Chapter Thirty-nine:Hindi mapaliwanag ang saya ni Patricia nang umuwi ang kapatid niya. Kaya naisipan naming lumabas ngayon para—sa tingin ko—welcome party ni Hans since nawala siya ng ilang araw. Well, Patricia was really mad at him. She even gave a very lengthy sermon but Hans listened with an half ear not really believing in what she said. Minsan pinanditan ko siya ng mata when I caught him not listening. Nawiwili kasi itong pinagmamasdan ako na hindi ko alam kung bakit. Soon, Patricia ended up forgiving Hans dahil sa paglalambing nito which in return na pinatulan naman niya.
Napabuntong-hininga ako. Patricia was soft-hearted after all. But Hans promised not to do it again—not for her, atleast. And for our status with Patricia, maayos na kami. Mayroon na raw siyang lalaking natitipuan sa office but she didn't tell more about it. What I only know is—he is in our department. It's hard to tell which of them. Wala naman akong kilalang magugustuhan niya roon.
"So, how's your vacation?" pag-iiba ng topic ni Patricia na hindi ko manlang pinaghandaan ang tanong niya. Hiniwa niya ang beaf steak sa plato habang hinihintay ang sagot ko. Ano naman ang sasabihin ko?
Sumimsim muna ako ng tubig bago ako nagsalita. "Ayos lang naman. At saka trabaho naman ang pinuntahan namin doon— hindi bakasyon."
I realized that I sounded more defensive.
"Hindi naman puro trabaho, 'di ba? Since nandoon na lang din naman kayo, why not enjoy while working?" she reasoned out.
Nakahinga ako nang maluwag. Thankfully, she didn't take my statement seriously.
Wala na sa kaniya si Clever at kahit magkasama kami ay wala na iyon kaso sa kaniya unlike before. Hindi na siya nagseselos dahil marahil ay naka-move on na siya o kaya naman napagtanto niya na wala na talaga siyang pag-asa kay Clever. Clever treated her like his sister dahil na rin siguro na magkakabata sila.
"We enjoyed, of course," sabi ko na lang at tinuon ang sarili sa pagkain. I want to end the conversation because I feel so uncomfortable. Lalo na kapag kinakain na ako ng konsensiya ko. Maraming nangyari sa ilang araw na naroon kami kaya ayaw kong mahalungkat pa iyon.
Patricia didn't know about my affair with Clever and Hans didn't have an idea what's going on on his surroundings. Na siya ay pinagtataksilan na pala ng kaibigan niya. Na siya ay wala na pala sa puso ng taong mahal niya.
Hindi ko alam kung totoong pagmamahal ba ang naramdaman ko sa kaniya noon o isa lang itong paghanga. I know that it was the latter.
"Hindi ka mabubusog kung titigan mo lang iyang pagkain mo."
Napaangat ako ng tingin kay Hans at abala ito sa pagnguya ng pagkain. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na tila na-murder ang beef steak sa plato ko.
"Hindi ba masarap? Ipag-oorder kita ng iba," ani Patricia kaya umiling ako sa kaniya.
"It's delicious," I said to her smilingly.
"How did you know it's delicious? Hindi mo pa nga natitikman."
Napakurap ako sa sinabi ni Hans. Hindi ito nakatingin sa akin at seryoso lang itong kumakain. Napansin ko na kanina niya pa ako binabara at parang ang lalim din ng iniisip. Ano naman bang problema ng lalaking 'to?
"Hindi mo lang siguro napansin, Kuya," si Patricia ang nagsalita.
"Right. I am eating. Hindi mo lang siguro napansin." Tumusok ako ng beaf steak at nginuya iyon. "See?" I told him, sarcastically.
Dinaig niya pa ang babae kung umikot ang mata niya.
"Hindi ganiyan ang kumain," kumuha pa siya ng ibang ulam at itinutok ang kutsara sa bibig ko, "say, ahhh," utos niya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Perfectionist
RomanceClever Eisen Odell is a multi-billionaire magnate with a fetish for perfection, the CEO of the well-known Golden Corporation. He was known as Mr. Perfectionist. He had a cold personality. Siya 'yong tipong pinaglihi ng kaniyang ina ng sama ng loob...