ONE

1.6K 27 0
                                    

Chapter One:


"Sapphire Del Valle! Gumising ka na diyan at pagbuksan mo ako ng pinto kung ayaw mong basagin ko 'to pati na 'yang mukha mo!" sigaw ng isang boses sa labas.

Malalakas na katok ang bumasag sa pinto dahilan para mapamulat ang aking maririkit... magaganda... kaakit-akit...at mapupungay na mga mata.

Umagang-umaga sinisira talaga ni Aling Betty ang aking mahimbing na tulog. Muntikan na akong gahasain sa panaginip ko pero hindi natuloy dahil sa kaniya. Bwisit siya!

Sayang, gwapo pa naman 'yon! Ugh!

"Aling Betty, mamaya lang! Mag-s-stretching pa ako. Wait ka lang diyan, okay?" sigaw ko pabalik.

Napatakip ako ng mata sa pamamagitan ng aking braso nang tumama ang sinag ng araw na nanggagaling sa butas ng bubong. Pagtiya-tiyagaan ko lang talaga ang apartment ni Aling Betty, a. Jusko, kapag ako ginigil niya masampal ko siya!

Napamura siya sa labas. "Hoy, Sapphire! Kung ayaw mong buksan ang pintong 'to, mas mabuti nang maghanap ka ng ibang apartment! Aba, magdadalawang buwan na wala ka yatang balak magbayad!"

Bumangon ako at agad na binuksan ang pinto. Ayan, naniningil na naman ang bruha! God, she's getting into my nerves!

Oh, English 'yan, girl.

"What's wrong?" maarte kong tanong with matching flip hair. Bumagsak ang tingin ko sa kaniya.

Napameywang siya sa harap at tila bihis na bihis siya na tipong may importanteng lalakarin. Nagmukha tuloy siyang suman sa suot niya ngayon. Ang kakapal ng mukha ay este make-up pala. Akala niya siguro matatakpan ng make-up ang pangit niyang mukha. No way in my libag!

Mataba si Aling Betty—sa mukha, sa katawan, sa braso, sa hita at lahat-lahat na. Mukha tuloy siyang golem.

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. "Bayad mo?" mataray niyang turan.

Napaungol ako. "Aling Betty naman. Hindi ba sinabi ko sayo na bukas na ako magbabayad! Bakit ba ang kulit mo?!"

"Aba, kung hindi ka magbabayad bukas, maaari ka nang umalis dito! Naintindihan mo ba?" Napataas ang manipis niyang kilay na inahit ko kahapon.

"Bakit ba kasi ang mahal mahal ng upa niyo Aling Betty? Hindi ko ma-afford. Hindi naman kagandahan itong apartment niyo. Buti naman kung may free wifi kaso madamot ka naman sa password! May gana ka pa talagang maningil?!"

Napa-krus siya ng braso at mataman niya akong tiningnan sa mata. "Anong mahal? May 50% discount pa nga akong binigay sa 'yo, hindi mo pa rin ma-afford? Don't me! Wala ng mura ngayon kung alam mo lang!"

"Motherfucker! Punyemas! Punyeta! Tang-ina ka Aling Betty! Tandaan mo 'yan!" sigaw ko sa kaniya.

Napaawang ang ibig niya na tila hindi makapaniwala sa naging turan ko. Nanlalaki ang bilugan niyang mga mata sa gulat at napahawak pa siya sa dibdib niya na feeling mahihimatay. Anong drama ni Aling Betty ngayon?

"Minumura mo ako?!" aniya.

"Sabi ko sa 'yo Aling Betty, e. Madami pang mura sa mundo. Ngayon mo lang alam? Ikaw talaga." Sabi ko sabay pabirong humampas sa braso niya at humalakhak.

Napalakas yata ang hampas ko kaya napasubsob ang pangit niyang mukha sa sahig. Agad akong on the rescue kaya tinulungan ko siya. Inalalayan ko siyang tumayo kaso madulas ang kamay niya dahil sa pinahid niyang baby oil kaya napabagsak siyang muli.

Napasinghap ako. "Aling Betty naman. Mahal na mahal mo yata ang sahig! Bumangon ka na nga diyan! Nakakainis ka na, a. Pinagloloko mo na ako!" pagtatampo ko.

Marrying Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon