C H A P T E R _ 5

143 32 1
                                    

Nagising ako nang dahil sa isang malambing na pagtapik sa aking pisngi. I slowly opened my eyes up and saw Gione nudging me on my side.

"Hoy babaita, gumising ka na!" paninigaw niya kaya wala sa sariling bigla ko na lang siyang nasampiga sa pisngi.

Napaupo ako mula sa 'king pwesto at dinamayan si Gione na hawak hawak ang kaniyang pisngi, "Oh our God, bes! Hala, sorry sorry, nagulat lang kasi ako sa pagsigaw mo akala ko kasi hindi doppelganger ka lang ni Gione eh!"

"Ay ewan ko sa 'yo beshy! Mukha ba akong multo?!" panenermon niya sa 'kin.

"Sorry na nga eh!"

Biglang dumampi sa balat ko ang malamig na hangin.

Nasa clinic pa nga rin pala ako. Hay! Buti na lang hindi yung nurse ang nanggising sa 'kin.

"Nga pala, mamaya na yung awarding ceremony," pagsambit niya habang tila may hinahalukay mula sa backpack niya. Kumuha siya ng supot at ibinigay niya iyon sa 'kin, "Oh, burgers. Libre ko na 'yan ha nang mahimasmasan ka naman ng kaunti mula sa 'pag-aalter ego' mo. Sigurado ka bang hindi ka nagkaka-split personality ha?" pag-uusisa niya sa 'kin.

Pinagtaasan ko na lang siya ng kilay bago ko inilabas mula sa supot yung burger na binigay niya sa 'kin. I took a bite from it before facing her again, bakit ba? Eh sa gutom ako eh.

"How was your quiz bee?" pag-iiba ko sa topic.

"What do you think?" sabi niya sabay turo sa burger na kinakain ko.

Napatitig na lang ako sa kinakain ko. Seryoso siya?

"Weh? Hindi nga bessy?" gulat kong tanong sa kanya.

"Oo nga! Nag-first place ako!" she exclaimed as she hugged me so I hugged her back.

"Kaya naman pala may pa-burger si mayora," I whispered.

She broke the hug and looked at me in the eye, "So, maiba ako. Ano na ang naging justification sa inyo ni Ma'am Vamva?"

"Ayun, two weeks community service daw every five in the afternoon starting next week," I replied as I took another bite on my burger.

"Along with Rhizia?" tanong niya.

"Along with Rhizia."

After that quick conversation ay mayroong kumatok sa pinto. I drifted my gaze only to see the woman who broke every guts that was left in me.

"What do you want?" mataray kong bati sa kaniya nang siya'y lumapit.

"Look, hindi ako pumunta rito para makipag-away. It's just, I wanna say that I'm terribly sorry on behalf of Rhizia and myself," ani Khaerel.

"I don't want to be fed up with your demonic lies," I remarked.

"Look, Tiffany, kung ayaw mong maniwala sa 'kin then don't. What all I want is that mapatawad mo ako kahit na forgive and accept lang kasi alam kong hindi naman talaga natin makakalimutan ang lahat. I promise you, lahat gagawin ko makabawi lang sa mga pagpapahirap ko sa 'yo just don't tell your mother that I did all of that to you," pagmamakaawa niya.

Teka, hindi pa alam 'to ni mama?

"So, friends?" sabi niya habang inilalahad ang kaniyang kamay for a friendly handshake.

Ano ba talagang nangyayari sa demonyitang 'to? Is she even sincere about all of this?

Napansin siguro ni Gione na kumuyom ang aking kamay kaya napatayo na lang siya at sinuyo si Khaerel.

"You know Khaerel, you're taking this too far now. Siguro mas maigi munang huwag muna kayong maglapit ni Tiffany at mas maigi pa sigurong pagsabihan mo na rin yang mga kaibigan mo, ha," Gione said as she pushed Khaerel out of the room gently and calmly.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon