C H A P T E R _ 49

25 5 0
                                    

"Ano pong kail—" napahinto siya ng pagtatanong nang magkatamaan ang aming mga paningin. A smile crept into her lips pero napakunot ako ng noo.

What is she doing here?

"C-Colesha!" bati niya. "Oh my God! This is so unexpected," she exclaimed habang papalapit para pagbuksan ako ng gate.

"Alex," bati ko kasabay ng aking paghinga. "T-tama?"

Mabilis lamang siyang tumango bilang tugon habang pinapapasok ako sa loob. "Paano ka napadpad dito?"

"Uhm... Is Zon here?" diretsahan kong tanong, avoiding her question. Hindi ko alam pero bigla akong nagkalakas ng loob para hanapin siya. Tila hindi na ako natakot sa aking sariling aminin na talagang matagal ko na siyang na-miss at hindi ko na maikubli ang excitement na nararamdaman ko para mayakap siya.

Napataas siya ng kilay sa akin. "Nasa loob siya. Magkakilala pala kayo?"

Diretso ko lang siyang tiningnan. "Long story pero sa totoo lang, we're schoolmates. High school."

Tila nagulat siya sa aking sinabi. "T-talaga? Magkaklase kami ni Zon nung high school kami. So ibig sabihin, magka-schoolmates din tayo?"

"I think so," pasimple ko lang siyang nginitian. I hope she doesn't feel the sarcasm. Sa totoo lang kanina ko pa siya gustong sakalin pero anong magagawa ko? Best friend turned to ex siya ni Zon. Ay mali, nagkabalikan na nga pala sila.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay nakita ko kaagad si Chloe. Lumawak agad ang ngiti niya sa labi. "Ate Tiffany!" she exclaimed habang patakbong papalapit sa akin. She tackled me with a hug kaya yakap din ang isinalubong ko sa kaniya.

"O, Tiffany!" bati sa akin ni Kuya Llenard na palapit sa akin with his hand raised up in the air kaya inapiran ko siya. "Napadalaw ka?"

"Tiffany!" irit naman ni Tita Rina habang papalapit sa akin. Sinalubong ko siya ng yakap. "Naku, sayang wala si Chris tsaka yung tatay niya. Ayun, parehong nasa trabaho."

I just chuckled na siyang mabilis ding naglaho nang makita ko ang kabuntot ni Tita Rina sa kaniyang likuran. He's staring at me as if I was his daydream. Nakaawang ang kaniyang bibig at parang hindi mapakali ang kaniyang isipan.

"Zon," bulong ko.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Walang kumikibo at tila tumahimik ang buong paligid.

"Zon," muli kong bulong habang patakbo akong lumapit sa kaniya para salubungin siya ng isang mahigpit na pagyakap. I rested my chin on his shoulder at pinigil ko ang mga luhang nagbabadyang umampiyas.

I missed him. So so much!

It took a while bago ko naramdaman ang kaniyang mga brasong bumabalot sa aking likuran. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin, as if he also missed me. As if this was the first time it happened.

"Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik mo, Tiffany," bulong niya sa akin habang nababasag ang kaniyang boses. Is he crying? "Alam mo ba yun? Ang tagal kong nalungkot dahil ang tagal mong hindi nagparamdam. Akala ko hindi ka na talaga babalik... Akala ko inayawan mo ako."

"Hindi Zon... Hindi ko magagawang hindi bumalik dahil sa 'yo," bulong ko rin habang tuluyan nang bumagsak ang aking luha. "Dahil mahal kita."

At sa sandaling iyon ay parang mas lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin, na tila ayaw na niya akong pakawalan. "I'm sorry..."

Kumawala ako sa yakap niya at tiningnan siya ng diretso sa mata. I mustered a faded smile at marahang tumango. "I know," malungkot kong tugon sa kaniya. I wiped my tears with the back of my palm. "I know."

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon