THIRTY-FIVE

138 1 0
                                    


Chapter Thirty-five:


Hindi natuloy ang planong date namin ni Hans. It was supposedly that night but it didn't happen. Kinabukasan kasi ang alis namin kaya kailangan kong ihanda ang lahat ng kailanganin ko. Hans didn't like the idea na sumama ako sa San Agustin but I insisted at mabuti na lang naintindihan niya ang sitwasyon. It was work and nothing else as what I always told him.

Tiningnan ko ang orasan sa side table. It's 7 o'clock sharp in the morning and Clever will fetch me at exactly 7:30. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a pink off-shoulder blouse complimented with above-the-knee white short and sneakers. Nang kontento na ako sa hitsura ko, hinila ko na ang maleta ko as I hanged my little backpack at my back.

I shrieked when someone hugged me from behind nang nakababa na ako. "I'll be missing you," he said breathily, causing my hair to stand up to my nape. He dug his face under my neck as he held me tighter. Ramdam ko ang mainit niyang yakap habang hinehele ako.

"Call me if something's wrong. I'll be there," aniya.

"Don't worry. Hindi naman ako magtatagal doon. I'll be back after five days."

"That's too long," he grunted.

I let out a laugh. "Grabe ka naman? Hi ndi pa nga ako umaalis, miss mo na agad ako? Hayaan mo, tatawagan kita araw-araw."

Napatigil ang pag-uusap namin nang may bumusina sa labas. Si Clever na siguro iyon. Kumawala rin siya sa pagkakayakap saka nito kinuha ang maleta ko. I was surprised when he enveloped her right hand to mine before we walked outside the house.

Nadatnan namin si Clever na nakakrus ang braso habang nakasandal sa sasakyan niya. Ripped jeans, cardigan with white V-neck shirt underneath and a dark shades were nice to him. Ngayon lang ba ako humanga sa kaniya? Or I do this everytime? Nonetheless, maayos ang hitsura niya ngayon. He looked like a Korean actor I'd always drooling off. Maliban na lang sa mukha niyang laging naka-poker face.

"Good morning, dude." Hans greeted him and Clever just nodded his head as his response.

He, then, turned his eyes on me. "Mag-iingat kayo sa byahe. Don't forget to call me anytime. Okay?" Hans smiled before giving me a gentle kiss on the cheek. It was sudden so I lost in a daze—embarassed, knowing that Clever was in front of us.

Nilagay niya ang maleta ko sa compartment ng sasakyan. Clever gave me an annoying grin bago niya sinundan si Hans sa likod para ayusin ang gamit ko. Nag-usap sila. Hindi na ako nakialam pa kung ano iyon. Maybe, Hans just wanted me to be safe with him. Just few reminders siguro.

Kung wala lang sigurong business meeting si Hans this week ay marahil sasama siya. Actually, he tempted to move the date but it didn't fit to his schedule. Wala rin siyang nagawa. Susunod na lang daw siya kung matapos na lahat ang mga meeting niya.

Sana matapos na agad so he could come. I don't want to be with Clever, honestly. I hate him in many levels. He's hard to handle and he always insists kung ano ang mga sinasabi niya without even consulting me if I agree or not. 

I just hope he won't do anything stupid. Balita ko nga under renovation ang resort nila kaya kailangan siya roon para bantayan sila. I just don't get the logic why I should be there. Talaga bang kailangan ako roon? I don't have a skill in achitecture nor landscaping so why?

"Ready?" Clever asked me. Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala sila.

"I'll text you as soon as we're there." I said smilingly to Hans before giving him a gentle hug.

Marrying Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon