Chapter 18

1.7K 54 5
                                    

KABANATA XVIII

Tumayo siya at hinampas ang lamesang namamagitan sa amin ngunit hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Nanatili akong kalmado dahilan para lalong mag-init ang kanyang ulo.

"Chairman.." hinawakan siya sa braso ng kanyang anak.

"Lolo calmdown." singit naman ni Kie. "Gless.." tumingin sa akin si Kie na para bang sinasabi na wag kong patulan ang lolo niya.

Huminga muna siya ng malalim bago umupo at inayos ang kwelyo.

"I don't like your attitude." matigas na sabi niya. "Bravo!" napasinghal ulit siya. "Siguro ay may ibubuga ka. Am I right?" sarkastikong sabi niya pero hindi ako nagpatinag.

"Wala ho akong ibubuga." pormal na sagot ko.

"Hahahahaha--"

"Dahil hindi ho ako dragon."

Ang mukha niyang puro halakhak ay napalitan ng natinding galit sa aking sinabi.

Batid kong natawa si Kie sa sinabi ko ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa iba.

"So siguro kailangan ko ng masanay sa bastos mong ugali." hindi ako sumagot at ipinagpatuloy lang ang kinakain.

Ilang minuto rin ang nakalipas at wala ni isa ang nagsalita.

"Ah, Gless??" napaangat ang tingin ko sa mommy ni Kie.

"Gless nalang itatawag ko sa'yo. Hindi naman masama diba?" nakangiting saad niya ngunit hindi pa rin ako sumasagot. "Ilang taon ka na pala?"

Ilang minuto rin bago ako nagsalita. "Dise-syete ho." pormal na sagot ko.

"17 kana??" gulat na tanong ni Kie. "Hindi halata. Akala ko sixteen ka palang." dagdag pa niya.

Lol.

"Oo nga, iha. Seventeen ka na? Pero high school ka palang diba? At hindi halata dahil mukha kang dalagita."

Ngumiti lang ako bilang sagot dahil panigurado maraming follow up questions dyan.

"Alam mo bang 18 na si Kie?" nakangiting sabi ng mommy niya dahilan para matigilan ako.

Eighteen na rin siya?

d>>>_<<<b

Hindi halata pota! Matanda na pala 'tong kausap ko, hindi ko man lang nahalata.

"May boyfriend ka na ba Gless iha?"

dO___ob

*Huk!*

Feeling ko nasamid ako sa aking kinakain sa tanong na iyon ng mommy niya.

"Mommy naman. Nabilaukan tuloy siya. Gless oh tubig." inalok ako ni Kie ng tubig at walang pagkukubli na ininom ko 'yun.

"Grabe Gless, ang tibay mo isang lagok lang. Hahahahaha." natatawang usal niya habang ang paningin ay nasa boteng walang laman.

"Okay ka lang ba iha?"

"Okay lang ho. Salamat." nakangiting sagot ko.

"Para ka talagang lalaking Gless iha. Hahahaha. Kapag ako nasa posisyon ni Kie, hindi ako magdadalawang isip na ligawan ka. Ang astig mo kaya!"

Kinilig ang abs ko, impairness.

d--,-bvv

"Mommy, kung alam mo lang.. Gustong-gusto ko siyang ligawan."

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon