C H A P T E R _ 33

41 9 0
                                    

Pagkabukas na pagkabukas ko ng papel ay biglang may nalaglag mula rito.

Isang kwintas.

Pinulot ko ito mula sa sahig ng jet plane at pinagmasdan ko ito.

Isa itong silver na kwintas na merong pendant na hugis G-clef.

"I believe that it's yours," Kuya Llenard's voice rang inside my ears. Bigla akong napailing sa muli kong naalala.

Sa akin ang kuwintas na ito?

Ibinalik ko ang aking antensyon pabalik sa kulay pink na papel na hawak-hawak ko. May nakasulat dito pero hindi ko maintindihan.

Ano ba 'to? Latin? Chinese? Hieroglyphics?

Paano ba naman kasi? Yung sulat parang tinype muna sa typewriter tapos dinuruan ng baboy. Wala akong maintindihan.

Hinulaan ko kung ano ang nakasulat sa papel hanggang sa mapansin ko na parang may mali. Nasampal ko ang aking sarili nang mapansin kong baliktad pala ang papel kung kaya't wala pala akong mabasang matino kahit isa. Ikaw ba raw naman ang bumasa ng cursive na malobo habang nakabaliktad, tingnan na lang natin kung maintindihan mo.

"Yo ho ho! Hello, hija," nagulantang ako sa biglang pagsasalita ni Tito Pol na siyang kakaakyat lang sa jet kasama ang isa pang lalaki. He is a tall lean man, maybe on his twenties, napakabata pa kasi niyang tingnan. "By the way, this is Joaquin. Siya ang magpapalipad nitong jet and as well as our private chaffeur when we get there," he added. Sinipat ko si Joaquin mula ulo hanggang paa. He seems legit naman kaya I pushed the thought away.

"Hello, Ma'am Colesha. It's a pleasure to meet you," pagbati sa akin ni Joaquin sabay lahad ng kaniyang palad so I took and shake it.

"Tiffany, it's Tiffany," I remarked as I smiled.

Nilingon ni Joaquin si Tita Trinity na siyang uupo na sana sa kaniyang designated seat. Bigla siyang napalapit sa amin nang dahan-dahan.

"Uhm... Tiffany," she calmly approached "From now on you will wear the name Colesha Connie Tarynn R. Unison. Iyan ang tunay mong pangalan, hija. Your name holds your family's business."

Napatingin ako sa kaniya na may mapagtanong na mga mata. Sa mga puntong iyon ay muli kong inipon ang mga dahilan ko sa mundo kung bakit ko nagagawa ang mga bagay na ito.

Nginitian ko na lamang pabalik si Tita Trinity bago ako tumango. "Understood, tita."

I let out a deep sigh bago ako napayuko.

"Hija," tinig ni Tita Trinity sabay upo sa aking tabihan bago niya ako inakbayan. "May problema ba?"

Bumuntong-hininga muli ako bago ako nagsalita, "Wala po tita." I let out a faded smile. "It's just that, hindi pa lang po ako sanay."

Tita Trinity let out a confident smile, "It's okay, Colesha. Someday, you'll understand things out. Masasanay ka rin." She patted my back bago siya tumayo.

"Joaquin, are we good to go?"

"Yes po, ma'am."

Pumunta na sina Mr. at Mrs. Refqon sa kani-kanilang mga upuan at si Joaquin naman ay may kung anong ritwal na ginawa bago patakbuhin ang pinaka-engine ng jet.

Kumabog ang aking dibdib kasabay ng pagbigat ng aking mga mata.

Bakit ba tuwing naiisip kong paalis na ako ay bigla na lamang akong naluluha? Nakakainis na. Ang sabi ko, hindi na ako luluha pero ngayon pa lang sirang sira na ang mga binitawan kong mga salita. Napakatanga ko.

Colesha.

I sat up straight bago ako tuluyang ngumiti. Moments later, I felt that we're off of the ground. I let out a sigh of relief.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon