KawalanMaaga palang ay pumunta na ako sa ospital. Hindi na ako nagtaka pa ng hindi ako tinawagan ni Raven kaninang umaga.
Sanay lang siguro akong tumatawag siya kapag umaga. Nang matapos kong kausapin ang aking mga pasyente nagtungo na ako sa operating room para sa una kong operasyon. Saktong pagpatak ng alas singko ng hapon, natapos ko na ang huling operasyon ko.
I was walking through the hospital's ramp when I met Dr. Montesor along the way.
Napapansin ko din ang madalas na pagdalaw niya sa OB ward na hindi naman niya kadalasang ginagawa.
" Dra. Torez" Bati niya sa akin.
Ngumiti naman ako ng tipid bago siya binati pabalik.
" Napadaan ka ata dito, Dr. Montesor" Tanong ko sa kanya.
" I'm actually here to ask you out for dinner. Are you perhaps free?" Saad niya. Tiningnan ko yung oras, maaga pa naman.
" Sige." Ngiting saad ko sa kanya.
Halata ko na naman ang mga tingin ng mga nurses at interns sa amin ng makita nila kaming magkasabay na naglalakad sa ramp. Nakapagtataka nga naman dahil sa coronary ward siya, sa OB ward ako pero andito siya sa OB ward.
" Ang guwapo mo masyado Dr. Montesor" Pabirong saad ko sa kanya ng mapansin namin ng sabay ang patagong tingin sa amin ng mga interns at clerk.
" Kaya nga bagay tayo eh, masyado kang maganda, guwapo din ako" Pabalik na tanong naman niya sa akin.
" Ang hangin" Saad ko naman na pabiro.
" It's true. You look beautiful Zoey" He said as if he was really serious about it.
Magkasabay na kaming lumabas ng ospital. Hindi na kagaya ng dati, siya na ang nag-alok na magdrive papunta sa kakainan namin.
" I'll drive us both" He said with a smile. It has been so long already since Ethan has been asking me out for dinner. Kahit hindi naman niya sabihin. Alam kong hindi rin madali para sa kanya ang kanyang ginagawa.
I always decline him of his offer because I fear the possibility that he would take it as something more than friendship. Iyan lang kase ang kaya kong ibigay sa kanya.
" Ethan" My voice was low when I called him.
" I hope you won't look at it as something more than-" I wanted to make everything clear with him but doing it would just hurt him.
"I know. Don't worry I'm not in a hurry. I'm not pushing you to love me back" Maagap niyang saad sa akin
" Ethan, alam mo naman na hindi puwede diba" Saad ko sa kanya. Kahit anong gawin ko kase hindi ko parin mababago ang katotohanan.
" Ganon mo na ba kamahal ang lalaking iyun at hindi mo 'ko kayang pagbigyan manlang?" His voice was low and of too much emotion.
" I'm sorry" Tanging naging sagot ko.
Hindi na siya umimik pa kahit alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko.
Dumiretso na kaming dalawa sa isang mamahaling restaurant. Halos halata mong mga bigatin nga talaga ang meron sa loob. Bagama't hindi ako sanay sa ganito, hindi rin naman bago sa akin 'to. Kadalasan kase, ayaw ni Raven ang kumain sa labas, mas gusto niyang pinagluluto ko siya. Kaya siguro ako nag-aral din na magluto dahil sa kanya. Ang arte paman din ng lalaking 'yun.
Dinner went well. Nag-usap lang kami. We talked about work and everything related to it. As much as possible, I tried to avoid topics with regards to romance.
BINABASA MO ANG
His Fake Fidelity (Completed) [R-18]
RomanceHow can the heart speak of what the mind cannot remember? Raven Josef Aldamante