C H A P T E R _ 46

17 5 0
                                    

Mabilis akong nagpaalam kay Shaun. Nagtanong pa siya kung saan ako pupunta and just told her that something came up, something about Mama Fhanie kaya hindi na siya nagpumilit pang sumama kahit alam kong gusto niyang sumama sa akin. She just don't need to be there. Haharapin ko ang nanay ni Khaerel and for some reason ay hindi ko maipinta ang aking nararamdaman.

Maging lahat ng mga sinabi sa akin ni Shaun kanina ay parang ngayon lang nagsisink-in sa akin. Hindi ko lubos maisip kung maniniwala ba ako sa kaniya o hindi. It's just hard to absorb and understand.

Another problem for me na ngayon ko lang na-realize ay hindi ko alam kung nasaan si Gione. I don't know pero sa lahat ng mga nalaman ko ngayon ay parang may something talaga na parang delikado kung malalaman ko. Hindi na talaga ako makapag-isip ng diretso.

Nakasakay ako ngayon ng tricycle pabalik ng bahay. It is when I decided to call Dale. Nanginginig ang aking mga daliri habang hinahanap sa contacts ang kanyang numero.

Nang mai-dial ko na iyon ay sumagot siya sa ikalimang ring.

"Hello Colesha? Ano, sasama ka na?"

"Dale, pumunta ka sa bahay, please," hindi ko alam kung bakit ko siya pinapapunta doon. Ang alam ko lang ay kailangan ko siya ngayon. Kailangan ko ng masasandalan ngayon, isang taong sasalo ng mga nararamdaman ko.

"B-bakit? May problema ba? Bakit parang medyo nawawala ka sa sarili mo?" sunod-sunod niyang tanong. Nakikita ko ang kaniyang nag-aalalang mukha dahil sa kaniyang pananalita.

Mariin akong napapikit para damhin ang sarili. Huminga ako ng malalim. "Wala, Dale. Basta pumunta ka sa bahay, ah? Pahatid ka na lang kay Joaquin para mabilis kang makarating."

"Okay, sige sige. Mag-iingat ka diyan ah, kung ano mang nangyayari sa 'yo. Papunta na ako."

"Ingat ka rin, Dale. Bye."

"Bye," and I hung up.

Wala na akong maipintang maayos sa aking isipan. Napapaisip pa rin ako sa sinabi ni Shaun.

You are not the one they were hunting for.

Kung hindi ako ang tunay na Colesha...

Edi sino?

Anong ipinapahiwatig niya na hindi ako ang hinahanap nina Tita Trinity? Na sinet-up lang ako?

Mga ilang minuto pa ay nakarating na ako sa bahay. Mabilis akong bumaba at nagbayad sa tricycle driver. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at nadatnan si Mama na kausap si Ma'am Jinjin Unison, ang nanay ni Khaerel.

"Hello Colesha," nakangising bati sa akin ni Ma'am Jinjin. "Uh, Fhanie? Pwede bang mahiram ko muna si Colesha para makapag-usap kami ng masinsinan?"

"Siyempre naman," sagot naman ni Mama sabay baling sa akin. Basang basa ko sa mga mata niya na parang kinakabahan siya. Sinenyasan ko naman siyang magiging ayos lang ang lahat. Tinanguan niya na lang ako at dumiretso na sa kaniyang kuwarto.

Umupo ako sa upuang kaharap ni Ma'am Jinjin para mata sa mata kaming makapag-usap.

"Bakit po kayo nandito?" bungad kong tanong sa kaniya.

Humagikhik siya, "Come on, Colesha. Bakit parang takot na takot ka? Don't worry, hija. Nandito lang naman ako for some business talk. Nothing more, nothing less." Ngiting-ngiti lamang siya na siyang ikinalala ng kaba ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mayroon siyang tinatagong kung anong pasabog.

"Ma'am Jeanette—"

"Tita," mabilis niyang pagputol sabay hawak sa aking kamay. "Tita mo ako, hindi ba? Isa ka ring Unison kaya tita na ang itawag mo sa akin."

Napabuga ako ng hangin, "Tita. Kakatapos lang po ng Autumn launch ko kaya kung anong project po ipo-propose po ninyo ay sa dulo pa po ng line of projects ko maisisingit."

"Ano ba, hija. Pinapangunahan mo naman ako," nakangiti pa rin niyang sabi. She's really creeping me out. Thinking that ikinwento sa akin ni Jason na patay na raw si Shaun but she's still alive meaning, baka may kung anong kinalaman si Ma'am Jinjin sa kuwentong iyon. Baka pinagtangkaan nila talagang patayin si Shaun. For now, kailangan kong mag-ingat-ingat dahil wala pa ang lahat sa kasiguraduhan.

Ngiti na lang ang tangi kong naiganti.

"This is a different matter, hija." Napalunok ako ng laway dahil sa tono ng kaniyang boses. "That day noong opening ng Philippine branch ng Connie Fashions, may babaeng lumapit sa 'yo noon hindi ba?"

"You mean, yung babaeng nakabunggo ko po?"

"No no, yung babaeng kusa talagang lumapit sa 'yo at nagpakilala. By any chance, is her name Shaun?"

Nang mabanggit niya ang pangalang iyon ay nagkakutob na ako.

Pinigilan kong manginig and I tried to act as if I knew nothing about what she's saying. I sported a smile. "No tita. She goes by the name..." napatigil pa ako para mag-isip ng isang kapani-paniwalang pangalan na isasagot sa kaniya. "...Patricia. Yes, Patricia ang pangalan niya. Patricia De... De Guzman. Iyon ang pagkakaalala ko."

Deep inside ay napapadasal na ako na sana hindi niya mahalatang gumagawa lang ako ng mga sagot.

She gave me somewhat like a disappointed look. "Oh. Nevermind," aniya sabay baling sa kaniyang tabihan kung saan nakapatong ang kaniyang bag. She sighed.

Bigla tuloy akong na-curious kung bakit niya tinatanong sa akin si Shaun. Bakit niya hinahanap si Shaun? Should I ask?

Curiosity kills ika nga so might as well ask. "Bakit niyo nga po pala natanong? At saka sino po ba yung Shaun na sinasabi po ninyo? Bakit niyo po siya hinahanap?" sunod-sunod kong pagtatanong, which is I realized to be a bad move.

Bumaling muli siya sa akin and faked a smile as it faded. Parang mayroon siyang mabigat na dinadala. "N-nothing. Gusto ko nga kasi sana siya ipasok sa kumpanya mo ang kaso, hindi pala siya yung nakausap mo."

Si Shaun? Ipapasok sa kumpanya ko?

"Ipapakiusap ko sana siya sa 'yo na alukin mo siya ng trabaho doon without saying na ako ang nagrekomenda," patuloy pa niya. "That's what I want to ask from you."

Still, hindi pa rin nasasagot ang mga tanong sa aking isipan. Why would she want that?

"H-hindi ko p-po nakukuha ang gusto niyong sabihin," I stuttered.

Hinawakan niya ang aking kamay. "Gusto kong bumawi sa kaniya."

Bumawi?

"There's something you should know... anak."

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon