KahinaanAt talagang pinanindigan ng lalaking 'to ang pagligo ng nakahubad sa harap ko.
" Raven!" Sigaw ko habang nakatakip ang ang mga mata. Hindi niya iyon binigyang pansin at dumiretso lamang siya sa kanyang ginagawa.
" Chief, samahan mo na ako dito. It's not as if you haven't seen mine" He said truthfully. Well, on the contrary, he's right. I've seen it all. I've seen everything already.
" Ang manyak mo talaga kahit kailan, Aldamante. Sa tingin mo ba natutuwa ako diyan sa pinaggagagawa mo ha" Saad ko sa kanya.
" What. Maliligo lang naman tayo Chief" He really is saying it to me.
" Ang manyak mo talaga kahit kahit kailan. Maligo ka mag-isa mo" Masungit kong saad sa kanya. Lalabas na sana ako ng banyo niya ng maramdaman ko ang paglakad niya palapit sa akin.
" Basa ka, Aldamante kaya huwag mo akong lapitan" Suway ko sa kanya ngunit parang wala parin siyang naririnig sa mga pinagsasasabi ko sa kanya.
" Edi basain din kita para pareho tayong basa" Saad niya
" Seryoso ka ba Aldamante. At kailan ka pa natutong maligo ng kailangan ako" Tanong ko sa kanya.
" Noon pa Chief." He smirked. I made a face.
" Ang arte" Saad ko.
" Halika na kase Chief. Nilalamig na ako dito" Puna na sa akin sabay hapit sa bewang ko dahilan para mabasa yung damit ko.
" Loko ka talagang Aldamante ka. Ano sa tingin mo 'tong ginagawa mo. Utang na loob hindi pa ako nawawala sa sarili para maligo ng kasama mo" Saad ko sa kanya. Kung ako talaga ginagalit ng lalaking 'to.
" Ikaw hindi pa. Ako kanina pa nawawala sa sarili dahil sa 'yo. Kung bakit kase ayaw mo pang magpakasal sa akin. Kung tutuusin para na nga tayong mag-asawa eh. Apelyido ko nalang sa pangalan mo ang kulang" Pagpapaliwanag niya.
" Ilang beses ko bang ipapaintindi sa 'yo ang sitwasyon ha, Aldamante. Aba jusko, kung hindi ka pa naman kase nabingi kanina at narinig mo sana ang sinabi ng ama mo" Patuloy ko parin sa pagsabi sa kanya.
" Kung nakinig ka din sana sa sinabi ko kanina Chief. Sabi ko, papakasalan parin kita. Wala pa akong kagaguhang naiisip na dahilan para hindi ka pakasalan" Saad niya
" So maghihintay ka hanggang meron ka ng kagaguhang naisip na dahilan para hindi mo ako pakasalan, ganon ba iyon Boss?" Maarte kong tanong sa kanya. At sobra sobra na kung ipangalandakan ng lalaking 'to ang parte ng katawan niyang hindi ko naman dapat makita.
" Tskk" Saad niya.
Lumabas na ako ng banyo niya ng makita kong nagtampo na naman ang lalaking 'iyun sa akin dahil siguro sa sinabi ko na naman.
Inayos ko muna yung gamit ko para na rin makauwi ako. Madami pa akong gagawin bukas sa ospital kaya kailangan kong umuwi para makapagpahinga na. I have two cesareans and one TAHBSO scheduled for OR tomorrow.
Nakatanggap naman ako ng mensahe mula kay Ethan, halos pasado alas onse na ng gabi ng makita ko ang orasan sa relo ko.
I was supposed to visit my patients in the hospital prior to their surgeries tomorrow ngunit hindi ako nakapunta dahil sa family dinner na nangyari kanina.
Hindi pa ako nakakapagreply kay Ethan ng magring yung phone ko. Agad ko namang inangat yung tawag niya.
" Dr. Montesor" Bati ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Fake Fidelity (Completed) [R-18]
RomanceHow can the heart speak of what the mind cannot remember? Raven Josef Aldamante