ELEVEN

169 3 0
                                    

Chapter Eleven

Tinipa ko ang passcode ng room pagkaapak ko sa 30th floor. Ano kaya ang hitsura ng boss namin? Siguro kulubot na ang makapal niyang mukha o kaya naman panot siya. Baka naman isa siyang matandang manyak. Aba bahala na, makikimanyak na lang din ako sa kaniya.

Binuksan ko ang pinto habang bibit ang bag na naglalaman ng pagkain sa kaliwang braso ko. Bumungad sa 'kin ang sala at pansin kong wala masyadong laman sa loob. Marahil ayaw niya ng maraming gamit dahil sagabal lang ang mga ito sa kaniya. Sayang, nanakawan ko pa man din siya.

Tumungo ako sa kusina at gano'n din ang nadatnan ko. Walang masyadong gamit. Binuksan ko ang bag at nilapag lahat ng mga pagkain sa lamesa na yari sa salamin. Oo nga pala, nasaan naman ang matandang 'yon at hindi ko nakita kanina. Gosh, gaga talaga is me! Nasa kwarto niya siguro.

Umakyat ako ng hagdan at pumunta sa taas. Malawak ang penthouse niya at maaliwalas sa mata dahil wala ngang masyadong gamit! Ano ba! Paulit-ulit?!

Binuksan ko ang pinto dahil hindi uso sa 'kin kumatok. Taas-noo kong ginala ng aking paningin ang loob ng kwarto at iyon nga ang matandang gurang. Nakatalukbong ng kumot habang mahimbing na natutulog.

Tumingin naman ako sa kaliwa at napasinghap na lang ako. Gosh. Meron kasing isang malaking litrato na nakadikit sa pader. Black and white iyon at isang lalaking walang pantaas na damit ang bumulaga sa 'kin.

Magulo ang buhok niya at fierce look ang dating. Pumapanga bes! Ang sarap tuloy kagat-kagatin ang Adam's apple niya! And ohmegesh, six-pack abs pa ang loko! Medyo nakababa ang suot nitong jeans kaya kitang-kita ko ang Calvin Klein niyang brief.

Hindi ko namalayan na napapanganga na lang ako habang pinagmamasdan siya. Sarap hugupin ang sabaw! Sarap dilaan ang umbok niyang abs! Ang sherep sherep nye besh!

Pinunasan ko ang laway na tumulo sa gilid ng bibig ko. Ramdam kong napapalaway rin si pempem sa loob ng panty ko. Hindi po ako maharot, a? Medyo lang!

Kaloka talaga ang matandang gurang na 'to! Daig pa ako sa kalandian! Ke-tanda na, bet ang lalake! Bet din ang bagets! Gosh, bakla pala ang boss namin. Alam kaya ni lola na lalake ang pantasya ng asawa niya? Naawa tuloy ako kay Lola.

Nagbuntong-hininga na lamang ako. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa gilid na kama niya.

"Tanda, gising na," yugyog ko sa kaniya ngunit hindi siya kumibo. Yinugyog ko pa siya pero wala talaga. Sa inis ko ay hinampas ko siya ng Louis Vuitton kong orig! Kawawa naman ang bag ko. Matibay pa rin naman kahit nakakailang hampas na.

Umungol siyang humarap sa 'kin. Nakapikit pa rin naman siya at napatili ako nang hilain na lang ako bigla. Napasubsob ang mukha ko sa matigas niyang dibdib at yinakap ako nang mahigpit. Bumilis ang pintig ng suso ko sa ginawa niya. Yes, kahit flat 'yan. May suso ako, no!

Nakapatong ang dalawa kong kamay sa hubad niyang dibdib para hindi tuluyang dumikit sa mukha ko. Ang matandang 'to! Nilalandi ako! Heto naman ako nagpapalandi rin! Kaloka!

Tumingala ako sa mukha niya at bigla na lang tumigil ang mundo ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko na tila naghahabulang kabayo sa loob. Ni isang kurap hindi ko nagawa habang tulalang nakatingin sa perpektong mukha niya. Mahahabang pilik mata na dinaig pa ang babae, hindi maakyat ang ilong nito dahil sa taas. Mas bumaba ang mata ko sa mapupulang labi niya.

Umungol siya muli at unti-unting dumilat ang mata niya. Bumaba ang tingin niya sa 'kin. Ang brown nitong mata sa tingin ko ang nagpapadagdag sa kagwapuhan niya. Kumurap siya at nagtitigan kami ng ilang segundo.

"Fuck!" sigaw niya sabay tulak sa 'kin ng malakas kaya napabagsak ako sa sahig. Napangiwi akong bumangon at ang sakit ng balakang ko. Punyeta!

"What are you doing here?!" bulyaw niya sa 'kin at tinakpan ang dibdib niya ng kumot.

Marrying Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon