C H A P T E R _ 11

89 27 2
                                    

Nandito na kami ngayon ni Gione sa loob ng sinehan. Binilhan na rin ako nitong loka loka kong best friend ng damit doon sa bargain sale stalls dito sa loob ng mall. 'Di ko kasi kering bumili ng mga ganitong damit dito sa mall eh, hanggang ukay-ukay lang talaga ako.

Dito na rin namin kinain ni Gione yung ipinalit na takeout sa 'min. Naipuslit namin 'to sa loob kahit alam naming bawala ng rice meals dito sa loob ng sinehan.

Pasalamat na rin siguro ako sa nangyaring iyon at meron kaming libreng bonus food ngayon ni Gee na nginangata dito sa sinehan at mukhang nauto pa nga yat ni Gione ang manager ng KFC dahil may mashed potato nga kami, fries, at hotshots dito sa supot namin. Ibang klase talaga 'to.

Unlukiest luck nga 'to. Ang galing!

"Friend oh, sa 'yo na lahat 'tong fries kasi alam kong favorite mo 'yan," sabi niya habang iniaabot sa 'kin ang supot na may lamang dalawang bucket ng fries. Aba! Anong sumapi dito at bigla yatang nagseryoso?

Nag-thank you na lang ako sa kaniya.

"Kainin mo na iyan para naman kahit papaano gumaan 'yang loob mo. Feeling ko kasi buhay pa rin 'yang lava sa dibdib mo at baka anytime maging active volcano ka na naman," pang-aasar niya kaya ibinaon ko ang mga daliri ko sa braso niya. "Joke lang naman, grabe ka."

"Huwag na huwag mo nang ibabalik ang topic na 'yan or else malilintikan ka talaga sa 'kin!" I remarked through gritted teeth at nagkunwari naman ang lukang nagsi-zipper ng bunganga bago nagtaas ng kanang kamay.

Ngumisi na lang ako at itinuon ang atensiyon sa malaking screen sa harap ng aking mga mata.

"Grabe Tiff, iba ka na talaga!"

"Was that a compliment?"

"Pwede na," aniya at humarap na rin sa unahan at matapos ang ilang trailer ay nagsimula na rin ang palabas.

*    *    *

Matapos naming manuod ng sine at bumili ng mangangata sa daan ay napagdesisyunan na rin naming umuwi ng best friend kong matalak. Nauna na siyang bumaba at mag-isa akong umuwi sa aming bahay.

Alas siyete pa lamang nang ako'y dumating sa amin. Kakatok na sana ako nang may mapansin akong nakalatag sa ibabaw ng aming doormat.

Curious, pinulot ko ito.

Black envelope na naman?

Ang weird. Pangatlong beses na akong nakatanggap ng ganitong sobre and thinking na pinasadya pa talagang dito talaga sa bahay namin ipadala ang pangatlo, baka hindi talaga coincidence 'to.

Tiniklop ko 'to at isinilid sa aking bulsa.

May nararamdaman akong kakaiba kaya napalingon ako sa paligid at tila may nakita akong anino.

Nagkibit-balikat na lang ako at tuluyan nang kumatok sa pinto bago ako pumasok.

Pagpasok ko ay nadatnan ko si mama sa sala at may kausap na isang babae at isang lalaki. Hindi familiar sa 'kin ang mukha nila kaya napalukot na lang ang mukha ko. Sinara ko na ang pinto at ini-lock ito bago ako bumati ng isang magandang gabi sa kanila.

"Anak, maupo ka dito sa tabi ko dali," panghahalina ni mama na tila malungkot. Sumunod na lang ako at pagkaupong-pagkaupo ko sa tabi niya ay napabulong ako.

"Ma, ano pong problema? Sino po sila?"

Nginitian lang ako ni mama at nilingon ulit ang tila mag-asawang nasa harapan namin. Tumango naman yung babae.

"Anak, siya si Mrs. Trinity Refqon," sabi ni mama habang tinuro yung babae na pinangalanan niyang si Mrs. Trinity. "At siya naman ang asawa niya, si Mr. Pol Gin Refqon," pakilala naman ni mama sabay turo doon sa lalaki.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon