C H A P T E R _ 57

21 5 0
                                    

Zon's Point of View

Masyadong matagal bago pa natunton ng ambulansiya ang address ng lugar na ibinigay sa amin ni Khaerel. Masukal na ang daan papunta roon kung kaya't kinailangan pang lakarin ng mga tauhang ipinadala ng hospital ang mismong bahay kung saan nag-aagaw buhay na si Gione.

'Yan ang mga impormasyong nakuha namin mula sa isa sa mga miyembro ng banda ni Sy. Arn yata ang pangalan nun. Ang pamilya niya kasi ang may-ari ng hospital na siyang natawagan namin.

Sa hospital na kami dumiretso at naghintay. Hindi na kasi namin magagawang sumunod pa sa ipinadalang ambulansiya dahil may kalayuan nga ang lugar.

Matapos ang halos na isang oras na paghihintay namin ay narinig na namin ang sirena ng ambulansiya. May ibinabang dalawang stretcher. Parehong may talubong na tela ang dalawang ibinaba.

Mas lalo kaming nabahala nang napag-alaman naming sa morgue diretso ang isang katawang laman ng stretcher. Hindi kami nakasunod kaagad dahil nagmamadali ang mga nurse at doktor sa pagdadala sa mga pasyente.

Maya-maya pa ay nagpakita na sa amin si Khaerel. Mabilis naman siyang sinalubong ng yakap ni CK. Duguan ang suot niyang damit at walang habas sa pag-iyak. Tila nanghihina na siya kaya kaagad namin siyang pinaupo sa isa sa mga upuan sa lounge.

Tinawagan naman muli ni Sy si Tita Gielyn upang ipaalam kung saang hospital idiniretso si Gione. Ito na ang pangalawang beses na na-ospital si Gione dahil sa tama ng baril pero ngayon, hindi na namin sigurado kung makakayanan pa niya ito para mabuhay.

Matapos magpabalik-balik sa paglalakad ay nagdesisyon akong pumunta sa emergency operating room ng hospital para tingnan ang kalagayan ni Gione. Mula sa bintana ay hindi masyadong malinaw ang mga kaganapan sa loob. Kung natanggal na ba ang bala ng baril na nakabaon sa ulo niya o kung nahinga pa ba siya o kung may pag-asa pa ba siyang ma-revive.

Napakagat ako sa aking mga kuko habang padabog na naupo sa waiting area. Nangatal ang buo kong kalamnan pati na ang aking mga panga. Napaluha na lamang ako sa mga nangyayari.

Gione is Tiffany's best friend. Kung ako pa lang nagkakaganito na sa mga nangyayari, paano pa kaya si Tiffany?

Ang huli niyang sinabi ay mag-iimpake na sila at magpapa-schedule na sila ng flight. Siguro bukas pa sila makakaalis. Ilang oras din ang biyahe mula States hanggang Pilipinas.

Hindi ko lubos maisip kung ano ang magiging reaksyon niya pagbalik dito nang ganito ang sitwasyon ng kaniyang best friend. Hindi pa humuhupa ang pagtutugis sa kanila ni Shaun, may ganito na kaagad na nangyayari.

Nasasaktan ako sa bawat oras na alam kong nasasaktan siya at doble ang balik nito sa akin. Ang mas malala pa ay wala man lang ako sa tabi niya noong mga panahong lubusan na siyang nahihirapan. Hindi ko na alam kung anong klaseng pagbawi pa ang gagawin ko para sa kaniya.

Isinubsob ko ang aking mukha sa magkabila kong palad. Gulong-gulo ang aking isipan. Wala na akong maisip na matino. Wala akong nadarama ngayon kung hindi ang sakit, sakit na alam kong nararamdaman din ni Tiffany.

Nakaramdam ako ng isang mainit na pagyakap sa kabila ng aking paghihinagpis. Inisip kong si Tiffany iyon ngunit iba ang mukhang bumungad sa akin nang alisin ko ang aking mga kamay mula sa aking mukha.

"Thought you could use something that could make you feel better," Alex murmured habang nakayakap pa rin sa akin. After all this time, nandiyan pa rin siya sa aking tabi. Kahit pa alam kong lubos ko siyang nasaktan, nandiyan pa rin siya para maging kaakibat ko sa lungkot at saya.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon