21 : Kagaguhan

37.2K 848 38
                                    


Kagaguhan

Paggising ko sa umaga, pabango agad ng Aldamanteg iyun ang tanging naamoy ko.

It has been exactly 151 days since he lost his memory.

At hanggang ngayon, hindi niya parin ako maalala. Until now, ang tanging naalala ng kanyang puso ay si Denise.

He was casually fixing his neck tie when I came out of the room, hanggang ngayon hindi niya parin magawa gawang ayusin ang kanyang kurbata.

" Amin na nga, Aldamante. I'll do it bacause you cannot do it" Maarte kong wika sa kanya. Lumapit siya sa akin bago niya nilahad ang kanyang kurbatang hindi niya nalagay.

Ewan ko ba. Ang drama ko ngayong araw na 'to. I was just thinking, ang sakit palang isiping ibang babae ang gumagawa nito sa kanya. Kahit sa mga ganitong simpleng bagay na karaniwan kong ginagawa, kung iisipin ko palang na gagawin ng iba, hindi ko na lubos maisip. I cannot think of the fact that another woman is doing what I am entitled of.

" Huwag mong hahayaang may ibang gagawa nito ha Aldamante. Kahit ito manlang, ako lang dapat" Wika ko pa sa kanya. Feeling ko na naman tuloy, malapit na naman akong datnan dahil nagiging OA at maarte na naman ako ngayon.

Hindi ko namamalayang pinupunasan na pala ng Aldamanteng 'to ang mga luhang lumalabas mula sa aking mga mata.

" Don't cry, Jord please." He suddenly hugged me the moment I broke down in tears in front of him.

" I'm sorry. Hindi ko na kase kayang itago Raven. Ang hirap pala. Sobrang hirap pala, Boss." If only I can mandate his thought and let him remember me.

If only I could just turn back time.

" I'm sorry, Jordan" Bulong niya sa akin.

Bakit ganon Raven, pati sorry mo ngayon parang wala na ring epekto sa akin. Kahit naman kase nagsosorry na yung tao, wala paring nagbabago, siya parin ang girlfriend, ako ang walang label sa buhay niya.

And this is a fucking bad thing.

" Ayoko na ng sorry mo Aldamante. Masakit na Boss, Masakit na 'tong puso ko" I complained but he just hugged me tight.

" Sabi mo sa akin noon, kahit anong mangyari hindi ako bibitaw. Na kahit anong mangyari, ipaglalaban parin kita. Na kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Pero Boss naman, ikaw naman 'tong nang-iiwan. Bakit naman ganito Boss. Ba't mo ako nagawang ipagpalit agad naman Boss. Ako yun dapat eh. Maarte lang naman ako pero nasasaktan parin naman ako eh. Boss naman eh" Tuloy tuloy ko paring iyak sa kanya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang higpitan ang yakap niya sa akin. Yung tipong yakap na namimiss ko.

There's something in his hug that I feel like home.

" Huwag ka ng umiyak Jord oh. Alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak" Bulong niyansa akin na naging dahilan ng pagngiwi ko.

" Pero pinapaiyak mo ako Raven. Tapos mambabae ka pa sa harap ko. Alam mo namang ayoko nun eh" Wika ko pa sa kanya na naging dahilan ng biglaang pagbuhat niya sa akin at ipaupo sa may couch.

" Anong akala mo, hindi mo ako madadaan sa mga pabuhat buhat mo Aldamante. Iiyak parin ako" Ang arte ko na talaga ngayon. If only he knows that it's my time of the month he would act differently from all my acting skills and all my sossy acts. Kung ang Raven ko noon, pinagtatawanan niya lang lahat ng mga kaartehan ko ngayon, my Raven now acts differently.

" What can I do then to ease your tears. Ano ba ang ginagawa ko noon tuwing umiiyak ka?" Tanong pa niya sa akin.

He does the Raven thing. Yung mga bagay bagay na siya lang ang nakakaalam. Yung mga bagay bagay na siya lang ang nakakagawa.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon