E P I L O G U E

74 5 0
                                    

"One, two, three!" sabay-sabay nilang hiyawan habang nakangiti ako sa camera bago pa man hipan ang kandilang nasa 'king harapan.

"Happy birthday Tiffany!" kaniya-kaniya nilang sigaw habang hinihipan ko ang mga kandilang nakatirik sa ibabaw ng aking engrandeng cake na binili ni Tita Jeanette para sa akin.

It's my 22nd birthday! Ang bilis ng panahon ano? Isang buong taon na naman ang nakalipas. And along the way, natutunan kong mag-move on sa lahat ng mga masasamang bagay na nangyari sa akin. Sa ngayon, focus na muna ako sa brighter side ng aking buhay.

Oh, and did I mention na nasa Canada kami ngayon? Yes, may pa-trip to Canada ang mayora niyo dahil balik Connie Fashions na rin ako.

Si Tito Pol ang current CEO ngayon ng company. Magkakasama na rin sila ngayon nina Tita Jeanette at Khaerel as a family dahil after one week, ikakasal na sina Tito Pol at Tita Jeanette kung kaya't naisipan na nilang imbitahin ang friends and comrades nila one week before ang kanilang kasal.

Sila na rin ang sumagot ng mga gastusin namin papunta rito sa Canada so no worries. Masasabi mong sobrang engrande talaga ng mga paganap nila. Biruin mo, sinakto pa rin talaga sa birthday ko ang pagpapapunta sa amin dito? Tuloy, dito ako nakapag-celebrate.

Napagdesisyunan na rin nina Tita Jeanette na dito na rin muna sila sa Canada maninirahan to start a new life na inaasam nila para sa kanilang pamilya. I'm so happy for them. After all what happened, nanatili kaming matatag.

Reunited with friends naman ang peg ko dito. After a year, muli kaming nagkita nina Anzel, Rain, at Dale. Present din sina Joaquin, Rhenz, Yhtinia, Gin, at ang tatlong kasambahay nina Tito Pol. Grabe, sobrang na-miss ko sila.

Nakakatuwa naman at nagkasama-sama kaming lahat ngayon.

Nagsimula nang magsikuha ng pagkain ang mga naririto ngayon sa aking birthday party. Alam ko, tunog pambata ang birthday party pero ano naman 'di ba? Minsan na lang din naman mangyari ang mga ganito, palalampasin pa ba natin?

"Tiffany," pagtawag sa akin ni Rhenz kaya nilingon ko siya.

"Oh, Rhenz! Hi," bati ko sa kaniya nang may malapad na ngiti sa aking labi. He's with a girl I never met before.

"Nga pala, ipapakilala ko lang sa 'yo si Maehn. Girlfriend ko," aniya sabay akbay doon sa babaeng kaniyang kasama.

"Hi," mahiyain niyang pagbati.

"Hi, nice to meet you Maehn. Tiffany," pagpapakilala ko sabay lahad ng aking palad na siya naman niyang tinanggap.

"Hey Miss-Now-Interested-In-Loving-Me," salubong sa akin ng malambing na boses ng aking boyfriend mula sa aking likuran sabay haplos sa aking baywang. Sino pa ba, e 'di ang nag-iisa kong Baklitang Pagong.

"BP, mamaya ka na. May kausap pa po ako, o," pagpapakipot ko sa kaniya.

Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat, "So mas mahal mo na siya kaysa sa 'kin ngayon."

Napanganga ako sa kaniyang sinabi at hinarap siya. Pabiro ko siyang hinampas sa kaniyang dibdib.

"Grabe ka naman. Selos ka na ba agad? E kausap ko lang naman si Rhenz ah," pagmamaktol ko. Natawa naman sina Rhenz at Maehn sa aking inasal.

"Ang cute niyong dalawa," komento ni Maehn sa amin na siyang ikinatikhim ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi samantalang natawa na lamang si Zon.

"Hay naku, BP. Magtanda ka na nga paminsan," aro ko kay Zon.

Muli na lamang silang natawa.

"Sige, Tiffany. Kuha na kami ng pagkain namin ha? Happy birthday ulit," ani Rhenz sabay alis na.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon