C H A P T E R _ 32

63 8 0
                                    

"Sigurado ka na ba sa iyong naging desisyon, iha?"

I tapped my fingers sa ibabaw ng handle ng aking maleta habang nakasakay kami sa elevator ni Tita Trinity while holding back my tears behind everything.

I silently sighed bago ko nilingon si Tita Trinity.

"Opo, tita."

* * *

Nang bumalik na kami ni Jason sa bahay ay nadatnan namin doon si Tita Trinity along with my mom.

Nag-uusap na sila at nagtatawanan pero alam ko sa mga panahong ito ay pinipilit nang tanggapin ni mama ang mga susunod na mangyayari.

"Hello po, tita," ani Jason nang makalapit na kami sa kanila.

"Hello din, iho," sagot naman ni Tita Trinity sabay beso. "Kamusta ka naman?"

Humagikhik lamang sa Jason bago sumagot ng, "Ayos lang naman po."

Ibinaling ko muna ang atensyon ko kay mama, "Ma, si Sy po?"

"Nasa kwarto mo pa rin."

Nginitian ko na lamang si mama.

Naglaro ang katahimikan sa aming apat bago ito pinalayas ni Tita Trinity, "Siyanga pala, Tiffany."

Naupo na kami ni Jason.

"Tita, Mama," pagsisimula ko. "Buo na po ang desisyon ko."

Tila nabigla sina Mama at Tita Trinity sa aking sinabi.

Hinarap ko muna si mama at tinitigan siya sa kaniyang mga mata. I held her hands at ramdam ko ang lungkot naming dalawa.

"Anak..."

"Mama, huwag ka po sanang magagalit o malulungkot pero—"

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang bigla akong yakapin ni mama. Ramdam ko ang kaniyang paghikbi kasabay ng kaniyang pagluha. Biglang bumigat ang aking loob at nagsimula na ring mamasa ang aking mga mata.

Niyakap ko rin si mama as if this is going to be my last time with her.

"Mama, sorry po. Maraming salamat po sa pag-aaruga niyo sa akin kahit na hindi niyo ako tunay na anak," those were the words I muttered under my breath, between every hiccup of my sorrows.

Siguro hindi na rin ako malas.

The unluckiest love of all is that you don't have any family to love you when you fall.

And Tita Fhanie, she's my only family who loved me even before my downfall.

I am so thankful na siya ang kumupkop sa akin.

And here I am, in her arms, making last those bits that I need to bring with me.

Seconds later after that, we broke the hug and we looked into each others eyes. Wala na lang kaming nagawa kung hindi ang tawanan ang bawat isa.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon