TWENTY-NINE

126 5 0
                                    

Chapter Twenty-nine


Nakarating ako sa office at exactly 8 o'clock in the morning. Syempre, mawawala ba naman ang bago kong Hermes sa braso ko? Naumay na ako sa Louis Vuitton at gusto kong baguhin muna ang fashion ko.

With my chin held high, I heard my footsteps against the floor habang naglalakad ako. I was just wearing my four inches black heels na talaga namang bumagay sa akin.

Sa laging nakasanayan, people stared at me with admiration and jelousy. I ignored them...dahil ang magaganda, hindi namamansin.

Diretso lang ang tingin ko hanggang napunta ako sa mga taong nagkukumpulan sa harap ng karatula. Lumapit ako sa kanila dahil na-curious din ako at malay mo...may relief goods pa lang ipapamahagi! Sayang din, ano!

"Who is she? Ang ganda niya naman," sabi ng isa habang nakatingin siya sa karatula.

"Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan," sagot naman ng kasama niya.

"Excuse me," pasintabi ko sa mga taong nakaharang sa dinaraanan ko. Muntikan ko na ngang ihampas ang bag ko sa pagmumukha nila!

But I realized that this was worth a million kaya 'wag na lang. Kay Patricia pa naman 'to. Baka dumagdag na naman ang galit niya sa akin.

Nang nasa harapan na ako ay  namilog ang magaganda kong mga mata nang masilayan kung sino ang imahe ng nasa tarpaulin.

Ako lang naman. Ito 'yong bagong labas na magazine kung saan ako ang kinuha nilang model para sa new product ng Golden Corporation.

Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa angkin kong kagandahan. Akalain mo 'yon? 'Yong mga butas ko sa mukha ay ginawan ng paraan? Konting contour lang sa cheekbones at—ang taray!

Pinitik ko ang mahaba kong buhok bago umalis. Hindi pa rin matanggal ang malapad na ngiti sa mukha ko. Alam niyo kasi...plano kong sumali sa Asia's Next Top Model, e. Kaso, naaawa ako sa mga kalaban ko kung matatalo lang din naman sila. You know, mabait ako sa mga talunan.

Why not I'll give it a chance? Malay mo, ito na talaga ang true calling ko, di ba? Ang maging modelo.

Walang ibang usapin sa loob ng office kundi ako lang naman. Nagandahan daw sila sa cover ng new magazine at ako naman...tahimik lang. Wala silang kamuwang-muwang na ako 'yon.

Dahil ang magaganda...humble!

Nabalitaan ko rin sa isa kong officemates na best seller daw ang bagong launch nilang jewelry. As of today, nakakaubusan na raw dahil limited lang 'yon. Syempre, hindi naman 'yon mabili kung wala ako as their model, right?

Si boss. Hindi rin siya mahagilap ng mata ko dahil abala siya marahil sa mga customers niya. Nako! Dinala ko pa naman ang isang tarpaulin sa penthouse niya para ipamukha sa kaniya kung gaano ako kaganda! Siya lang naman ang nagsasabing hindi ako pretty, e.

Nag-iisa akong naglalakad sa pasilyo dahil wala naman si Patricia bilang kaibigan ko na samahan ako. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako pinapansin. Hayaan na lang muna siya. I'll give her time to forgive me.

Pumunta ako sa cafeteria dahil tapos ko na rin naman ang mga trabaho ko. Kahit saan talaga ako pumunta, mukha ko lagi ang nakikita ko. Paano ba naman kasi...bawat sulok nilagyan ng tarpaulin. Kulang na lang lagyan ng iboto para sa senador para election ang ganap! Nakakaloka!

On the other side of the coin, I was really happy kasi naka-contribute din ako para sa kompaniya. The launching of our new product was really a great success.

Ang pinagtataka ko lang, wala ni isa ang nagsabing..

Congratulations!

Wow, ikaw ba 'yan? Ang ganda mo naman!

Marrying Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon