Kabanata 28

237 18 12
                                    

Lukot ang mukha ko habang pinagmamasdan si Popoy na abala na sa pagkuha ng paper plate at stick. Pagkatapos ko kasing sabihin na magdate kami ay bigla na lang siya naglakad patungo sa pwesto ng nagtitinda ng kwek-kwek. Sinundan ko siya roon habang nakataas ang kilay. Tinignan ko ang lalaking nagmamanman sa amin at nang madatnan na nakayuko ito't abala sa kakapindot ng kanyang cellphone ay muli akong bumaling kay Popoy.

"Hoy! Ano nang ginagawa mo?" bulong ko sa kanya. Saglit na natigilan ito sa ginagawa. Lumipat ang atensyon nito sa akin. Kasabay niyon ay pagsilay ng pagtataka sa kanyang mukha.

"Magde-date diba?" Napangiwi ako. Nakakaloka! Ang kuripot naman pala nito! Pakakainin ka lang ng kwek-kwek sa date n'yo. Dumako ang tingin ko sa kwek-kwek na kakahain lang mula sa kumukulong mantika. Bigla ay gustong kumawala ng laway sa bibig ko. Akmang kukuha na ako ng lalagyanan nang pigilan ako ng kasama.

"Hep!" dumapo ang kamay nito sa kamay kong gagamitin ko sana sa pagkuha ng paperplate.

"Bakit?"

"Share na lang tayo rito." itinaas niya ang hawak sa isa pang kamay. Napatikwas ang kilay ko. Kuripot nga ang isang 'to! Feeling siguro nito mamumulubi na siya kung ililibre niya ako ng kwek-kwek.

"O!" Ang kaninang buong itlog na nakabalot sa harinang kulay kahel ay nahati na. Kalahati niyon ay nakatusok na stick at nasa ere na dahil inilapit na iyon ni Popoy sa akin.

"Say 'ah', baby boo..."

"Nge?" Hindi ko mapigilang mapangiwi muli sa ginagawa ng kasamang abnormal. Bahagyang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ako naman ay patuloy sa pagngiwi.

"Sweet, remember?" bulong nito. Napasimangot ako. Nagsisisi na ako kung bakit pa ako pumayag sa pagpapanggap na ito. Wala na tuloy akong choice ngayon kundi sumakay sa plastikang pakikipaglandian kay Popoy.

"Ang sweet-sweet talaga ng baby boo ko!"

Shet! Gusto ko nang matapos 'to!

Nailipat ko ang atensyon nang ang kaninang lalaking nakatanaw upang manmanan kami ay nasa aming pwesto na rin. Napatingin siya sa akin na ikinabigla ko naman.

"Ka-kain po tayo?" alok ko nang wala sa oras. Pasimple ko ring kinurot si Popoy sa braso nito. Mukhang hindi kasi niya napansin ang lalaki dahil abala ito sa pagkain.

"Aray!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Sa pamamagitan din niyon ay tinuturo ko ang lalaki. Pero ang mokong ay bumalik lang sa pagkain ng kwek-kwek na tila iyon lang importante sa mga oras na iyon at wala ng iba.

"Sige, o-okay lang." pagtanggi naman nito. Bumaling naman kaagad ito sa Aleng tindera ng kwek-kwek.

"Hoy!" minuwestrahan ko siyang lumapit pa sa akin na pinapasalamat ko naman dahil ginawa naman niya. Ngunit pinagsisihan ko rin naman sa huli dahil ganoon na lamang ang pagka-ilang ko nang mapagtanto kong sobrang lapit na namin sa isa't isa. Halos wala ng natirang espasyo sa aming pagitan.

"Na-nand'yan siya sa ta-tabi ko." sabi ko sa napakahinang boses.

"Ha?" patuloy pa rin siya sa pagkain. Kuripot na nga bingi pa 'tong Popoy na 'to! Bwesit! Bumalik ang tingin ko sa lalaking nagmamanman. Naabutan ko siyang nakatingin rin sa aming gawi habang hawak na nito ang kwek-kwek na nasa paperplate. Napatikwas ang kilay ko. Maasar nga 'to!

"Bakit po? Gusto n'yo pa ho bang magpasubo sa baby boo ko?" Natatawang umiling ang lalaki at pagkatapos ay umalis dala ang biniling pagkain. Si Popoy naman ay nabilaukan kaya napabili ng softdrinks atsaka ininom iyon. Gusto kong humagalpak nang tawa.

"O? Problema mo? ba't ganyan ka makatingin?" Wala na kasi sa pagkain ang atensyon nito. Tinitignan niya ako habang magkasalubong ang dalawang kilay para bang hinihintay ang eksplenasyon ko kung bakit ganoon ang sinabi ko.

"Inasar ko si koya nang sa ganoon ay lubayan na tayo. Eh mukhang effective naman. Kitams! wala na siya."

"Damn..." umiling na lamang siya. Naubos niya ang kwek-kwek. Hindi man lang naisip nitong tirhan ako kahit konti man lang. Mukhang wala na rin siyang planong bumili pa muli para sa akin. Ang siste ay siya lang nabusog sa kunwaring date na ito! Nagbabayad na siya nang may mapansin ako sa mukha niya.

"Oy, may dumi."

"Ha?" Barado na siguro tenga nito. Kanina pang bingi 'eh!

"Dito o! may dumi ka dito!" itinuro ko ang gilid ng labi ko. Doon kasi nakatambay ang bakas ng kinain niya.

"Ako na nga." Inabot ko ang dumi sa kanyang mukha. Akmang tatanggalin ko na iyon ngunit pinigilan ako ng kamay niya. Nagtatakang tumingin ako sa mga mata niya na ikinalunod ko na naman.

Heto na naman tayo...

Di tulad dati ay nagawang kong makaahon agad ngayon. Lumihis ang tingin ko sa ibang direksyon para maiwasan ang mga mata niyang tila may kung ano man. Doon ay napansin kong nasa amin ang atensyon ng ibang kapwa estudyante. Hawak pa rin ni Popoy ang isa kong kamay. Ramdam kong uminit ang magkabilang pisngi ko.

"B-bitaw o-oy! Pinagtitiginan na tayo." sita ko.

"So what?" turan naman nito.

So what! so what ka d'yan! Ako kaya ang kawawa kapag sumabog ang mga butchi ng mga fangirls niyo ng mga tropa mo! Sa halip na makipagsagutan ay pinili ko na lang ang manahimik.

Patuloy pa rin sa pag-init ang pisngi ko lalo na at hindi pa rin tumigitigil sa paninitig si Popoy. Minabuti ko na lang na yumuko nang sa ganoon ay hindi niya iyon mapansin.  

"Namumula ka, mukhang..." Pilyong ngumiti ito na tila nangangasar.

Huli na rin pala dahil napansin na iyon ng abnormal!

"Hoy, hi-hindi a! "

"Defensive ah..."

"'Wag ka ngang feeling! Bahala ka na nga d'yang abnormal ka!"

Sa inis ko ay nilayasan ko na siya. Nauna na akong maglakad papasok sa loob ng gate. Pilit pa akong pinipigilan ng abnormal sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan ko. Mas lalo tuloy namin naagaw ang atensyon ng karamihan sa estudyanteng nandoon.

"Pikon si baby boo, huh?" Nang maabutan niya ako ay pinagpatuloy niya ang pangangasar sa akin.

"Tumigil ka na nga!" singhal ko.

"K!" Itinaas pa niya ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko.

"L,M,N,O,P, CHE!"

Pagkatapos niyon ay madrama ko siyang nilayasan ulit.

Bwesit! Nahawa na yata ako sa pagka-abnormal ng tropa nila!

The Promdi Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon