Chapter Twenty-Two
Bago umalis ang mukhang baboy ay tumingin muna ito nang masama sa lalake sa tabi ko. Kahit saan namang anggulo, wala siyang binatbat dito. Alam kong gwapo siya na may walong abs na siksik sa laman na masarap dilaan. Omo, ano ba 'tong iniisip ko?
Ramdam kong tumikhim ang lalake at tuluyan nang inagaw ang kamay niya. Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Sa gilid na mata ko ay kita ko pagharap nito sa akin habang nakapamaywang.
Napatawa siya. "Ganiyan na ba kayong mga babae ngayong henerasyon? You lack proper decorum. You should have acted like a real woman. Sa ginagawa mo ngayon, you look a little bit desperate. Don't you agree?"
"And...I'm the man you're dating?!" He laughed sarcastically. "Well, hindi naman kita masisisi dahil may hitsura naman ako. Pero pasensiya na, Miss. Hindi rin ako papatol sa gaya mo."
Napanganga ako sa sinabi niya. What did he just say? Sa dami nang sinabi niya, hindi kinaya ng utak ko.
Fine! Sabihin na nating may dating siya sa akin! But did he need to brag that? My gawd, ang lakas ng hangin. Tangay niya buong sala set!
Umukit ang ngisi sa labi niya. "Madami namang lalake diyan. Landiin mo sila, 'wag lang ako. Tingnan mo kung gaano ka kababa. Tutal, 'yan ang forte mo."
Linapit niya ang mukha niya sa akin. "Fighting," sarkastiko niyang usal.
Kinuyom ko ang kamay ko sa inis. Bago siya makaalis ay nagsalita ako. "Excuse me. I guess you're mistaken. Hindi porke hinila kita ibig sabihin gusto na kita. Desperate? Please, don't get the wrong idea. I'm just using you para umalis ang matabang 'yon. Note, Ginamit. Lang. Kita," pandiinan ko.
Humarap siya sa akin at kita ko ang pagbago ng timpla ng mukha niya. Wala akong pakialam kung magsuntukan kami rito. Bring it on! Kahit wala man akong fighting skills, I have a fighting spirit at the very least!
Napamulsa siya. Matikas ang tindig nito at alam kong hindi siya ordinaryong tao lamang. His voice sounds familiar at idagdag mo pa ang mukha nito na parang nakita ko na siya somewhere else. Gusto ko tuloy tanggalin ang maskara niya.
"Let's say you used me to get rid of that guy. On the other side of the coin, you also took that chance para magpapansin ka sa akin. Miss, it's too obvious. I met several girls already, that's why. Sa tingin mo hindi ko napansin ang pagliwanag ng mukha mo nang makita mo ako? You even smiled like crazy habang napapanganga ka sa akin. Based to what I observed, crush mo ako. It's written all over your face! Aminin mo na lang."
Dinuro ko siya. "Hoy! Ang kapal naman ng apog mo. Crush? Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo? Kahit konti, hindi kita gusto. Are you full of yourself?! Ginamit lang kita! You know, I'm good in using people!"
"Wait. Are you..." he looked at me suspiciously, "...delaying my time by any chance? Wow, tingnan mo nga naman. Masaya ka na ba at pinaglaan kita ng oras? You must be grateful, aren't you?"
My jaw dropped open...literally. Saan niya naman nakuha ang kakapalan ng mukha niya? Why do I even entertain this guy? Nakakainis!
Dapat ngayon ay masaya na akong makipag-party-party sa dance floor, e! This is not what I wanted! This jerk is just trying to piss me. As much as I wanted to calm my system, they won't! Nagtitimpi lang ako. Kulang na lang, masampolan ko na talaga siya!
I heaved a deep breath before looking him in annoyance. "I have to much of your talks. Nag-iisip ka ba o sadyang tanga ka lang? You're out of my league. Isa kang arogante, makapal ang mukha, hambog at—"
"Gwapo," he butted in.
"What?" Umirap ako sa hangin habang pinapaypayan ang sarili ko bago matalim na tumingin sa kaniya. "Not in the slightest!" singhal ko.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Perfectionist
RomanceClever Eisen Odell is a multi-billionaire magnate with a fetish for perfection, the CEO of the well-known Golden Corporation. He was known as Mr. Perfectionist. He had a cold personality. Siya 'yong tipong pinaglihi ng kaniyang ina ng sama ng loob...