"Siya yata yung sinabing bagong lipat na maganda raw."

"Hindi naman maganda, maputi lang!"

"Sa itsura palang mataray na!"

Mga ilan sa mga bulungan na hindi nakatakas sa pandinig ko. Habang naglalakad na sa gitna ng field na kung saan nandoon ang sila nakatambay. Pero hindi ko nalang iyon inintindi kahit na nakakainis ang mga ilang sinabi patungkol sa akin.

Sa paglalakad ko ay bigla akong may napagtanto. Kinuha ko ang papel na kung saan nandoon ang schedule ng mga subjects ko at kung saan ang mga room niyon. Sa BA101 ang una kong klase na hindi ko pala alam kung saan banda iyon rito. Bumalik ulit ang tingin ko sa gawi ng mga kaninang nadaanan kong mga estudyante. Para sana maghanap ng mapagtatanungan ngunit nang mapansin ko ang pagtaas ng kilay ng babaeng unang sumalubong sa tingin ko ay napabuntong-hininga nalang ako. At ilang saglit pa ay napa-irap nalang din. Magsasariling sikap na nga lang ako, bahala na!

Nilibot ko ang buong building na unang kong pinuntahan pero wala parin doon ang hinahanap ko. Nakapagtanong narin ako roon kung saan ang tinutukoy na room doon sa schedule ko. Nandoon daw iyon sa kabilang building na makikita kong inaamag raw sa luma niyon. Nang makalabas roon ay napansin ko sa gitna ng field ang pagkukumpulan ng mga estudyante. Sa pagtataka ay lumapit ako doon.

"Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya." ang narinig ko pagkarating ko doon. Ang boses ay galing sa lalaking nasa gitna nakayuko ito habang nagpapaumanhin sa mga lalaking nasa harapan niya. At nang makita ko ang mga kaharap nito ay napakunot ang noo ko. Dito rin pala nag-aaral ang mga ito?

Hindi kagaya sa unang pagkikita ay ang apat na kalalakihan ay may suot itong pang-itaas na damit ngayon. Disente silang tignan sa ayos at itsura nila na hindi mo mababatid na mga karagador pala. Mukha silang anak ng mga pamilyang mayayaman na may malalaking negosyo na naninirahan sa probinsiyang ito. Kung tutuusin ay hindi nalalayo ang mga porma ng mga ito ngayon sa mga kalalakihan na nandoon sa siyudad na ka-edaran lang din nila. Bigla ay napasimangot ako nang bumalik sa alaala ko ang pagiging mga kargador nila. Nakakaturn-off kasi. Sayang!

Nanatili parin walang imik ang apat sa kabila nang paghingi ng paumanhin ng lalaki sa kung anong nagawa nito. Naka-ngisi lang sila habang nakatayo doon na animo'y kanila ang lupang kinatatayuan.

"P-pwedi n-na ba akong u-umalis?" tanong ng lalaki sa apat. Nakatuon ang tingin niya sa isa sa mga kaharap, ang lalaking may tayung-tayo na buhok. Kalaunan ay binawi naman niya kaagad dahil napayuko ulit siya. At base sa pagkautal-utal nito ay halatang kabado ito sa maaring maging tugon ng mga ito sa kanya. Bakit naman kaya?

"Hindi." Ang naging diretsong sagot ng lalaking super saiyan. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang pagkakasalubong ng dalawang kilay nito. Nakatuon ang mga titig niya sa lalaking mukhang kanina pang kinakawawa ng grupo nito. Kinakawawa nga ba?

"K-kailangan ko na kasi----" ang pagpro-protesta sana ng lalaki ay hindi natapos dahil sa bigla nalang lumapit sa kanya ang lalaking super saiyan. At sa mga oras na iyon ay takot na ang nakikita ko sa itsura nito.

"Kapag sinabi kong hindi pa pwedi, hindi pa pwedi. Naiintindihan mo?" pagkalapit ay iyon kaagad ang sinabi ng lalaking saiyan sa lalaki. At doon ay nakumpirma ko ng kinakawawa nga ng grupo nila ang lalaking kanina pa na nasa harapan nila.

Bullies pala ang mga kargardor na 'to!

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon