C H A P T E R _ 31

45 9 0
                                    

Dali-daling hinablot ni Jason ang kaniyang cellphone mula sa lamesa.

I just watched him with suspicion.

Mula doon ay panibagong mga tanong na naman ang bumula sa aking kokote.

Bakit tumatawag sa kaniya si Tita Trinity?

I saw him reject the call.

"Bakit mo dinecline?" pag-iintriga ko sa kaniya.

Sa ekspresyon nakikita ko sa kaniyang mukha ay ramdam ko ang bigla niyang pagkakaba. Tiningnan niya lamang ako nang nakatikom ang bibig.

"Jason," I whispered. "Sagutin mo ako, bakit mo hindi sinagot ang tawag niya?"

Nagtunog na akong desperado nang dahil sa sinabi ko. Ginugulo na ako ng aking isipan at tila uhaw sa mga sagot.

Anong connection niya kay Tita Trinity?

Pinandilatan ko siya habang naghihintay sa kaniyang magiging sagot.

"A-ano," he stuttered at tila nagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin niya ang aking tanong.

"Ano?" mas lalo ko siyang dinikitan dahil hindi na ako mapakali sa aking pwesto. "Anong connection mo kay Tita Trinity?" I came straightforward na siyang ikinangatal ng kaniyang mga labi.

"Tiffany, a-ano kasi..."

"Ano, Jason?" medyo tumaas na ang aking boses. "May tinatago ka ba mula sa 'kin, ha? May alam ka bang hindi ko nalalaman? Jason, sabihin mo naman o! Hindi yung para akong tanga dito na habol lang nang habol tapos wala lang din pala akong madadatnan?"

Tumungo siya at tila nagko-contemplate pa kung anong sasabihin niya.

I let out a sigh, "Jason, ayaw ko na. Pagod na ako sa mga kasinungalingang nangyayari sa mundo ko. Pagod na akong maghanap ng mga sagot sa mga tanong kung bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to." Napatitig na lamang ako sa kawalan at tila nauhaw na nanghina. "H-hindi ko na talaga alam kung saan ba ako nabibilang. Wal—"

"May kailangan kang malaman, Tiffany," pagputol niya sa pagdadrama ko kung kaya't bigla akong napalingon sa kaniya. Nakatungo lamang siya habang nakakuyom ang kaniyang mga kamay sa kaniyang tuhod.

I anticipated for his next lines as he let out what it seems like a long-held sigh.

"The time na malaman kong nagsa-suffer ka sa depression, kinaawaan kita noon," paninimula niya bago siya tumingala at sumandal sa sofa. "Natakot ako noon para sa 'yo dahil nasa isip ko kung anong mangyayari sa 'yo. Sa takot na baka magpakamatay ka o ano."

Ikinabigat ng aking pakiramdam ang bawat salitang kaniyang binibitawan.

"Akala ko, mapapagaya ka sa pinsan ko," pagpapatuloy niya at batid ko ang lungkot na kaniyang nararamdaman. "He also suffered depression, at dahil doon, ayun. Nagpakamatay siya," matapang niyang sabi habang humagikhik, hagikhik na napupuno ng panimdim.

"Napaka-tragic noon. Kitang-kita ko ang dinadanas niyang hirap and I was there. Nandoon ako noong mga panahong naghihirap siya, noong mga panahong napakabigat ng pakiramdam niya."

"Akala ko talaga noon, may pag-asa pa," he said between giggles, giggles na napupuno ng luha. Alam kong pinipigilan niya lamang ang pagbagsak ng kaniyang mga luha dahil sa kaniyang naaalalang mga pangyayari. Bigla siyang napahikbi, "Pero hindi, e. In the end ay bibitiw din pala siya." Doon na bumagsak ang kaniyang mga luha. He covered his face with his hands bago pinunasan ang kaniyang mga luha.

Sa pagitan ng bawat paghikbi ay nagawa pa rin niyang umimik at ako naman, tahimik lamang akong nakikinig, tears also starting to well up around my eyes.

The Unluckiest Love of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon