PRINCE AND THE PAUPER- 15.

4.4K 80 8
                                    

   Dedicated sakanya. Hi ate gilmmer =)))) "GODDESS GLIMMER"

Ang ganda ng story niya, SECRETLY MARRIED, I HEART KUYA AT REYNA NG KAMALASAN.

Waaa promise :D binabasa ko ulit yung SM niya, hihi kasi gusto ko ulit kiligin kay Kent at Phoebe  

 READ FIRST BEFORE YOU VOTE. Kasi diba malay natin vote lang kayo ng vote tapos di naman pala  karapatdapat ivote, kaya Read first. Atsaka, OKAY LANG po saakin kahit di kayo magvote.

Nga pala, ANG NAGIISANG DJ NA NAGPATIBOK NG PUSO KO, CHOS --------->

Trisha xx ♥ 

*******

Daniel's POV

Eto ako ngayon naghihintay kay Kath, antagal naman nun sa CR. Malamang babae, pero antagal talaga eh.

"Pare! tulungan mo naman akong bitbitin itong mga pinapadala ni Mr. Sabdao sa music room."

"Ah-eh, may hinintay ako pre "

"Sige na! Malapit lang naman ang music room eh! Tara!"

"Aish! sige na nga!"

Tinulungan ko na si Albert na dalhin yung mga musical instruments sa music room, pabalik na akong Ladies room ng may marinig ako ng tawanan.Sila Julia ata yun? Aish.  Di ko lang pinansin, paki ko ba? Pag dating ko dun sa Ladies room nakalock na pala yung CR ibig sabihin wala na dun  si Kath.

Maitext nga.

To: Kath <3

Kath! Asan ka? Wala ka na ba sa school? Sarado na yung CR eh. 

5 minutes..

15 minutes..

30 minutes..

1 hour..

Aish! Wala pa rin talagang reply? Umalis na lang ako ng university. ewan ko ba, masama ang kutob ko eh. Umuwi muna ako ng bahay. Badtrip ako! Naudlot pa naman kasi yung date namin ng prinsesa ko! >_____< Tinatawagan ko nga si Kath, pero wala pa ring sagot.

KATH'S POV

Aray! ang sakit ng ulo ko! Binuksan ko ang mga mata ko at nakita kong nakatali na ako sa upuan.

"Gising ka na pala, BERNARDO!"

Teka.

Pamilyar yung boses na yan ah.

JULIA?!

AMP!

"Julia! Pakawalan mo na ko oh!" pagmamakaawa ko sakanya. Eh kasi naman eh

" Kasalanan mo eh! Sa susunod! Wag na wag mong lalandiin ang AKIN. Naririnig moko BERNARDO? Akin lang si DJ! Okay na sana eh! Eepal epal ka pa! Alam mo bang minura ako nun pagkatapos na malaman niyang di ako ang nakasayaw niya! Amp naman! "

Si DJ nga pala! Pinatapos ko na si Julia at habang tumalikod siya para uminom nung beer niya, kinukuha ko ang cellphone ko kasi hindi naman masyadong mahigpit ang pagkatali sa isa kong kamay. Sakto tumatawag si DJ, kaya naman sinagot ko.

"Julia! Asan ba ako? Pakawalan mo na ako please."

"Tanga ka ba! Bakit kita papakawalan?! ha? Tapos isusumbong mo ako sa DJ KO! Di ako papayag noh! Girls alam niyo na gagawin niyo."

Prince and the Pauper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon