C H A P T E R _ 14

104 26 0
                                    

"Tiffany!" halos mapatakip ako ng aking tenga noong narinig ko ang pagtawag sa 'kin ng isang pamilyar na boses. Sino pa ba? Edi ang megaphone kong best friend na si Miss Kirida 2017 Gione Wardiyah.

Hindi na ako lumingon pa dahil wala talaga akong ganang makipag-interact ngayon. Iniwan na rin ako ng kamalditahan ko, 'di ko rin alam kung saan napunta.

Dumamba sa likod ko si Gione at niyakap niya ako sabay beso sa 'kin. "Na-miss kita bessy!"

Napatango na lang ako at saka pilit na ngumiti. Napansin yata ni Gione na wala ako sa mood makipagkirihan ngayon kaya kusa na niyang inalis ang mga braso niyang nakayakap sa 'kin. Tumakbo siya papunta sa harapan ko at naglakad paurong. Nakita kong nakataas ang isa niyang kilay at tila kinilatis niya ako mula ulo hanggang paa. "'Di ka naman nagmukhang haggard, ano?" pagkokomento niya.

"Gee, wala akong panahong magsaya or whatever," sabi ko, sounding bored and tired. Lawlaw na ang eyebags ko dahil tatlong gabi akong hindi nakatulog ng maayos. It's a Thursday pero hanggang ngayon ay kinakain pa rin ako ng mga thoughts ko.

"Ano ba 'yan Tiff? Nagkasakit lang ako at nawala, nagkaganyan ka na? Anyare sa "pagbabago" mo ha? Nasaan na yung sinasabi mong revenge aura?" pag-uusisa niya.

Bumuntong hininga na lamang ako at pumikit, "Hindi ko rin alam."

Nagpitik-butiki ang kaniyang dila tsaka ako sinabayang maglakad, "Ikaw naman kasi. Alam mo namang maka-Charlie Puth ako 'di ba? I'm only one call away. Nagtatampo na ako sa 'yo bessy eh! Unang-una, hindi mo man lang ako tinatawagan and all. Ni pagbisita, waley! Pangalawa, hindi mo man lang mai-open up sa 'kin 'yang dinadamdam mo. Ano bang meron kasi?"

"Family problem lang 'to, bes. Okay lang talaga ako," pag-aani ko nang matigilan na siya sa katatanong.

"Family problem? Kayong dalawa ni Tita Fhanie nagka-family problem? At talagang pinagkapuyatan mo?" aniya habang pilit na itinotonong nagulat siya sa aking sinabi.

"Pwede ba, Gee," pagsisimula ko in a tired bored tone habang papasok kami sa room, "Ayaw ko munang pag-usapan 'yan. Please."

She just shrugged, following me towards my seat. Naupo na siya sa armchair beside mine at pumasok na rin ang teacher namin dahilan para matigil ang bulungan sa paligid.

"Good morning Ma'am Vamva!" bati ng lahat samantalang ako ay pagod na iniangat ang sarili. Hindi ko alam, dala na rin siguro ng pagod ko sa paglilinis nang dahil diyan sa community service na 'yan.

"Sige, maaari nang magsiupo ang lahat," aniya. "So class, bago tayo magsimula ng klase ay gusto ko munang ipaalala sa inyo ang nalalapit niyong recollection. Next week na iyon ha, Biyernes, October 6. Iyon ay isang panahong inihanda sa inyo upang mas kilalanin niyo pa ang inyong sarili't inyong kapwa."

I just stared at her with bore.

Recollection. Ang pinakaaayaw kong excuse para mawalan ng klase. Unang-una, dahil hindi ko feel magbahagi ng kung ano mang past ko, lalo pa't mas lalo pa akong naguluhan ngayon. Pangalawa, makakasama ko na naman ang mga plastik kong mga kaklase, especially the demon bitches.

I rolled my eyes in exasperation.

Nagsimula nang magturo ang teacher namin ng Bookkeeping kahit na wala naman talagang pumapasok sa isip ko.

Sa kalagitnaan ng aming klase may mayroong kumatok sa pinto na pinagbuksan naman ni Minn, the class sipsip. I just stared at our boring ceiling. Ano ba 'yan! Parang halos lahat na lang nang makita ko ngayon ay boring para sa akin.

"Ma'am, pwede po kayang ipa-excuse si..." I'm counting sheep and clouds.. "Tiffany Gomez?"

Nagbuklat ako ng pages ng aking notebook. Wala lang, talagang hindi kasi ako interesado sa kung ano mang aura ang meron sa paligid.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon