Kathryn's POV
" Wish Granted." biglang bumukas ang mga mata ko at napatayo ako. Nakita ko lang naman sa harap ko si DJ. Hay, sanay na ako diyan. Lagi naman eh. Nagiimagine ako na nasa harap ko siya. Minsan nga napagkakamalan akong baliw nila Bes eh, di naman nila ako masisisi broken-hearted ako eh.
Pinagpapalo ko ang ulo ko. " Ano ba yan Kath! Nagiimagine ka nanaman na nasa harap mo ang mahal mo! hahaha!" pinagtatawanan ko lang ang sarili ko. Tumayo na talaga ako at nagayos ng sarili. Basa na rin naman ako eh. Aalis na sana ako kaso napansin kong si iimaginary DJ nasa harap ko pa din.
" Alis ka na nga imaginary DJ! Ginugulo mo nanaman ang utak ko! Ha-ha-ha!' tumalikod na ako para makapunta na sa kotse ko.
" Ha? Anong imaginary DJ? Wifey okay ka lang?'' nagulat ako at nagsalita si imaginary DJ.Okay kinilabutan naman ako dun!" Ha-ha-ha! Ano ba yan nagsasalita na rin si imaginary DJ, sana hindi ka na lang imaginary noh?"
" Kath, ano ka ba? Totoo ako oh!" OKAY NATATAKOT NA TALAGA AKO. SI IMAGINARY DJ NASA HARAP KO NGAYON.
" Ha-ha-ha! Si Kath ay baliw!" pangaasar ko sa sarili ko. " Hoy imaginary DJ, tigilan mo na nga sabi ako ha, kahit pala wala ka dito sadista pa rin. Ano? Di mo nanaman ako papatulugin mamaya andaya day---------------
Bigla niya akong hinalikan. Huwaaaah! >////< Aking mahal na Diyos kung panagnip man 'to please wag mo na po akong gigisingin. Pagkatapos niya akong halikan, andyan pa rin siya sa harap ko. Di pa rin siya naglalaho! Waaah! Creepy!
He cupped my face " Kathryn Cheeky Bernardo, hindi ka nanaginip. Andito na ako oh. At hinding-hindi na kita iiwan pa muli." bigla niya naman akong niyakap. " Oh How I missed you Kath."
" DJ, pwede mo ba akong kurutin?" bigla niya naman ako kinurot kaso napalakas ata yun ah! " Araay! Ano ba DJ angsakit nun ah----- teka?! Nasaktan ako! Hindi ako nananaginip?!" umiling siya. " Ibig sabihin totoo lahat 'to?!" nagnod siya.
" Huwaaaah! Miss na miss na kita Daniel Montenegro ka!" bigla naman siyang napatawa. " I mis you too,silly." sagot niya.
Bigla naman nagsilabasan ang buong barkada, Waah! Tumakbo ako papunta sakanila at niyakap sila! Pati si quenbave at Tippy andito!
-----------------------------------------------
" Haha! Oh pano ba yan Kath di ka na forever alone ha?" asar saakin ni Albie.
" Che!" Nagtawanan lang sila.
" Wag niyo ngang inaasar ang mahal ko!"
" Wahaha! Ano ba yan pare korny ka pa rin hanggang ngayon?" Quenbave.
" HAHAHAHA!' Lahat lang kami nagtawanan. hay namiss ko 'to.
Andito pa rin kami sa may 'promise tree namin ni DJ, ayaw pa nila umuwi eh. Kahit ako. Hahaha. Buti na lang tumigil na ang ulan :D
" Ah Enrique, Tippy, babe tara bili tayo ng pagkain."
" Sige ba!" chorus nilang sagot.
Nagpaalam na muna sila at umalis na. Bigla naman kinuha ni DJ ang gitara niya.
" Kath namiss kita, sa limang taon na yun wala akong naisip kung hindi ikaw lang"
" Ako rin naman, halos mabaliw na nga ako kanina eh!"
"Pansin ko nga, may pa 'imaginary DJ' ka pa dyan ah!"
"Exactly, mamabaliw talaga ako pag nawala ka pa!"
" Tss. di na mangyayari yun kathryn. i will grow old with you. i promise. Atsaka alam mo ba potek wag na nga KESO eh!" sumimangot naman ko. pabitin eh! Tinawanan niya lang ako." Alam mo ba na ako'y sayo at ika'y akin lamang?" natawa naman ako sa sinabi niya. haha! tama nga siya ang keso niya. Hinalikan niya ako sa noo at nag start ng magstrum ng gitara niya.
NOW PLAYING
♪♪ Ako'y Sa 'yo At Ika'y Akin Lamang ♪♪
Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
'Di ba nila alam, tayo'y nagsumpaan?
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang
Kahit ano'ng mangyari, pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
Kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin
Ang mahal, maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung di ka makita, makikiusap ka'y bathala
Na ika'y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang
Umasa kang maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung di ka makita, makikiusap ka'y bathala
Na ika'y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang
Itinabi niya na ang gitara niya, at hinawakan ako na parang sinesenyasan niya ako na tumayo. Kaya tumayo naman ako.
" Hay nako, Hubby ako na ata ang pinakaswerteng babae sa mundo."
" Buti ka pa, ako kasi hindi eh... di ko pa kasi nakukuha yung sagot ng babaeng mahal ko." bigla naman akong sumimangot dun.
" Ha? Anong sagot DJ?" nabigla ako at bigla naman siyang lumuhod. At biglang umilaw ang 'promise tree' namin. Di ko napansin na may Christmas lights pala dun, nakaform siya ng KD tapos may ∞ (infinity symbol).
" Kathryn Cheeky Bernardo, will you marry me?" may inilabas siyang isang diamond ring
Huwaaah >////////< Magsisimba na talaga ako araw araw.. Lord thankyou thankyou thankyou thankyou po! Nakita ko ang barkada nagtatago at nagtatawanan sa likod ng puno. Si bes at Tippy naman kinikilig. Masaya ako at kasama ang barkada sa isa sa mga pinakaimportantanteng moment sa buhay ko.
" Kath! tagal ah! Angsakit na kaya ng tuhod ko."
I chuckled." Yes, Oo!" isinuot niya saakin yung engagement ring pagkatapos nun ay niyakap niya ako.
Napakasaya ko... kasi kahit napakatagal akong naghintay sa pagdadating niya binebalewala ko na lang yun simula ngayon. Kasi alam kong hindi niya na kami iiwan pa at hinding hindi na rin kami magkakahiwalay.
THE END.
JOOOKE! DI PA PO TAPOS ANG STORY AH MAY MANGYAYARI PA AHIHIHIHI ^____^
BINABASA MO ANG
Prince and the Pauper (COMPLETED)
Romance[KathNiel Fanfiction] All Rights Reserved 2012 Meet Kathryn, isang miss independent na babae na walang pinangarap kundi ang makatapos sa pagaaral. Kaso nga lang, nakaaway niya ang pinakagwapo, pinakamaangas,pinakamayaman, at pinakamayabang sa scho...