SIXTEEN

141 4 0
                                    

Chapter Sixteen

Hindi pa rin ako maka-get-over sa nangyari kahapon. Ginawa ko naman ang lahat-lahat! Pesteng stage na 'yon, sinira ang rampa ko!

Nagulat ang lahat sa paglaglag ko at mabuti na lang on the rescue ang mga staff. At dahil professional akong model, the show must go on! Tuloy pa rin ang laban! Pak! Ganooonn! 'Yong tipong walang laglagang naganap!

Bring it on!

Kumaway akong wagas kahapon sabay pakita ang aking signature pose. 'Yong bending backward, split forward with matching tumbling! Kaya ayun, tulala sila at laglag panga ang mga photographer.

Todo palakpak naman si Lola at natutuwa sa aking ginagawa. Buti pa siya, supportive. Pagkatapos no'n ay nagpahinga muna ako habang pinapakita sa 'kin ng photographer ang kinuha nilang litrato. Wala akong natipuan dahil lahat pangit.

Hindi sila marunong tumingin ng tamang angle. Kaloka! Sinabotahe ang ganda ko! Mga hayop sila!

"I didn't see you in the whole day yesterday. Where did you go?" usisa sa 'kin ni Patricia habang nagmamaneho siya ng sasakyan niya. Plastic talaga ang babaeng 'to. Kailan pa naging concern 'to sa 'kin? Bukod sa mang-aagaw siya ng boyfriend, likas din sa kaniya ang makati!

Ayaw ko nang isipin ang pagtataksil niya sa akin. Kumukulo ang mens ko!

Lumingon ako sandali sa kaniya. "Ah.. wala lang. Diyan lang sa tabi-tabi. Nag-modelling lang naman ako. Alam na, bumebenta kasi ang magandang mukhang 'to," pagmamayabang ko sabay turo sa pretty face ko.

"Huh? Is this one of your jokes? You do modelling? Kailan pa?" lingon niya sa 'kin bago binaling muli ang tingin sa daan.

"My gosh, Patricia. Kung hindi mo naitatanong, susasali ako ng beauty pageant sa barangay namin at saka no'ng high school ako. Ano ba namang magagawa ko? Kahit nais kong maging class President sa klase namin, napupunta ako sa Muse, kaya ayun nasasabak ako sa mga paligsahan sa pagandahan."

"Baka naman pinagti-trip-an ka lang? Lemme guess, you never won right? Kahit namin sa semis I'm sure hindi rin," natatawa niyang sambit.

Pinandilatan ko siya ng mata. Bakit alam ng babaeng 'to? Did she do background checking?

"Ha—Ha—Ha. You're funny. Syempre, luto na ang result! Hindi mo naman maiwasan na gano'n. At top of that, give chance to others, ika nga. Kung alam lang na na-out of place ako lagi kapag sumasali ako. Imagine, ako lang ang saksakan ng ganda?" taas-noo kong giit.

"Yes. Yes. Yes. Ikaw na. Did I ever win to you? Kahit ano naman ang sasabihin ko, talo pa rin ako sa 'yo," ngiti niya, "By the way, did Hans call you last night?"

Speaking of him. "Yes, tinawagan niya ako kagabi. Miss niya na raw si ako. Plano ko pa sanang lumiban ngayon, e... kaso kontrabida ka sa life ko."

Tumawa siya bago siya nagsalita "Miss ka niya? That's nonsense. You don't need to fetch him. Meron ngayon ang CEO. You don't know you did too much trouble. Pull yourself together and just focus to your work."

Pinarada niya ang sasakyan sa parking lot at sabay na tumungo sa main lobby. Guess what, hindi na ako naka-evening gown attire. Business suit ako ngayong umaga. Tapos na kasi ang araw ng pagiging reyna ko at heto ako ngayon, harapin ang kalbaryo ng buhay ko. Back to timawa. Kainis.

"Patricia, akala ko ba magmamakaawa kang ibalik muli ako sa department niyo? Anyare? Natutuwa ka bang tagalinis ako rito?" taas-kilay kong tanong sa kaniya.

"I didn't have the chance before kasi abala siya papuntang Korea for business purposes. No worries, I'll talk to him. Or maybe I'll talk to Kuya since magkakilala naman sila," lingon niya akin habang naglalakad kami sa pasilyo.

Marrying Mr. PerfectionistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon