Chapter Thirteen
"Ano ba! Bitiwan mo ako! I'm hurting! Let me go!" singhal ko sa kaniya at bigla na lang ako tinapon kung saan. Punyeta siya in the moon and back! Kasalan ko ba kung hindi bumenta ang alahas niya?!
Napangiwi akong hinawakan ang braso ko na muntikan nang nabali ang buto dahil sa higpit nang pagkakahawak niya. Bigla-bigla na lang ako hinatak at dinala sa parteng walang masyadong tao. Oh may gosh! Gagasahin niya ako rito? Now na? Hindi pa naman handa si pempem sumubo ng saba.
Umigting ang bagang niya at saka tumingin sa 'kin. Nag-uusok ang ilong niya dahil sa galit. Napa-crossed arms ako. Well, hindi ko na kasalanan na panget ang babaeng yon.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kanina?! That jewelry is worth a million?! Nasayang lang dahil sa 'yo! Bago ka rito kaya alam mo dapat ilugar ang sarili mo!"
"Ilugar sa mga magaganda? I know right," sabi ko with flip hair. Binigyan ko siya ng pinakamatamis kong ngiti para mas lalo siyang maasar. Kainis kasi ang lalaking 'to. Bayot naman siya!
Tumawa siya. "You're full of yourself. All these years you're still thinking you're pretty? Seriously? Do you even take a single look on the mirror? Try mo kaya Ms. Del Valle para makita mo ang katotohanan! Please?!"
"Makita ang katotohanan na ako ang pinakamaganda sa lahat? O c'mon, hindi pa ako ipinanganak, alam ko na 'yan," proud kong sagot.
Tinaas niya ang dalawang kamay niya at seryosong tumingin sa 'kin. Alam kong naiinis na siya sa 'kin pero ako chill lang.
"Ok fine. You won. Wala akong oras makipaglokohan sa 'yo. Kung 'yan ang alam mo, be it. But I'm warning you, Ms. Del Valle...don't get in my way and mind your own business! This is the last time you make a scene in my company. Don't wait the time I'll be the one to kick you out! Do you understand?"
Inis niyang inayos ang suot niyang coat at saka umalis. Hindi pa siya nakakalayo nang muli siyang lumingon sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil may pahabol yata siyang sasabihin.
"A, bago ko makalimutan. You will be assigned as janitress as for your initial step. I believe there will be no problem with that? Hmm... you're off today and you can start by tomorrow. You may leave now," mabilis niyang wika. Magprotesta pa sana ako nang bigla siyang naglakad muli. Matagal bago maproseso ng kyot kong utak ang sinabi niya. Tama ba ang dinig ko?! Tagalinis ako ng kompaniya niya?
"J—Janitress?!" sigaw ko.
Pumunta ako sa cafeteria at nagpasalamat akong nandoon pa ang plastic kong kaibigan. Hindi ako pumunta rito para maglinis! Kaloka! Ginawa akong timawa?! Hindi ito maaari!
Alam kong gumaganti siya sa akin! Pero mas malala naman itong inabot ko. Hindi ma-imagine ng kyot kong utak na maglinis rito! Inaapi niya ako!
"Anong nangyari sa 'yo, Sapphire? Mukha kang tensed. Something wrong?" tanong ni Patricia bago kumagat ng sandwich.
Napaupo ako sa tapat niya at hinawakan siya sa kamay. "Patricia, alam kong plastic kang babae pero mahal na mahal mo naman ako hindi ba?" pagsusumamo kong turan sa kaniya with matching puppy eyes.
"W—What's wrong with you? You're scaring me."
"Yung pesteng bayot na 'yon ginawa ba naman akong tagalinis daw dito?! Ang mukhang 'to janitress lang?! Hindi ito maaari, Patricia! Kailangan natin gawan ng paraan! Pagtatawan ako ng dalawang lamang dagat na 'yon kapag nagkataon! Matutulungan mo naman ako hindi ba?"
Nanlaki ang mata niya. "What did you say?! 'Di ba sa marketing department tayo na-aasign? Who said that?"
"Boba! Yung may-ari ng kompaniya na 'to! Si Liver! Tanga ka talaga Patricia. Pakilala niya lang kanina, e! Bingi ka ba?!" sigaw ko at inukutan siya ng mata. Pinagtiya-tiyagaan ko lang talaga ang katangahan ni Patricia. Naku, kung hindi ko lang mahal ang Kuya niya, napatay ko na 'to!
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Perfectionist
RomanceClever Eisen Odell is a multi-billionaire magnate with a fetish for perfection, the CEO of the well-known Golden Corporation. He was known as Mr. Perfectionist. He had a cold personality. Siya 'yong tipong pinaglihi ng kaniyang ina ng sama ng loob...