TWENTY-SIX

146 3 0
                                    

Chapter Twenty-six

Ang kapal lang talaga ng mukha ng unggoy na 'yon! Ako pa talaga ang magluluto para sa almusal niya? Grabe! Noon ginawa akong janitress tapos ngayon, kasambahay naman?!

Napaangat ako na tingin nang pumasok siya sa kusina. Nanghinayang ako nang may suot na ito. Sayang, gusto ko pa naman makita ang utong niyang brown.

"Oh, nandiyan ka na pala. Tama ang dating mo. Katatapos ko lang nagluto," nakangiting bungad ko sa kaniya. Nilapag ko ang plato sa mesa bago hinila ang upuan para makaupo siya. Kung hindi lang ako natalo sa bet namin, hindi ko ito gagawin. Gawd, hindi talaga bagay sa angkin kong kagandahan.

Sana pala tinaya ko ang buhay ni Patricia sa bet. Sayang talaga. Wala rin naman kwenta ang life niya. Pasakit lang din naman siya sa buhay ko.

Napakunot ako ng noo nang hindi pa ito umuupo.

"Cup noodles?" He raised me a brow.

"Why? Are you expecting something delicious?" I threw a small chuckles. "Sorry ka na lang. That won't happen. Magpasalamat ka na lang dahil pinagluto pa kita. Okay?"

"I'm eating this piece of trash?" I said in disappointment kaya napawi ang ngiti ko. "Wala na bang mas masarap pa rito?"

"Ang dami mong reklamo. Sabihin mo 'yan kung madaming laman ang fridge mo. Ano bang gusto mong luto? I-adobo ang noodles para maiba naman? Gawin natin salad gano'n? Tapos iprito ko pa with sawsawan ng laway ni pempem para yummy? Kaloka ka," nakapamaywang kong turan. Ang dami niyang reklamo. E kung sa gusto niya, pwede naman si pempem, a!

Bahagya siyang tumango na tila naintindihan ang gusto kong ipahiwatig. Ayaw ko talaga ang ideya na maging alipin niya. Hindi talaga bagay. Mas mukha siyang timawa!

"Follow me," utos niya at saka ito tumalikod sa akin. Napairap na lang ako sa hangin. And where the hell we're going?! Hindi porke alipin ako, sunud-sunuran na ako sa kaniya!

"Saan naman tayo pupunta?" I trailed his back. "Tanungin mo muna ako kung gusto kong sumama, ano! Hindi 'yong ganiyan na hindi ko alam kung saan!"

Hindi niya ako sinagot kaya sinundan ko na lang siya. Kinuha niya ang jacket niya na nakapatong sa sofa. Isinuot niya muna ito bago siya humarap sa akin. "Sa grocery store. May problema?"

"And what are we doing there?" I blurted.

"Tanga ka ba? Malamang bibili. Pwede minsan, gamitin mo rin 'yang utak mo? Nakakabobo ka, e."

Binuksan niya ang pinto kaya sinundan ko siya. Nako, kung hindi lang talaga bawal ang pumatay pinaglamayan ko na 'to! Nakakagigil siya! Akala ko kung sino!

"Goodmorning, sir," bati nang mga hampaslupang empleyado na nakakasalubong namin. He also nodded in reply. Kaya ayun, todo kilig ang mga haliparot. May kalandian din silang taglay. Kaloka!

Bumuntong-hininga na lamang ako habang pinagmasdan ang likod ng boss namin. He walked with grace habang nakasilid ang kamay nito sa bulsa niya. He really looked stunning. No wonder kung bakit maraming nakakandarapa sa kaniya. Pwera ako, ah? Loyal baby Hans here. Never ko siyang ipagpalit. Never!

Lumiko pa kami sa pasilyo at halos tumili ang mga lamang-dagat nang makita siya. Nakakairita sila! Mga papansin!

Tumigil naman sila nang masilayan ang angkin kong kagandahan. Hinawi ko naman ang buhok ko kasi maganda ako. They eyed me with jelousy at wala na akong pakialam do'n.

Marrying Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon