12 : Kalayaan

44.6K 1K 20
                                    


Kalayaan

Tahimik ang buong mesa ng makaupo na kami. Halos kumpleto ang pamilya ngayon. My family and his family. This is just one of the family dinner that I really hate the most and worst case scenarios, sa bahay pa talaga ng mga Aldamante naganap ang family dinner.

" What's with the family dinner dad? Are you finally letting me marry my girlfriend?" Halos mapalaki na ang aking mata dahil sa naging tanong ni Raven. Gago talaga 'tong lalaking 'to. Mukhang tinotopak na naman at nakalimutan niya atang andito lang ako sa tabi niya. Kung makapagsalita ng diretso sa ama niya.

" It's actually the other way around son. I called for a family dinner to call off the engagement. I formally withdrew our partnership with the Torez group of companies. Me and Mr. Torez had decided on the terms. Instead of partnering with the Torez's group of companies, I've decided to have my partnership with the Torrealba's. Son, you're marrying the first daughter of the Torrealba's" Hindi ko lubos mabasa kung ano man ang tumatakbo sa isip ni Raven ng marinig naming pareho ang sinabi ng ama niya. Alam kong nag-usap na sila ng ama ko tungkol dito. At alam ko rin na may malalim na dahilan kung bakit basta nalang pumayag ang ama ko sa kagustuhan ng ama ni Raven. Ramdam ko rin ang hindi pagsang-ayon ni Raven sa sinabi ng kanyang ama. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya bago tuluyang nagsalita.

" Ang dali niyong sabihin iyan papa. Ako ang nagpapatakbo ng kumpanya. Alam ko kung kailan ito pumapalya at kung kailan ito umaasenso. At hindi ko alam kung bakit niyo kailangang putulin ang engagement namin ng kasintahan ko kung wala naman akong nakikitang dahilan. My company is running well. Our stocks elevated at 5% this month. I just closed a deal with two investors. All in all the company is doing great. Kaya huwag niyo akong bigyan ng dahilan para tapusin ang anumang namamagitan sa amin ng girlfriend dahil hindi ko gagawin ang gusto niyong mangyari because I'm not marrying any woman aside from my girlfriend" Diretsong sagot ni Raven sa kanyang ama habang tahimik lamang na nakikinig sa usapan nila ang aking ama.

" The conversation is done. The decision has been finally made. You cannot do anything about it anymore, Son. If I were you, you better stop seeing Miss Torez and start dating the first daughter of the Torrealba's" Saad muli ng kanyang ama. Ngunit halata kong walang pakialam si Raven sa mga pinagsasasabi ng kanyang ama. Imbes na magsalita siya, hinayaan niya lamang ang kanyang ama.

I thank the gods for atleast letting me finish my food before Raven finally decided for us to go home. Malimit ang mga salita ko ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Dahil aminin man namin o hindi, pareho kaming nagulat sa naging desisyon ng ama niya. Even my dad stayed silent with regards to that matter. Ni hindi manlang siya nagsalita. Ngunit alam kong may dahilan sila. They won't just decide such thing if it wasn't that important.

I looked at my wrist watch. Maaga pa naman. Alas nuwebe palang ng gabi ng matapos ang dinner namin.

Alam ko rin na hindi siya okay. Base palang sa mga galaw niya, alam na alam ko ng hindi siya okay.

" Boss" Tawag ko sa kanya upang basagin ang nakakabinging katahimikan. Ngunit hindi niya ako kinikibo.

" Boss, gusto mo bang magkape muna tayo" Aya ko sa kanya. Wala na kase akong maisip na ibang paraan upang makausap siya ng maayos.

Ngunit hindi niya parin ako kinibo.

" Kung ayaw mo okay lang din" Saad ko muli. 'Tong lalaking 'to, parang bata talaga kung magtampo. Kung siguro ibang tao ang kasama niya ngayon, hindi ganito 'to umasta. Kilala ko ang lalaking 'to. Pati mga galawan niya, alam na alam ko.

Ilang sandali pa ng makarating kami sa parking lot ng condo unit niya. Nanatili akong tahimik dahil sa kagustuhan kong hayaan na muna siya ngayon. Alam ko naman kaseng mahirap ang naging sitwasyon niya mula kanino. Sino ba naman ang hindi magugulat kung biglaan nilang sasabihin sa 'yo na ipapakasal ka sa babaeng hindi mo manlang kilala.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon